CHAPTER 17 - THE TRUTH

18.1K 558 10
                                    

CHAPTER 17
THE TRUTH 😭💔


NAGKAKAGULO ang mga estudyante habang ang lahat ay nasa waiting area ng airport na pagmamay-ari mismo ng mga Ford.

Kanina pa hindi mapakali si Diesel habang nakatayo at palakad-lakad habang hawak-hawak niya ang passport at plane ticket niya.

Napapailing ang bangtan habang sumusunod ang tingin ng mga ito sa kaibigan. Tanggap na nila na malakas ang tama nito kay Jhaycee. Kaya naka-suporta na lang sila dito.

"Damn, nasaan na ba siya? Bakit wala pa siya? Malapit na ang flight." sambit niya na tila sa sarili sinasabi 'yon.

Ngayon kasi ay mayroong field trip ang first college na tulad nila. Isang buwan na ang nakalipas at mahigit isang buwan na rin magkasintahan si Diesel at Jhaycee. At alam na 'yon ng buong university.

"Aaron!"

Napalingon si Diesel sa pagkakaala na dumating na ang nobya, ngunit iba ang nakita niya. Bumagsak ang balikat niya dahil hindi pala ito ang hinihintay niya.

"Zia." sambit niya sa pangalan ni Zia na nakangiting lumapit sa kanya habang nakasuot ito ng summer dress habang naka-shades at summer hat ito. May hila-hila itong maleta na dadalhin nito.

"I'm excited to our trip. What's your seat number?" masayang sabi at tanong nito.

"V.I.P seat." sabi niya.

"Tatabi ako sa iyo, ha? Kayo lang ang kilala ko, e." sabi nito. Nag-,transfer ito sa school nila at nagkataon pa na same section sila. Kaya kasama ngayon ito sa trip ng school sa hawaii.

Sasagot na sana siya ng mahagip ng tingin niya si Jhaycee na hingal na hingal at nililibot ang tingin. Napangiti siya at agad na naglakad. Nilagpasan niya si Zia at inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Jhaycee na napatingin na sa kanya.

"Bakit ang tagal mo? Hindi mo ba alam na abot-abot ang kaba ko na baka mahuli ka." sermon niya rito. Napatingin siya sa suot nitong plain stripe white and black polo na maluwang rito habang nakatiklop ang manggas hanggang sa siko nito. Habang naka-skinny jeans ito na nakatiklop ang dulo habang nakasuot ng red casual shoes. Habang may leather black back pack ito na sukbit sa magkabilang balikat sa likod.

"Napasarap kasi ang tulog ko kaya hindi agad ako nagising. Sorry kung hindi ako nakarating sa oras na pinag-usapan natin." tugon nito kaya napahinga suya ng malalim at ngumiti bago siya tumayo sa tabi nito at inakbayan niya.

"Okay, apology accepted. Ang mahalaga ay narito ka na." sabi niya kaya napangiti ito. Inakay na niya ito palapit sa bangtan at kay Zia na nakatingin sa kanila na may hilaw na ngiti.

"Ron, nag-anunsyo na ang airport. Tayo na." sabi ni Sandro kaya tumango siya at naunang maglakad habang akbay-akbay si Jhaycee.

Pagpasok nila sa V.I.P area kung saan ang seat nila ay inakay niya si Jhaycee at pinaupo sa tabi ng bintana.

"Aaron, I thought ako ang katabi mo?" sabi sa kanya ni Zia na nakatayo sa harap ng seat nila.

Tumingin siya kay Jhaycee na pinagtaasan siya ng kilay kaya agad siyang tumingin sa bangtan at nakita niya na walang katabi si Jack.

"Makitabi ka n alang kay Jack. Dito si Jhaycee sa tabi ko, e." sabi niya kaya umasim ang mukha nito at tumingin kay Jhaycee bago ito nagdadabog na naglakad patungo sa seat assign ni Jack.

Naupo siya sa tabi ni Jhaycee at tumingin siya rito na nakatingin na sa bintana. Tila bad shot na naman siya.

"Akina ko, excited na 'ko." sabi niya rito. Tumingin ito sa kanya at napahinga ng malalim.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon