CHAPTER 4 - SHADES

19.2K 639 34
                                    

CHAPTER 4
SHADES 👓


BANAS na banas na ipinasak ni Diesel sa tenga ang ear phone niya at gamit ang mga braso ay ginawa niyang mga unan ito. Pumikit siya at nakakunot-noo pa rin dahil hanggang ngayon ay nanginginig siya sa inis kay Akina.

"Baby RonRon, kakain na! Bakit ba ayaw mo pang bumaba?" katok ng Mommy niya kaya inis na inalis niya ang pasak na ear phone sa tenga niya.

"Ayoko nga pong kumain." tugon niya at ginulo ang buhok niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang Mommy niya na si Beatrice.

"Bakit ayaw mong kumain? Inaayos na ng Daddy mo ang sunny car mo." mahinahong sabi ng Mommy niya at naupo sa dulo ng kama niya.

"Wala ako sa mood, Mom." sabi niya habang kinakalikot ang ear phone.

"Sino ba 'yung nagsulat sa sunny mo? Tila may matinding galit sa iyo." nakangiting sabi ni Beatrice habang tinitignan ang anak na ngayon lang nagmaktol ng ganoon. Pag-uwi ni Diesel sa bahay ay inis na inis ito. At nang tinatanong niya kung bakit ay dahil pala sa isang sulat gamit na ginamitan ng pentel pen.

"She's just a poor girl, Mom. She's so annoying and so boyish." sabi ni Diesel at walang gana na binitawan ang cell phone.

"Anak, don't call her poor. Ano ba ang sinabi ko sa inyo? 'Wag kayong titingin sa panlabas na anyo. Ayaw ko ng ganoong asal anak. At nakita ko naman ang sinulat nung babaeng sinasabi mo. Mas gumanda nga ang sasakyan mo, e. Inferness ha, maganda ang penmanship hand writing niya. " paalalanan ng mom niya at pinuri pa nito ang sulat ni Akina.

"Mom!" pikon niyang suway rito na kinahalakhak nito at tumayo.

"'Wag ka na kasing mag-matol d'yan. Tara na at naghihintay na ang Daddy mo at mga kapatid mo. Masamang pinaghihintay ang pagkain." aya nito at hinila siya kaya napangiti na siya at tumayo sa kama.

"Ma, piggy back." sabi niya at sumampa sa likod nito.

"Jusko Anak! Ang laki mong bulas. Sa akin ka pa talaga nag-piggy back." nahihirapan nitong sabi kaya napahalakhak siya at umalis sa likod nito bago niya akbayan ang Mom niya.

"I'm kidding, Mom." sabi niya kaya piningot siya nito sa tenga.

"Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan." sabi nito kaya napangiti siya kahit paano.

-

"ANONG nangyari sa first day mo, Akina? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Isabelle sa kanya at nilapag nito ang tinolang manok sa hapag na umuusok pa.

"Okay lang." wala niyang ganang tugon at sumalok ng sabaw at humigop para mainitan siya. Medyo basa pa ang buhok niya habang may face towel sa ulo niya na ginawa niyang pamunas para tiyuin ang buhok niya. Naligo kasi siya dahil nga galing siya sa maalikabok na lugar at nadumihan ang damit niya dahil sa pagbubuhat ng sako ng graba.

"Anong okay lang? Parang hindi ka naman okay?"

Binaba niya ang soup bowl sa plate at tumingin siya kay Isabelle.

"Tiya, 'yung shades, magagawa pa ho ba?" paglilihis niya sa usapan.

"Tinignan ko, pero hindi na maaayos 'yon dahil sobrang basag at putol na ang tangkay. Kanino ba 'yon at bakit nagka-ganoon?" sabi nito kaya napahinga siya ng malalim.

"Wala ho. Hindi na ho importante 'yon." Tugon niya at kumuha ng manok at nilagay sa plato.

"Oo nga pala, Akina. Tutal ay sabi mo nga may work ka na, isasama ko na lang si Allen sa trabaho ko, para hindi na siya maiwan dito mag-isa."

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon