JOSH' POV
Finally it's Friday!
Sa buong linggo, ang pinakainaabangan ko lang na araw ay ang araw na 'to, dahil every Friday nare-release ko ang stress ko sa business ko. Ito lang din ang natatanging araw na nagiging masaya ako. Every Friday nakakasama ko ang mga kaibigan ko from Senior High School (my real and true friends) - sa kanila lang ako nagiging at home, sa kanila lang ako nagiging totoong masaya. I also have some other set of friends, pero iba pa rin ang samahan namin, totoo at walang kompetensya.
Supposed to be walo kami sa barkada, kaso 'yung isa nasa America na at doon na nakatira. She's still in touch with some of us though, but I'll be honest, may communication pa siya sa lahat ng kaibigan ko, except for me. It's a long story to tell actually.
Tuwing Friday sa resturant kami ni Carl nagkikita-kita at nagsa-salo-salo. Nagsimula ang tradisyon na 'yun 'nung natapos ang construction ng resturant ni Carl sa Makati. Pero bago nagkaroon ng resturant si Carl, lagi kaming nagkikita-kita sa Bulacan pero hindi ganon kadalas.
Kaya ang puno't dulo ng Friday tradition namin ay si Carl, salamat kay Carl na gumawa ng way para magkeep in touch pa rin kami.
Carl Isaiah Santos is actually gay. Syempre 'nung una hindi naging madali sa pamilya ni Carl ang tanggapin ang kasarian niya, pero unti-unti ay natutunan din siyang tanggapin ng mga ito. Naging successful na entrepreneur si Carl dahil sa resturant niya na 'to. Isa lang ang Makati sa limang lugar na may branch ng resto-bar ni Carl, kaya naman yayamanin na din ang friend namin.
Si James Reyes at si Hannah Garcia ay magboyfriend at girlfriend simula 'nung Grade 11 palang kami, aaminin naming minsan naming pinadudahan ang relasyon nila dahil naging mabilis ang lahat, pero pinatunayan nila sa'min na against all odds sila pa rin talaga. They are currently on their law school, dahil pareho nilang gustong maging abogado. O diba? Relationship goals.
Ito namang si Dennise Cassandra Concepcion, 'yan ang director ng barkada. Film ang kinuha niyang course 'nung college dahil 'yun talaga ang passion niya – ang maging direktor. Siya ang pinakaprangka at taklesa sa barkada, kaya kapag siya na ang nagsalita, wala 'nang kokontra. Wala pa 'tong boyfriend, ewan ko ba. Lahat kasi ng lalaking nanliligaw sa kanya, umaatras dahil nate-threaten sa katapangan niya.
Si Adrian Joshua Cruz, napasama 'yan sa barkada dahil girlfriend niya ang isa sa barkada namin na si Grace. Hindi na rin siya iba sa'min dahil sobrang bait at maasahan niyang kaibigan. Mula umpisa alam na naming siya ang makakatuluyan ni Grace dahil lahat gagawin niya para sa kanya. Isa siyang marine engineer, kaya for the past few years lagi siyang wala sa mga gala dahil nasa barko siya at nagtra-trabaho para sa future nila ni Grace.
At syempre ang promotor ng mga kalokohan, si Almira Grace Domingo. Hindi mahirap maka-close si Grace kaya nga naging kaibigan ko agad 'yan, sila ni Rhianne actually. Kapag sa kanya ka nagkwento daig pa ang nanay kung maka-sermon. Isang social worker si Grace dati, pero dahil sa pag-iipon ay nagkaroon na siya ng sariling business.
And lastly, si Rhianne. Siya ang pinakamakulit sa'min, pero kahit makulit 'yan sobrang fragile niyang tao. Parang vase, maganda, pero kailangang ingatan dahil kapag nabasag, mahirap 'nang mabuo ulit. Aaminin kong ako ang dahilan kung bakit siya nabasag. Isa na siyang ganap na writer at blogger sa America, year 2013 nagmigrate sila ng family nila sa America para sa mas magandang future. After 'nun, wala na. Hindi na kami naging magkaibigan ulit dahil naging g*go ako.
Ikakasal na in two months time si Grace at Adrian, pero walang nakakaalam kung makakauwi ba si Rhianne sa kasal ng best friend niya.
"Josh!"
BINABASA MO ANG
I Fall All Over Again
Любовные романыPagkakaibigan na nasira takot. Dalawang puso na naiwang wasak at sugatan. Mga tanong sa nakaraan na nangangailangan pa rin ng sagot. Paano kung ang dating nagmamahalan ay muling magkrus ang landas? Maging daan kaya ito upang maibalik ang kanilang...
