WAKAS

41.4K 961 90
                                    

WAKAS


"CUM LAUDE, Diesel Aaron Ford."

Nang i-anunsyo 'yon ng isang professor ay isang malakas na palakpakan ang ginawad ng mga taong lubos na humahanga kay Diesel.

Umakyat ng stage si Diesel para suotin ang medalya at kunin ang certificate na katibayan na natanggap niyang karangalan. Tinignan niya ang medalya at certificate. Napangiti siya at tumingin sa lahat ng tao lalo na sa pamilya at barkada niya na nakangiti at pinapalakpakan siya.

Humakbang siya upang magpunta sa mic upang magbigay ng speech.

"Mabuhay! Students, parents, our teachers, board members, and of course to our speaker for today, thank for coming. Thank you for the long four years of experience of being a student of this school. Hindi matatawaran ang saya ko dahil nakatapos ako na may maipagmamalaki sa parents ko at pamilya ko. Sa katunayan, nung una ay parang hindi ko sineseryoso ang lahat. Parang masaya na ako dahil nand'yan ang barkada ko at pumapasok lang ako dahil sa kanila. Pero hindi ko akalain na dahil sa isang tao ay nagbago ang pananaw ko. Nag-focus ako sa pag-aaral dahil 'yon ang gusto niya. At hindi ako nagsisi na sumunod sa kanya, dahil nagbunga ang lahat dahil sa pagtitiis, tyaga, sipag, at focus ko para marating kung nasaan man ako ngayon. Kung sana lang ay narito siya para makita niya ang pinaghirapan ko at gusto ko sana siya ang magsuot, pero alam ko na hindi mangyayari 'yon, dahil hindi sa akin umiikot ang buhay niya." napakurap siya ng mata ng maramdaman ang ambang pagpatak ng luha niya, "Thank you for listening my speech. Mabuhay ang lahat ng nagtapos ngayon taon!" tinapos na niya agad dahil ayaw niya na makita ng iba ang pag-iyak niya.

Umalis na siya sa stage at naglakad palapit sa upuan niya na nasa stage. Nang makaupo siya ay tumingin siya sa pamilya niya na nag-thumbs up sa kanya kaya ngumiti siya. Napahinga siya ng malalim at napatingin siya sa entrance ng auditorium na umaasa na baka biglang sumulpot ito. Pero habang patagal na patagal ang programa ay nawalan na siya ng pag-asa.

"At ngayon, atin namang pakinggan ang mensahe ng ating special na bisita na nais magbigay ng mensahe sa mga mag-aaral na magtatapos ngayon. Siya ay naging dati ring estudyante ng paaralang ito."

Napatingin siya kay Professor Rowen ng magsalita ito at sinabing may special guest daw.

"Our special speaker for today, please welcome, Ms. Akina Kobayashi."

Nang sabihin nito ang pangalan ni Akina ay agad siyang napatayo at hindi makapaniwala. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya na hinanap kung nasaan ito? Napalunok siya ng makita ang pag-akyat nito sa stage. Hindi siya mapakapaniwala na narito ito. Hindi niya alam ang magiging reaksyon ng makita ito sa mismong graduation niya.

Nang tumingin ito sa kanya at ngumiti ay agad na lumawak ang ngiti niya. Nang tumapat na ito sa mic ay naupo siyang muli habang nakatingin rito. Hindi maalis-alis ang ngiti niya dahil ibang saya ang naramdaman niya ng malaman niya na narito ito.

"Hi, Everyone. I'm Akina Kobayashi. Masaya ako at naging parte ako ng journey na ito. Sa katunayan ay wala sa loob ko noon na pumasok sa paaralang ito. Dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral sa japan nang pumasok ako rito. Ang unang pagkakakilala sa akin ng lahat ay ako si Jhaycee Akina Flores, na hindi alam ng iba ay hindi ko tunay na pagkatao 'yon. Pero wala akong magawa dahil kailangan kong gawin 'yon para magtago. At hindi naman ako nagsisisi na ginawa ko 'yon, dahil dito ko nakilala ang mga taong nagpabago sa aking buhay. Hindi ko akalain na magkakaroon pa ako ng tunay na mga kaibigan. Hindi ko rin akalain na dito ay matatagpuan ko ang magpapasaya sa akin. Pero talaga pala na hindi lahat ay maitatago mo, dahil kahit ano pang lihim ay talagang mabubunyag at mabubunyag din. Nalaman ng lahat ang tunay kong pagkatao. Nagalit sa akin ang mga naging kaibigan ko, pati na ang taong malapit sa puso ko. Pero hindi ko sila masisisi dahil ang kilala nila ay hindi pala totoo. Hindi ako sumuko ng panahon na 'yon. Ginawa ko ang lahat para humingi ng sorry at mas ipakilala ko pa ang sarili ko sa kanila. Kalaunan ay napatawad din nila ako. Mas naging malawak pa ang pagsasamahan namin at kahit hindi na ako nag-aaral rito ay masaya ako dahil naranasan ko ang hindi ko naranasan sa dating school na pinagtapusan ko. Ang nais ko lang sabihin sa mga estudyante rito, 'wag kayong mag-alangan na tahakin ang dereksyong nais ng mga paa at isip n'yo. Hanapin n'yo ang daang alam n'yong gusto n'yo at bukal sa loob n'yo. Dahil sa pipiliin n'yong daan ay dapat malakas ang loob n'yo na harapin ang ilang pagsubok na dadaan ng buhay n'yo. At higit sa lahat maging totoo lamang sa sarili at sinisiguro ko sa inyo na makakamit n'yo ang sayang gusto n'yong makamit."

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon