CHAPTER 12 - HIS NURSE

19.4K 597 26
                                    

CHAPTER 12
HIS NURSE 👩‍⚕️



HABANG nakikipag-usap ang parents ni Diesel sa doctor ay lumapit si Akina sa silya na malapit sa kinahihigaan ng wala pa ring malay na si Diesel. Nai-kwento sa kanya ng Mommy nito na takot pala ito sa dugo, kaya 'wag na raw magtaka kung bakit nahimatay ito ng makakita ng dugo.

Napailing siya at napangiti habang tinitignan niya ito na parang batang matulog. Hindi niya akalain na ang lakas nitong mam-bully sa school pero dugo lang pala ang katapat nito. Saka ngayon niya lang nakita kung paano ito mahiga. May yakap-yakap na unan habang nakabuluktot na parang nasa bahay lang.

May napansin siya sa pilik-mata nito kaya inusog niya ang upuan at nilapit niya ang mukha rito para makita ang nahulog na pilik-mata nito. Kukunin palang niya sana ng may nag-flash na camera kaya napalingon siya at nakita niya ang Mommy ni Diesel na nakangiti.

"Souvenir lang. Tiyak na matutuwa ang anak ko." sabi niya kaya napabuntong-hininga siya dahil grabe talaga trip ng mag-anak na ito. Tumingin siya kay Diesel at nakita niya na dumilat na ito at napatingin sa kanya.

Nang ma-realize nito siguro na siya ang nakikita nito ay nabigla ito at napalayo ng mukha habang hindi makapaniwala na napaturo sa kanya.

"N-Nandito ka?" nauutal nitong tanong kaya inismiran niya ito at tumayo na siya dahil tila ayos na ito.

Humarap siya sa parents nito na kitang kita ang ka-sweet-han habang tinitignan ang larawan nila ni Diesel.

"Uuwi na ho ako, Ma'am and Sir." pukaw niya sa mga ito kaya napatingin ang Mommy nito sa kanya at maging kay Diesel.

"Huh? Uuwi ka na? Pero paano ang anak ko? Walang magbabantay sa kanya." sabi nito na kinakunot ng noo niya.

"Ho? 'Di ba kayo po ang magbabantay sa kanya?" naguguluhang tanong niya.

Napalungkot ang reaksyon ng mukha ng Mommy ni Diesel habang ang Daddy nito ay napapailing.

"Kasi, hija, may flight kami ni Mister ko. Hindi naman namin pwedeng iwanan ang baby boy ko." sabi nito na nagmamakaawa at lumapit sa kanya. Humawak ito sa mga kamay niya at tumingin sa kanya na nagmamakaawa, "Hija, pwede bang bantayan mo muna ang baby boy namin. Ikaw muna ang bahala sa kanya." sabi nito na kinalaki ng mata niya at napailing siya pero...

"Baby boy, ayaw ka man namin iwan pero siya muna ang mag-aalaga sa iyo. Pagkabait ka anak para naman sagutin ka na.. " Sabi nito na halos ibulong ang huli kaya hindi niya narinig.

"Pero po, Ma'am, Sir.." pigil niya sa mga ito pero kumindat lang ito na hindi niya alam kung sa kanya o kay Diesel, kaya bumaling siya kay Diesel na nahuli niya ito na pa-ngiti-ngiti habang nakikipagkindatan sa Mommy nito, ngunit nang mapansin siya nito na nakatingin ay dumaing ito at napahiga.

Lumabas na ang parents nito kaya marahas siyang napabuga ng hangin at pagalit na inayos ang silya bago siya naupo habang nakahalukipkip ang mga braso niya sa dibdib niya.

"Hey, gutom na ako." ungot nito pero hindi niya ito pinansin at pumikit lang siya, "Tsk. Ganito pala ang mapapala ko sa pagligtas sa buhay ng isa d'yan. Wala man lang 'thank you kiss' o di kaya ay pakainin ako." bulong-bulong nito kaya dumilat siya at tumingin rito na nakanguso habang nakatingin sa kisame.

Tumayo siya at naglahad ng kamay na kinatingin nito. Nagtataka na napatingin ito sa kanya at pagkaraan ay naupo ito bago inabot ang kamay niya na kinaasik niya. Hinawi niya ang kamay nito at naglahad muli siya ng isang kamay.

"Pera. Ibibili kita ng pagkain mo ng matahimik ka lang." mariin niyang sabi kaya nahiga muli ito.

"Wala akong perang dala dahil naiwan ko sa school ang bag ko. Saka lalabas ka? Mamaya ay iwan mo lang ako at takasan mo ang responsibilidad mo sa akin." sabi nito na kinamaang niya.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon