CHAPTER 19 - WHO'S COMING?

19.5K 549 7
                                    

CHAPTER 19
WHO'S COMING? 😱

RAMDAM na ramdam ni Akina ang electricity mula sa dalawang lalakeng mahalaga sa kanya. Nang magkaharap ang mga ito ay tila manunugod na ang itsura ng mga ito.

"May problema ba kayo?" tanong niya habang nilalapag niya ang juice sa harap ng mga ito.

"Wala naman." sabay na sabi ng mga ito kaya napatango siya habang palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.

"Ano ba kasi ang ginagawa ng lalakeng ito dito, baby?" tanong ni Shin na kinausok ng ilong ni Diesel.

"Don't call her 'baby'. And for your information, I'm her boyfriend." pinagdidiinang sabi ni Diesel sa bestfriend ni Akina. Naiinis siya sa pagtawag nitong baby sa nobya niya.

"Bakit kita susundin? Matagal ko na siyang tinatawag na baby mula pa ng bungi palang ang ngipin niya. Saka ikaw? Boyfriend niya? Haha! Patawa ka. Walang binabanggit si Akina na may boyfriend na siya." pang-asar na tugon naman ni Shin.

"Akina ko.." tila nagsusumbong na tawag sa kanya ni Diesel kaya ang nagawa na lang niya ay napahilot ng sentido.

"Enough. Hindi ko kayo pinakilala sa isa't-isa para magbangayan." sabi niya sa mga ito at naupo siya sa isang sofa, "Anyway, Diesel, siya si Shin Rama. My bestfriend since I'm five years old. Pareho kaming laking japan ngunit ang Mom ko ay pure pinoy but my Dad is pure japanese. Sila Shin ay pure pinoy kaya sila ang naituring ng pamilya namin na kaibigan. Nakapagtapos na ako ng course na Business sa japan dahil 'yon ang nais ni Dad." pagsisimula niyang pagsabi ng katotohanan kay Diesel.

"Lahat pala ng pagkakakilala ko sa iyo ay puro gawa-gawa lang." sabi ni Diesel kaya nabahala siya.

"Hindi naman lahat. Lahat ng pinakita ko sa iyo ay ako talaga 'yon. Ang gawa-gawa lang naman ay ang status ko sa buhay at ang pangalan ko." sabi niya.

"Kung hindi ka pala mahirap, anong status mo sa japan?" tanong nito kaya napatingin siya kay Shin na alam niyang nagtatampo sa kanya dahil kay Diesel.

"Isang prinsesa sa japan si Akina. President ng japan ang Dad niya habang ang Mom niya ay may-ari ng shop ng mga bulaklak na pinaka-expensive na bulaklak sa buong japan." sabi ni Shin kaya pinagdilatan niya ito ng mata dahil ayaw niya na ipagsabi pa ang status nila dahil ayaw niyang masabihan na nagyayabang.

"President? You mean, pangulo ng bansa n'yo?" gulat na gulat na sabi ni Diesel kaya napahinga siya ng malalim.

"Oo." sabi niya kaya natawa ito at napailing.

"Wow! Hindi ko akalain na malaking tao pala sa japan ang angkan n'yo." sabi nito kaya namula siya.

"Oo, kinikilala ang angkan ng mga kobayashi dahil sa angking galing ng pamilya nila sa pamamalakad sa bansang japan." sabi ni Shin.

Napatingin siya kay Diesel na tumayo kaya nagtataka siya na napatingin rito.

"Kailangan ko nang umuwi. May sasabihin lamang ako kay Dad." sabi nito kaya tumayo siya.

"Ganoon ba." sabi niya at napabuntong-hininga siya, "Tara, hatid na kita sa labas." sabi niya rito at tumingin siya kay Shin na nakanguso. Kaya napailing siya at humawak siya sa braso ni Diesel para akayin ito palabas.

Nang makalabas sila ay lumapit sila sa kotse nito na hindi nag-iimikan. Pinindot nito ang remote ng kotse para mabuksan ang lock. Huminto sila sa tapat ng driver seat.

"Paano, mauna na ako. 'Wag kang magpapatawag ng baby sa gunggong na 'yon. Naiirita ako kapag naririnig ko." sabi nito.

"Gasolina, kaibigan ko pa rin si Shin. 'Wag mo naman siyang tawaging gunggong. Sasabihan ko na lang siya na tawagin niya ako sa pangalan ko." sabi niya rito.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon