CHAPTER 8 - GUSTONG-GUSTO

19.8K 611 52
                                    

CHAPTER 8
GUSTONG-GUSTO😆


"CLASS dismissed!" anunsyo ng Professor nila Akina, kaya nagsitayuan na sila pagkalabas nito. Sinukbit niya ang kanyang bag sa balikat niya at pinamulsa ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya habang nagsimula na siyang humakbang para lumabas. Pero napahinto siya ng biglang hinawakan siya ni Mina sa braso niya.

"Jhaycee, sama ka samin. May bagong flavor ng ice cream sa isang ice cream parlor shop d'yan lang malapit sa Ford Hotel." aya nito sa kanya. Inalis niya ang kamay nito na kinabitaw nito.

"Ayoko, kayo na lang at busy ako." sabi niya rito at nagpatuloy na sa paglabas sa room.

Mabuti naman at hindi na siya pinagtripan ng mga estudyante rito at nakaalis siya ng university ng matiwasay. Pagdating sa hardware ay sumabak agad siya sa trabaho. Natoka naman siya sa pagsalansan ng order na mga muwebles.

May nakita siyang dumating na magarang kotse at may bumaba doon na gwapong lalake na naka-suit pa. May inalalayan itong bumaba kaya nakita niya ang maganda babae na maputi at mukhang chinita pero parang pure pinoy naman.

Pumasok ang mga ito sa hardware at kinausap ng gwapong lalake ang boss nila. Dumaan siya at napansin niya na napatingin sa kanya ang babae. Tinignan niya ito at napansin niya na ngumiti ito sa kanya kaya tipid na lang siyang ngumiti pabalik rito dahil hindi naman niya ito kilala.

"Jhaycee, kami na rito." sabi ni Joseph na inilingan niya at binagsak ang buhat niyang sako ng graba na order pala nung dumating na dalawa.

"Hindi na. Masita pa ako." sabi niya rito at bumalik muli sa loob.

"Ang ganda ng kasama ni Sir Duke. Girlfriend niya siguro 'yun." bulong ni Buboy na ang kabulungan ay sila Caloy.

"Syempre, gwapo si Sir kaya maganda din ang girlfriend." sabi ni Caloy na inismiran niya.

"Kay Jhaycee baka may pag-asa tayo. Sayang kasi ang ganda niya pero tibo at lalakeng manamit." sabi ni Rico na hindi ata napansin na naroon siya at dinig na dinig niya ang mga pinabubulungan ng mga ito.

Kinuha na lang niya ang isang kahon ng tiles na order at lumabas muli. Kahit medyo masama pa ang pakiramdaman niya ay hindi niya ininda.

"Jhaycee.." tawag sa kanya ng boss niya. Napalingon siya at napansin niya na siya na lang pala ang huling hindi pa nakakasahod. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit rito na nakaupo habang nasa tapat ito ng table, "Heto ang sahod mo para sa buong buwan." sabi nito na kinataka niya habang nagtataka na kinuha ang maliit na envelope na naglalaman ng sahod niya.

"Bakit ho buong buwan na ito?" tanong niya.

Napabuntong-hininga ito at tinapat sa kanya ang isang notebook kung saan lumalagda 'pag sahuran na.

"Alam ko na kailangan mo ng trabaho. Pero siguro ay naaantala din ang trabaho mo dahil sa pagpasok mo sa school. Ilang beses ka nang na-late kaya bumabagal din ang pagkarga sa mga order." sabi nito.

Napabuntong-hininga siya dahil gets na niya ang pinupukol nito. Kinuha niya ang ballpen at lumagda sa notebook para patunay na nakuha na niya ang sahod niya.

"Sige ho. Salamat po sa pagkuha sa akin." sabi niya at lumapit sa inupuan niya kanina at kinuha ang bag. Hindi na siya nagpaalam dahil wala naman sa bokubolaryo niya 'yon.

Sumakay siya sa bike at pinagtakbo kung saan siya dadaan pauwi. Habang nakatingin sa daan ay busy ang isip niya kung saan naman siya ngayon maghahanap ng trabaho. Napahinga siya ng malalim dahil kahit pala anong pursige sa trabaho ay hindi pa rin pala sapat sa ibang tao.

"Ahem!"

Napalingon siya sa gilid niya at nakita niya si Diesel na sakay ng kotse nito habang mabagal na nagmamaneho tila sinasabayan siya. Tumingin na lang siya sa daan at binilisan ang pagbaba-bike.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon