[24] - Albay / Early Halloween Special

147 3 0
                                        

RHIANNE's POV


Ever since that night, wala na ako'ng narinig na balita mula sa kanya. I thought of it as the best way to move forward and never look back. Napagkasunduan na rin namin nila Dennise na sabihin na lang kay Adrian at Grace ang nangyari sa parking lot after their honeymoon in Japan, since ayaw na rin namin sila'ng bigyan ng dahilan para hindi mag-enjoy sa Japan. 


Last night was Adrian and Grace's flight to Japan, and tomorrow will be the set day for our trip to Albay. Everyone's excited but at the same time, I could still feel the tension between all of us. First time namin nakita'ng galit na galit si James that night, aside from Grace, James is the one closest to Josh, kaya nagulat kami'ng lahat na naging gano'n ang rekasyon niya when he saw Josh. Kahit ilang beses namin sabihin na tapos na ang nangyari, para ba'ng kailangan pa rin pag-usapan ang nangyari. 


"Iniisip mo na naman 'yung nangyari 'no?" tanong sa'kin ni Dennise habang nakatambay kami sa sala at nanunuod ng TV. "Alam mo Rhianne, I'm not gonna deny it either. Pati ako hindi mawala sa isip ko ang nangyari, but I think it would be best if we'll just ignore that thought. Makakatulong sa bakasyon nating lahat 'yun." 


Binabago na nga talaga ng panahon ang isa'ng tao. 


Dennise wasn't like this five years ago. She's not this calm and positive thinker, she was very aggressive and pessimist. But I guess time changed her a lot. Gano'n din ang iba, binago ng panahon ang mga tao'ng nasa paligid ko, pero bakit parang napag-iwanan ako? 


"If you want to talk to him, you know where to find him." Dennise said. 


I immediately shook my head, "You know that I'm not gonna do that." I replied. 


"Rhianne.." umusad palapit sa'kin si Dennise at hinawakan ako sa tuhod ko, "Nagdesisyon si Josh na 'wag ka'ng siputin dahil hindi siya handa na maging parte ng buhay mo. He decided to ditched all of us 'nung kasal 'nung dalawa dahil siguro nga hindi tayo gano'n kahalaga sa kanya. Kaya kailangan na natin tanggapin 'yun at magmove-on. For sure 'yun din ang ginagawa ni Josh ngayon." 


I should listen to Dennise because I always trust her instinct. Never pa yata'ng pumalya ang instinct nito e, pero there's a part of me na ayaw maniwala na tuluyan na nga'ng inabandona ni Josh ang barkada. 


Knowing Josh before, mahalaga sa kanya ang barkada. He was the one who always say na ang barkada namin ay kasi'ng tatag ng mundo, kahit ilang bagyo ang dumating, wala'ng makakatibag at makakasira. He made us all believed in that metaphor, that's why it's hard to believe that he just left us like that. 


"Look, alam ko'ng mahirap para sa'yo na makita ang nangyari pero wala na, eto na 'yung totoo. Josh left our barkada and we have to accept that and move on." Dennise said. 


Gano'n lang pala kadali kay Josh na itapon ang maganda'ng samahan ng barkada, hindi sa panunumbat pero barkada ang tanging dumamay sa kanya 'nung mga panahong latak ang buhay niya. Kung nagiging latak man ulit ang buhay niya, hindi ba niya naisip na handa pa rin siya'ng tulungan ng barkada, hindi ba sumagi sa isip niya na para na kami'ng isa'ng pamilya. O baka naman talaga'ng hindi niya maiisip ang mga bagay na 'yun dahil wala naman talaga'ng halaga sa kanya ang barkada.

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon