CHAPTER 23 - ACCIDENT

18K 476 1
                                    

CHAPTER 23
ACCIDENT


NAKANGITING pumasok si Akina sa bahay nila Diesel. Gusto niya kasing ayain si Diesel sa Rain memories japanese restaurant. Hindi pa nila nabubuksan ang message nila sa isa't-isa kaya nais niya na mabasa nila ng sabay.

"Hi, Tita."

Nakita niya kasi ang mommy ni Diesel na si Beatrice. Kasama nito si Benj habang tinuturuan nito ang bata sa pagbabasa.

"Oh, Hija!" napatayo si Beatrice at nagbeso sila ng makalapit sya, "May lakad ba kayo ni Baby Diesel?"

"Wala po, pero aayain ko po sana siya na pumunta sa restaurant na dati na po naming pinuntahan."

Ngumiti siya at kiniss si Benj sa pisngi nito ng yumakap ito sa leeg niya at kumandong.

"I miss you, girlfriend." napangiti siya sa tinuran ni Benj. Kaya niyakap niya ito at tinadtad ng halik sa pisngi na kinahagikgik nito.

"Gustong gusto talaga ni Benj ang mga girlfriend ng Kuya niya. Kinakabahan tuloy ako na lumaki siyang playboy."

Napangiti siya at tumingin kay Beatrice, "Hindi naman po siguro. Sweet lang talaga si Benj kaya malapit siya sa amin."

Napangiti naman si Beatrice sa sinabi niya at naupo ito kung saan niya naabutan itong nakaupo.

"Natutulog pa si baby Diesel, Hija. Gisingin muna lang kung gusto mo."

"Sige po, Tita." nakangiti niyang sabi at tumingin kay Benj, "Akyatin ko lang muna ang Diko mo."

Tumango ito at bumaba mula sa pagkakakandong sa kanya. Tumayo na siya at iniwan muna niya ang mag-ina upang tumungo siya sa kwarto ni Diesel.

Pagdating sa harap ng pinto ng kwarto ay napangiti siya ng makita ang nakasabit sa pinto nito. Diesel ❤ Akina.

Kaya lalong lumawak ang ngiti niya na binuksan ang pinto at pumasok siya. Napatingin suya sa gawing kama nito at nakita niya na nakadapa ito na natutulog pa rin.

Napailing suya dahil tanghali na hindi pa rin ito gising. Sabagay, gabi na silang nakauwi at nakainom pa ito.

Paluhod na sumampa siya ng kama nito at paluhod na gumapang palapit rito. Naupo siya ng makapunta sa gilid nito at hinaplos niya ang buhok nito.

"Gasolina, gising na." inalog niya ito kaya napaungot ito ngunit hindi naman nagising.

Napanguso siya at napangiti siya ng pilya ng may maisip kung paano ito magigising. Nahiga siya ng padapa at nakapalumbaba siya na tinitigan ito. Nilapit niya ang labi sa pisngi nito at hinalikan niya.

"Gasolina, gising na." Inulit niya muling halikan ito kaya napaunat ito at napangiti bago idilat ang naniningkit nitong mata.

"Akina ko." sabi nito at niyakap siya kaya napasubsob siya sa leeg nito. Nahiga ito kaya umangat ang ulo niya at tinignan ito, "Ang aga mo ata akong namiss."

"Heh! Tanghali na kaya. Tumayo ka na d'yan at balak kong puntahan natin 'yung rain memories restaurant."

Natawa ito at pumikit muli kaya hinampas niya ang tiyan nito na kinabangon nito.

"Ang amazona mo talaga."

"Bakit? May angal ka?" inismiran niya ito at hinawakan niya ito sa kwelyo at tinayo, "Tayo na. Dali na!"

"Okay.. okay." natatawa itong sabi at bumangon na. Tumalon talon pa muna ito kaya binato niya ito ng unan na kinatawa nito.

"Argh! Nakakaantok!"

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon