CHAPTER 15 - THE GARTER & FLOWER

18.1K 566 31
                                    

CHAPTER 15
THE GARTER & FLOWER

TULALA si Diesel habang panay ang pag-iisip niya sa sinabi ni Jhaycee sa kanya. Tila nagka-eyebags na siya dahil doon. Dalawang araw na rin ang nakalipas mula ng iwanan siya ng katanungan ni Jhaycee. Ngayon ay araw na ng kasal ng Kuya niya pero kahit excited siya ay wala doon ang isip niya. Kailangan niyang malaman kung sino ang lalakeng sinasabi ng Girlfriend niya, masisiraan siya ng ulo kapag hindi pa niya nalaman kung sino ba ang lalakeng 'yon. Kapag nakilala niya ay sisiguraduhin niya na magsisisi ito na inagaw nito sa kanya si Jhaycee.

"Yow, Sel!"

Napalingon siya sa pinto ng kwarto niya at nakita niya ang bangtan na mga pormal na pormal ang suot para sa kasal ngayon ng Kuya niya. Nakasuot siya ng tuxedong puti. Lahat silang magkakapatid ay abay sa kasal kaya kung ano ang suot ng Kuya nila ay ganoon din sila. Iba nga lang ang design.

"Araw ng kasal ng Kuya mo, pero tila byernes santo ang mukha mo." sabi ni Michael na nakipagbanggaan ng kamao sa kanya at ganoon din ang bangtan bago maupo ang mga ito sa kama niya, habang si Jack ay nakasandal sa pader at ano pa nga ba? Edi tahimik pa rin.

"May iniisip lang ako." sabi niya at napabuntong hininga bago sumandal sa swivel chair sa tabi ng study table niya na kinauupuan niya.

"Hulaan ko, si Jhaycee, 'di ba?" sabi ni Benedict.

"Sino pa nga ba? Si Jhaycee lang naman ang bukang-bibig niya palagi. Tila gustong gusto mo na talaga siya." sabi ni Jin.

"Ano ba kasi ang prinoproblema mo? Dalian mo at baka magsimula na ang kasal ni Kuya Duke. Para makakain na tayo." sabi ni Raphael na akala niya ay wala ang pagkain sa isip nito ngayon, pero nagkakamali pala siya.

"Tsk kahit kailan talaga, puro pagkain ang nasa isip mo." aniya rito na kina-sign peace lang nito kaya inismiran niya ito bago siya natahimik saglit at bumuka ang bibig para sabihin ang pino-problema niya, "Sinabi niya kasi sa confess room noong nakaraang araw na may mahal na siyang lalake. Alam ko naman na ako 'yon, pero sabi niya ay hindi daw ako nakakasiguro na ako 'yon. Sabi pa niya ang lalakeng nagugustuhan daw niya ay ang lalakeng kapag tinapunan ng apoy ay bigla na lang daw magliliyab. Hindi ko malaman ang ibig niyang sabihin, dahil ang hirap hulaan ng sinabi niya." pagbabahagi niya sa problema niya.

"Hmmm, ang gusto kamo ni Jhaycee ay 'yung lalakeng kapag tinapunan ng apoy ay bigla na lang magliliyab?" sabi ni Michael kaya tumango siya.

"I think, it's me." sabi ni Sandro kaya matalim ang mata nuya na tumingin siya rito.

"Hoy, Sandro! 'Wag kang mang-aagaw, at 'wag kang mag&claim na ikaw ang gusto niya dahil sinisiguro ko sa iyo na hindi ikaw 'yon." inis niyang sabi rito na kinangisi nito.

"Bakit, ikaw ba ang tinutukoy niya? Eh, tiyak ako na hindi rin ikaw dahil una pablang ay binully muna siya, kaya malabo na ikaw 'yon. Kaya patas lang tayo." pang-aasar nito sa kanya na kinausok ng ilong niya.

"Kung sino man ang sinasabi niya ay tiyak ako na wala sa inyong dalawa, dahil mayroon ng nakatadhana sa kanya." sabi ni Jack kaya napatingin siya rito na nagtataka.

"Anong pinagsasabi mo? Ano ka, future prediction?" natatawa niyang sabi rito ngunit seryoso lamang ito at hindi na sumagot.

May kumatok kaya doon na na-focus ang paningin nila ng bumukas na rin ang pinto.

"Diko, bumaba na raw kayo sabi ni Mommy." sabi ni Bettina habang hawak nito ang press powder nito habang tinitignan ang make-up nito na kinailing niya.

"Hi, pretty Bettina." maligalig na bati ni Raphael na kinairap ni Bettina.

"I'm not pretty, I'm gorgeous. Tsk. D'yan na nga kayo." maarte nitong sabi at nag-flip pa ng hair bago sila talikuran at lumabas ng pinto.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon