CHAPTER 18 - CAN'T RESIST

17.8K 535 19
                                    

CHAPTER 18
CAN'T RESIST

SA PAGPASOK palang ni Jhaycee sa university ay pinagbubulungan na siya. Matapos ang nangyari nung gabi na umamin siya na hindi tunay ang pagkatao niya na si Jhaycee Akina Flores ay agad na umalis si Diesel pauwi ng pilipinas. Ngayon lang muli ang pasukan kaya tiyak na makikita na niya si Diesel ngayon. Hindi kasi niya naabutan ito sa bahay nito. Maging sa bangtan ay humihingi siya ng tulong para sabihin ng mga ito kung nasaan si Diesel. Alam niya na pinagtataguan siya nito. Pero pursigo siya na makausap ito. Nais niyang magpaliwanag rito. Gagawin niya ang lahat para masabi niya ang side niya.

Nabigla siya ng may nagbuhos sa kanya ng tubig. Napamaang siya at napatingin sa uniform na suot niya. Ngayon araw pa lang siya nagsuot ng uniform pero nabinyagan agad ito.

"Go away fake girl!"

"Oo nga! Umalis ka na sa university! Hindi welcome ang fake dito!"

"Hey, boyish girl!" si Amanda, "Oh! I'm wrong. Fake girl na pala. Kapal ng mukha mong magpakita pa. Niloko mo lang si Diesel." sabi pa nito at tinulak siya sa balikat.

Umirap suya at lalagpasan na sana niya si Amanda at alagad nito ngunit napahinto siya ng hatakin nito ang suot niyang bonet sa ulo. Pinagtulungan siya ng tatlo at sinabunutan siya. Napaupo siya habang nakahawak sa ulo niya dahil ang sakit na ng anit niya.

"What are you doing?!" agad na napatigil sila Amanda sa pagsabunot sa kanya ng marinig ang boses ni Jack.

Tinulak ni Jack ang tatlo kaya napaupo sa sahig ang mga ito. Tinulungan siya ni Jack na tumayo habang siya ay natutulala sa mga nangyayari. Tumingin siya sa paligid dahil baka nasa paligid lamang si Diesel ngunit tanging si Jack lamang ang narito.

"Halika nga." sabi sa kanya ni Jack at hinila siya. Dinala siya nito sa garden. Wala siyang imik at naglakad siya palapit sa bench. Naupo siya habang natutulala sa kawalan.

"Bakit ka nagpapaapi sa mga 'yon? Dapat nilabanan mo sila. Magaling ka naman sa martial arts." sermon sa kanya nito.

"Alam mo ba kung nasaan si Diesel?" tanong niya habang nakatingin na ngayon sa kamay niya na nasa kandungan niya.

Natahimik si Jack at napahinga ng malalim dahil sa tanong niya.

"Hindi pa siya nagpapakita, kahit sa amin na bangtan. Simula nang mauna siyang umuwi sa atin ay hindi pa siya nagpaparamdam." sabi nito kaya napapikit siya.

Tumayo siya dahil wala naman pala ang taong hinahanap niya.

"Bakit hinahanap mo pa rin siya? Tiyak naman na kasama niya ngayon si Zia. Hindi ka niya mahal dahil kung mahal ka niya edi sana nasa harap mo siya ngayon at pinapakinggan ang sasabihin mo." sabi nito.

"Dahil ayokong mahuli ang lahat. Gusto kong makapagpaliwanag sa kanya para wala akong pagsisihan sa huli." sabi niya. Hindi na ito nakaimik kaya humakbang na siya paalis.

Pumasok siya sa klase ngunit tila wala rin siya sa konsentrasyon. Hindi naman naging ilap sa kanya sila Mina kaya mayroon pa rin siyang nakakasama. Ang ibang bangtan ay ramdam niya na may pagdisgustong pakikitungo sa kanya. Nauunawaan niya 'yon dahil kaibigan nila si Diesel.

"Class dismissed!" anunsyo ng huling Prof nila kaya tumayo na siya at sinukbit ang bag sa balikat niya.

Hindi niya pinansin ang mga pagtitinginan sa kanya ng mga kaklase niya basta dumeretso na siya palabas.

"Jhaycee, wait!" tawag sa kanya nila Mina kaya lumingon siya at huminto sa paglalakad para harapin ang tatlo na si Mina, Briones, at Rex.

"Anong kailangan n'yo?" tanong niya.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon