CHAPTER 26 - LETTER

19.3K 520 11
                                    

CHAPTER 26
LETTER 📜


"DIESEL, mamaya sa port, alas tres ng hapon."

Hindi pa nasusubo ni Diesel ang breakfast niya na stuffed egg ay bigla na lang siyang nilapitan ni Akina para sabihin 'yon at umalis na..

Nakabihis na ito ng pagpasok at nagtataka siya dahil himala at hindi ito nagpupumilit na sumabay sa kanya.

"Oh, napano ka?"

Umiling siya sa Mom niya at nagpatuloy siya sa pagkain.

"Baby, tingin mo, pwede mong maging girlfriend si Akina?"

Napaubo suya at napainom agad ng tubig dahil sa pagkabigla sa sinabi ng Mom niya. Hinimas nito ang likod niya.

"Mom! Ano bang sinasabi n'yo?"

"Oh, bakit nabulunan ka pa? Ayiiee! May pagtingin kay Akina, ano?"

Napakamot siya sa kilay niya dahil naiilang siya sa tukso ng Mommy niya.

"Wala po, bakit naman ako magkakagusto do'n. Si Zia lang naman ang crush ko."

"Really?"

Napatingin sila ng Mom niya ng may biglang nagsalita. Nanlaki ang mata niya ng makita si Zia.

"Z-Zia.." napatayo siya habang hindi makapaniwala na nakikita niya si Zia.

"Aaron, kumusta?"

Agad siyang lumapit kay Zia at niyakap ito ng mahigpit.

Tama, si Zia lang ang gusto niya.

"I miss you so much, Zia. Mabuti at umuwi ka na."

"H-Huh? I don't get you."

Bumitaw siya ng yakap rito at hinawakan niya ito sa mukha.

"I still like you, Zia." nakita niya na nagningning ang mga mata ni Zia dahil sa sinabi niya.

"R-Really? But how about Akina?"

"Bakit naman nasama si Akina sa usapan? I don't care about her."

"Zia, we need to talk. Diesel, pumasok ka na sa school mo, mamaya na kayo mag-usap ni Zia."

"No, Mom. Hindi ako papasok ngayon. Ngayon pa na kakarating lang ni Zia. Kailangan naming mag-bonding, dahil ngayon lang muli kaming nagkita." tumingin siya kay Zia at ngumiti, "Let's go, Zia. Gusto kong mag-date tayo."

"S-Sige." alanganin na pagpayag ni Zia at nagbigay ng paumanhin kay Beatrice bago siya sumama kay Diesel.

-

"Akina, hindi daw pumasok si Diesel."

"Huh? Pero nakagayak na siya kanina. Bakit hindi pumasok 'yon?"

"Baka tinatamad. 'Wag kang mag-alala, tiyak na sisiputin ka no'n."

Napatango si Akina sa sinabi ni Briones at Mina. Napahinga siya ng malalim dahil baka mamaya ay hindi sumipot si Diesel.

Exactly 2:45 pm ay tapos na ang klase ni Akina. Kaya nagmamadali siya sa paglabas sa university at nag-abang ng sasakyan. Hindi niya ma-contact si Diesel pero siguro naman ay sisipot 'yon.

Nang wala siyang makitang sasakyan ay napatingin siya sa bisikleta sa tabi ng gate. Nagpaalam siya sa guard at sinabing ibabalik rin niya agad. Pinayagan siya nito kaya napangiti siya at agad na nagpidal.

Malayo-layo rin ang pinidal niya bago siya makarating sa port. Agad niyang pinaiwan sa nagbabantay ng vest ang bike bago niya tinungo ang port bridge. Umakyat siya at hinanap niya kung nandito na ba si Diesel, pero wala pa ito.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon