Chapter 58 - Trust
December 06, 2010
Nagningning ang mga mata ni Lee. Bukod kasi sa matagal niya na namang matititigan si Odyssey ngayong hapon, masaya siya na nilapitan siya ng kapatid nito.
There is a sense of pride that she is close to the brother of the one she likes. Na kahit wala naman talaga siyang pwesto sa puso nito, having Perci around gives her a little dignity kahit na kanina pa siya inuusig ng mga tao matapos niyang makipagsiksikan para lang makaupo sa unahan.
May debate kasi ngayon na magaganap sa quadrangle at dahil nabalitaan niyang isa si Odyssey sa mga kalahok, talagang tumakbo talaga siya at naiwan na niya si Mizzy na hindi na nakasingit sa harap 'di tulad niya.
Because of this, she received so much eyerolls. Sinasabing heto na naman siya, hindi pa rin nagsasawa sa kakahabol. Nakarinig pa siya na dapat niya nang harapin ang katotohanan na wala siyang pag-asa dahil hindi sila bagay. Dahil ang bagay kay Odyssey ay ang babaeng katapat niya.
Napangiti na lang siya kanina nang mapansing si Danielle ang nasa kabilang lamesa na makakalaban ni Odi. Of course, sino pa ba?
Hindi naman talaga siya naapektuhan sa mga ganito ng todo. Dahil kung tutuusin, tama naman sila. Simpleng silay lang naman ang habol niya. Hindi naman siya aakyat sa entablado para gumawa ng eksena.
She just wanted a good view.
Hindi niya naman inaasahan na nanonood ang kapatid nito. Doon lang niya naramdaman na kahit paaano, naapektuhan rin naman siya.
"Perci bebi!"
"Si ate, maka-baby na naman!" Itinaas ni Perci ang kamay niya at nagiintay na bigyan siya ni Lee ng high-five. "Isang kasa naman diyan."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bawal suportahan si kuya Odi?"
Ramdam ni Lee ang pagtingin ng iba. Ayaw niyang gamitin si Perci bilang bragging rights sa iba, pero 'yung totoo, lumuwag ng kaunti ang pagsisikip ng dibdib niya.
"Buti naman nakakanood ka ng mga ganyan ng kuya mo. Nakaka-proud ba?"
Ngumiti si Perci. Abot hanggang tenga.
"Biro lang, 'te. Hindi kasi uuwi si kuya ngayon kung mananalo siya diyan." Turo nito sa entablado. "Kailangan kong humingi ng pera."
Natawa din si Lee.
"Ikaw talaga..."
Nagsimula ang debate nang ipakilala na ang magiging tema. Euthanasia ang pagtatalunan ni Odyssey at Dani. Danielle for the right to die, while Odyssey to argue against Euthanasia.
"The word euthanasia, originated in Greece means a good death..." Paunang salita ni Dani na nagpapalakpak sa lahat. Ang sabi kasi, hindi daw binigyan ng preparasyon para sa debateng ito.
BINABASA MO ANG
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)
Romance"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel than Odyssey Lee. If love was a manifestation, iyon ay ang pag-ibig ni Lee. At unti-unti rin yong naram...