CHAPTER 21 - MEET HER DAD

18.7K 514 6
                                    

CHAPTER 21
MEET HER DAD

"Wow! Dito ba nakatira si Akina?" tanong ni Michael kay Diesel ng makarating sila sa bahay nila Akina sa Japan. Agad silang nagpa-book ng ticket ng sabihin ng Mom niya kung saan ang bahay ni Akina.

"Oo, dito daw sa royal palace." sabi niya habang nakatingin pa rin sa napakalaki at napakagandang mansyon na parang palasyo. Napakalawak ng lupain. At napakalayo ng gate mula sa mansyon.

"Eh, ano pa ang ginagawa natin rito? Tara na, tumawag na tayo ng tao sa bahay na 'yan." sabi ni Jin.

Huminga siya ng malalim at handa na sana siyang mag-doorbell ng may bumusina sa kanila. Agad silang humawi ng kusang bumukas ang gate at umabante ang sasakyan na itim na isang presidential car.

Bumaba doon mula sa front seat ang isang lalakeng na naka-suit at hinarap sila.

"Who are you?" tanong nito sa kanila kaya nagkatinginan pa sila bago siya tumikhim.

"I'm Diesel Aaron Ford. I'm here because I want to see Akina Kobayashi."

"He is Mr. Diesel Aaron Ford, Mr. President. He want to see Princess Akina." sabi nito habang nakatapat ang bibig nito sa isang watch na suot nito.

Tumango ito bago sila tinignan, "Follow me." pagkaraa'y sabi nito at nakita nila na umandar na ang kotse papasok. Naunang maglakad ang lalake kaya nagkatinginan sila bago sumunod. Ang lakas ng tibok ng puso niya dahil mahaharap niya ang ama ng nobya niya.

"Grabe, Sel, kinakabahan ako para sa iyo." sabi ni Benedict.

"Balita ko kapag mga japanese father ay malulupit daw sa manliligaw ng anak nila. Tsk. Tsk. Galingan mong magpa-impress, Ron. Dapat makuha mo ang kiliti ng Dad niya." sabi naman ni Michael na ngumisi at lihim na natawa ang bangtan dahil halatang tinatakot ni Michael si Diesel na totoong kinakabahan at seryoso sa pakikinig sa advice ng kaibigan.

"Tingin n'yo, Bro. Ayos na itong suot ko? Hindi kaya ako mapahiya?" tanong ni Diesel na tensyonado.

"Oo, Ron. Ayos na ayos. Kailangan mong mag-formal attire dahil sa president ka haharap." sabi ni Raphael.

Huminga ng malalim si Diesel at tinatagan ang loob. Para sa kanila ni Akina ay gagawin niya ang lahat mapa-impress lang ang ama ng mahal niya. Nilibot niya ang tingin sa paligid at talagang nakakahanga ang laki ng bahay nila Akina.

Pagpasok nila sa loob ay manghang-mangha lalo sila dahil para silang maliligaw sa dami ng pasikot-sikot na daan. Nadaanan nila ang guest room na kita ang view sa labas na kita ang mga tanim na sakura tree at ibang bulaklak. Napadaan din sila sa isang napakaluwang na billyard room na may limang table at may bar counter pa.

"Wow! Hanep. Parang sarap nang tumira dito, Ron." manghang-manghang sabi ni Michael.

"Tumigil ka nga. Nakakahiya ka." suway niya sa kaibigan at hinila niya ito gamit ang pagkawit ng braso niya sa leeg nito. Nahiya siya dahil napahinto ang lalakeng nagga-guide sa kanila papasok. Baka mamaya ay sabihin nito sa Dad ni Akina na para silang nasa bundok. Baka mamaya ay ma-bad shot pa siya sa Dad ni Akina.

"We're here." anunsyo ng lalakeng nag-guide sa kanila. Napatigil sila sa paghaharutan at napatingin sa pinaghintuan nila. Ang living room na tila isang lobby ng hotel sa laki. Bakas ang pagkamangha sa mukha ng mga kaibigan niya at kung makikita niya rin sa salamin ang mukha niya ay tiyak na ganoon din siya.

Nang umalis ang lalake sa harap nila ay doon lamang nila napansin ang isang lalake na nakatalikod sa kanila habang nakatayo sa malaking bintana na may manipis na kurtina sa magkabilang gilid.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon