JOSH' POV
"E si Josh?" napatingin ako kay Carl na seryosong nakatingin kay Rhianne, "Welcome pa ba siya sa buhay mo?"
After Carl asked that question to Rhianne, everyone's eyes are on me and Rhianne.
Seriously Carl? Why do you have to ask that question? It's pretty obvious that Rhianne doesn't want me back to her life. We all know that, alam ko 'yun kaya alam ko naman kung saan ako lulugar.
I waited for Rhianne's eyes to met mine, but it didn't
Binalik ko na 'yung tingin ko sa pagkain pero agad din bumalik ang tingin ko kay Rhianne 'nang sgautin na niya ang deadly question ni Carl.
"Of course he is." she said without looking at me. Her gaze remained with Carl, "Alam ko naman na itatanong niyo sa'kin 'yan pag-uwi ko." huminga siya ng malalim at binaba 'yung kubyertos na hawak niya, "Hindi naging maganda 'yung ending naming dalawa five years ago, pero nangyari na 'yun at parte na lang 'yun ng nakaraan."
There was silence.
Ni-isa sa'min walang gustong magsalita.
Aaminin kong nagulat ako na sinagot ni Rhianne ang tanong ni Carl. Kilala kasi namin si Rhianne na mahilig umiwas sa mga tanong na ayaw niyang sagutin, mga tanong na ayaw niyang pansinin, but this time it's different. Sinagot niya 'yung tanong kahit na alam niyang sobrang awkward ng tanong na 'yun.
Then suddenly Adrian cleared his throat and raised his wine glass, "Everyone, let's make a toast?" tanong niya sa'min.
Lahat naman kami kinuha 'yung mga wine glasses namin at tinaas 'yun.
"For Rhianne's home coming and for my and Grace' upcoming wedding." he said.
Lahat naman kami nagtoast, pero ni-hindi man lang nagtama ni-katiting 'yung baso naming dalawa ni Rhianne.
This is so awkward.
🌻🌻🌻
Pagkatapos naming kumain ng dinner, hindi mawawala ang kwentuhan. Hanggang sa mapunta ang usapan sa isang biglaang roadtrip ngayong gabi mismo.
"Ito talagang si Dennise basta sa galaan mas mabilis pa sa alas-dose." komento agad ni Adrian 'nang ayain kami ni Dennise na magTagaytay ngayong gabi, "Syempre pagod sa byahe 'tong si Rhianne pati na rin si Catherine, baka mas gusto na lang nila umuwi at magpahinga."
Agad namang sumagot si Catherine na mukhang gusto rin ang idea ni Dennise, "I'm not tired at all! I mean I like the idea of Denshi! Matagal-tagal ko na rin naman kayong hindi nakasama sa galaan at roadtrip kaya game ako." masayang sabi ni Catherine.
"Same here." sagot naman ni Rhianne.
"Then let's ask the drivers first." sabi ni Carl at tiningnan kaming dalawa ni James, "Game ba kayong dalawa?"
BINABASA MO ANG
I Fall All Over Again
عاطفيةPagkakaibigan na nasira takot. Dalawang puso na naiwang wasak at sugatan. Mga tanong sa nakaraan na nangangailangan pa rin ng sagot. Paano kung ang dating nagmamahalan ay muling magkrus ang landas? Maging daan kaya ito upang maibalik ang kanilang...
