[14] - Disapprove

185 2 1
                                        

RHIANNE's POV


Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagvibrate ng phone ko habang sumasayaw kami nila Dennise at Grace sa dancefloor kanina. Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna ako sa kwarto para kunin yung charger ko, at 'nang tingnan ko 'yung notification na nagvivibrate sa phone ko..


It was from Ate Nikki.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[ATE NIKKI]

Rhianne, nakita nila Daddy at Mommy yung picture ng reunion niyo sa post ni Grace sa facebook.

Magkatabi kayo ni Josh habang kumakain. May isang picture na kayong dalawa lang ang nasa table at nag-uusap kayo. At nakita rin nila yung picture ng buong section niyo, kayong dalawa din ni Josh ang magkatabi at nakaakbay pa siya sayo.

Tatawagan ka daw ni Daddy kapag available ka. Gusto ka yata makausap tungkol dun.

Mag-ingat ka sa Josh na yan.


Ate Nikki's messages gave me chills. Not because I'm worried for what the conversation I'll have with my Dad, but because of the last message she sent me.


Mag-ingat ka sa Josh na yan.


Because of these messages, it made me realize na hindi magugustuhan nila Daddy at Mommy ang balitang okay na kaming dalawa ni Josh, na magkaibigan na ulit kaming dalawa. Somehow, I understand where they are coming from. Sinong magulang ba naman kasi ang matutuwa kung ang lalaking minsan 'nang sumira sa puso ng anak nila ay muli na naman pumasok sa buhay nito?


Wala naman talaga akong balak na makipagkaibigan pa ulit kay Josh, pero iba ang pinlano ng Diyos sa'kin sa pag-uwi ko dito.


Binigyan ako ng Diyos ng kakayahan magpatawad at umunawa. Sila Grace ang naging daan para magawa ko nang kalimutan ang nangyari sa nakaraan.


Umupo ako sa maliit na sofa na naka-display sa kwarto namin nila Grace at sinimulan ko 'nang magcompose ng message na isasagot sa messages sa'kin ni Ate Nikki.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon