SIMULA

49.8K 827 38
                                    


SIMULA

"MISU, YOUR OTŌSAN is waiting for you." katok ng butler ng pamilyang Kobayashi sa pinto.

Napangisi si Akina at gamit ang pinagduktong-duktong na tela ng kumot ay bumaba siya sa bintana ng kwarto niya gamit ang mga telang iyon.

Sukbit-sukbit niya sa kaniyang balikat ang isang back pack para dalhin sa kanyang pagtakas. Nang malaman niya na sakto na siya sa puno ay ginamit niya ang mga paa para itulak ang sarili patungo doon. Buong lakas niyang binuhos ang pwersa sa pagtalon at 'tsaka siya bumitaw sa kumot para abutin ang sanga.

Napangiti siya ng makalambitin na siya sa puno. Tumingin siya sa ibaba at nakita niya na hindi na masama ang kababagsakan niya.

Bumitaw siya sa puno at pumikit. Naramdaman niya ang pagbagsak ng katawan niya sa truck ng basura. Naka-garbage bag naman lahat kaya hindi siya masyadong narumihan.

Tumingala siya sa palasyong naging kulungan niya. Nais niyang maging malaya at hindi kino-control ng kahit sino, kaya gagawin niya ang lahat para makalayo.

Agad siyang bumaba sa truck at may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya na isang remote control. Pinindot niya ang red button at maya-maya lang ay heto na ang pinaka tatago niyang motorcycle bike na bigay mismo ng kanyang bestfriend.

Sumakay agad siya sa motor at pinaharurot paalis sa lugar. Napataas siya ng isang kamay at napangiti habang nagsusumigaw sa saya.

"Wooooh!! I'm free now!" sigaw niya habang minamaneho ang motor sa kahabaan ng daan na walang anumang sasakyan ang dumaraan.

Napangiti siya na humawak muli sa manibela at pinaharurot sa bahay na pinagkakatiwalaan niyang tao.

Pagdating sa house nito ay hininto na niya ang motor at bumaba.

"Shin!" excited na tawag niya sa bestfriend niya. Pumasok siya sa bahay nito at pagbukas pa lang ng pinto ay napaubo na siya.

Hinawi niya ang usok na sumalubong sa mukha niya at tuluyang pumasok. Hinahanap niya ang kaibigan na tila nag-experiment na naman.

"Baby ko!"

Parang bata ito na sumigaw at nakita niya na nakasuot ito ng lab gown at salamin. At puno ng uling ang mukha at kasuotan nito.

Ambang yayakap ito sa kanya ay pinigil niya agad ito sa noo na kinanguso nito.

"Tsss. . . Don't you dare. And stop pouting, you really look like a duck." malamig niyang sabi rito na kinapadyak ng paa nito hudyat na nag-i-inarte sa kanya.

"Ang tagal mo kayang nakulong, baby ko. Nakakatampo naman." reklamo nito sa kanya. Kung nagtataka kayo kung bakit fluent ito sa Tagalog ay dahil pure Filipino ang parents nito. Maging ang Mommy niya ay purong Pinoy, pwera lamang sa Otōku (Daddy) niya na purong Japanese naman. Kaya half Japanese-half Pinoy siya. Marunong rin siyang mag-Tagalog dahil sa lenggwahe ng kanyang Mommy. Super bait ng Mommy niya kaso kabaliktaran naman ito ng Daddy niya na super strict, to the point na halos ayaw na siyang palabasin ng mansion at gusto na tumutok lamang siya sa pag-aaral.

"Huwag mo 'kong artehan, Shin. Kailangan ko ng tulong mo." sabi niya rito at lumapit siya sa sofa na halos wala nang maupuan sa sobrang daming imbento nitong unan na nakatambak sa sofa.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon