CHAPTER 24 - AMNESIA

17.6K 497 4
                                    

CHAPTER 24
AMNESIA

MATAPOS magpalipas ng isang araw sa hospital si Akina ay nagpumilit siya kay Isabelle na de-deretso siya sa maynila para puntahan si Diesel. Sinabi naman ng doctor na ayos na siya pero hindi pa pwedeng alisin ang benda sa braso at ulo niya dahil baka magka-komplikasyon daw.

Humahangos siya papasok ng hospital at hinanap agad niya ang nurse station. Nang makita niya ay tumapat siya sa harap nito.

"Nurse, pwedeng magtanong sa room number ni Diesel Aaron Ford?"

"Are you?"

"Girlfriend niya ako."

Napatango ito at binuklat ang isang notebook upang tignan ang room ni Diesel.

"Sa room 3020. Private room."

Nang sabihin nito 'yon ay nagpasalamat siya at nagmadaling tinungo ang mga room sa hospital. Nag-elevator siya para makarating sa third floor.

Nang makalabas siya ng elevator ay hinanap niya ang 3020. Tinignan njya ang bawat room at nang makita niya ay napahinga siya ng malalim at lumapit sa pinto.

Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. Sumilip siya at nang makita nkya ang pamilya ni Diesel at ang bangtan ay tuluyan na niyang binuksan..

"Akina." si Sandro ang unang nakapansin sa kanya. Kaya ngumiti siya rito at nginitian ang bangtan na ngumiti sa kanya.

"Hija, magaling ka na ba? Hindi ka ba nabinat sa pagpunta mo rito?" tanong ni Beatrice.

Bumeso sjya rito at kay Bettina bago siya tumango sa iba pang kapatid at daddy ni Diesel. Maging sa mga manugang ng ford.

"Ayos na po ako. Kahit po pilitin kong magpahinga ay hindi ko po magawa lalo't sa nalaman ko pong kalagayan ni Diesel. Kumusta na po siya? Hindi pa rin po ba siya gumigising?"

Napatingin siya kay Diesel na may iba't-ibang aparatong nakakabit sa katawan nito. Maging sa bibig at ilong nito ay may nakakabit na dextrose.

Nangilid ang luha niya na lumapit rito at naupo siya sa silyang katabi ng higaan nito.

"Hindi pa rin siya gumigising, Hija. Wala pa ring improvement sa kanya."

Humawak siya sa kamay ni Diesel at hinawakan niya ng mabuti. Tinitigan nkya ang mukha nito na maputla habang pikit na pikit ang mga mata na tila hindi na nais na dumilat pa.

"Gasolina, gising na please. Narito na ako. Nangako ka pa sa akin noong nakaraan na kailanman ay hindi mo ako iiwan. At palaging kang nariyan para pasayahin ako. Gumising ka na at tuparin mo ang pangako mo. Please.."

Napaiyak siya at yumakap rito. Nagsenyasan naman ang lahat na iwanan muna ang dalawa sa loob kaya doon muna sila sa kabilang side kung saan may harang sa pagitan visitors at patient bed.

Habang iyak ng iyak si Akina ay bigla namang gumalaw ang daliri ni Diesel.

"Uhhhmm.."

Agad namang napabitaw ng yakap si Akina ng umungol si Diesel at medyo gumalaw. Napatingin siya rito at nanlaki ang mata niya ng makita ang unti unting pagdilat ni Diesel.

"Tita! Tito! Si Diesel!" hiyaw niya sa tuwa kaya napukaw ang lahat at nagpuntahan sa kanila.

"Anong nangyari, Akina?" Tanong ni Beatrice.

Tinuro ni Akina si Diesel kaya napatingin lahat kay Diesel na ngayon ay tuluyang dumilat na.

"Diyos ko! Tumawag kayo ng doctor dali!"

Walang mapaglagyan ang saya ni Beatrice ng malaman na gising na si Diesel. Agad niyang niyakap si Diesel na ngayon ay napatingin sa taong nasa paligid niya.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon