[7] - For Old Time Sake

161 6 2
                                    

RHIANNE's POV


"Finally!!" halos mabingi kaming lahat sa pagsigaw nitong si James 'nang maakyat na namin ang Palace in the Sky. "Akala ko wala na tayong maabutan na dilim e. E di wala na tayong makikitang city lights."


"Oo nga e!" sabi agad ni Grace at lahat kami napadungaw sa railings ng Palace in the Sky, nakikita namin mula sa kinatatayuan namin ang pinakamagandang Tagaytay Highlands. "Akalain niyo 'yun, halos inumaga na tayo sa pagbyahe pero traffic pa din. Iba na talaga dito sa Tagaytay."


It feels good to be back in this place.


Ni-hindi ko na nga matandaan 'yung huling beses nakapunta ako sa Palace in the Sky o kahit dito sa Tagaytay. This place used to be our family' favorite place to be. Bukod sa malamig na klima, sobrang ganda pa ng tanawin. This is the very first time na nakapunta ako sa Tagaytay na hindi sila Daddy ang kasama ko.


Well, pamilya ko na rin naman 'tong mga 'to kaya kahit papaano wala na rin pinagkaiba.


"Taray ni Rhianne, kahit anong oras pwedeng umuwi." tukso sa'kin ni Carl.


Natawa naman silang lahat.


My parents are strict, kaya nga sa tuwing may gala ang barkada 'nung Senior High days, laging si Grace ang nagpapaalam para sa'kin para payagan lang ako. At kung papayagan man ako, dapat bago magdilim e nasa bahay na ko at kailangan may maghahatid sa'kin.


"E naalala ko, kailangan before 6pm nasa bahay ka na at kailangan may maghahatid pa sa'yo." paalala ni James, "It's either me or si Josh ang maghahatid sa'yo."


Agad naman gumatong sa panunukso si Dennise, "Hoy FYI! Si Josh ang mas madalas maghatid dahil laging si Hannah lang ang hinahatid mo 'no." Dennise is actually right. Since si Josh lang at James ang may sasakyan 'nung mga panahong 'yun, siya ang laging naghahatid sa'kin, sa'min. "Kaya nga na-issue silang dalawa noon sa pamilya ni Rhianne dahil nasaktong si Josh ang naghatid sa kanya 'nung may family gathering sa kanila."


Shoot! Ang tagal na 'nun pero naalala pa ni Dennise.


One time kasi nagkaroon ng surprise family gathering sa bahay namin, sa sobrang surprise nagulat na lang ako 'nung umuwi ako galing sa shooting ng short film namin ay may tent at catering service na sa bahay namin. Si Josh ang nasaktong naghatid sa'kin 'nun, sa'kin lang siya lagi pumapayag na maghatid dahil magkalapit lang kami ng bahay, kaya nga na-interrogate ng wala sa oras 'tong si Josh.


Okay enough of the past.


Buti na lang agad iniba ni Catherine ang usapan, "Ang tagal na pala nating graduate ng Senior High. Ang tagal na rin pala mula 'nung nagkaiyakan tayong lahat sa stage habang kinakanta ang graduation song." Iniba nga ang usapan, nagpapaiyak naman. 'Yung totoo? Ba't kailangan maging emotional?


"Sobrang naalala ko pa 'yung gabi ng graduation natin." sabi ni Josh at sumandal siya sa railing ng view deck, "Nakakamiss din pala mag-aral 'no? Kahit na puro sakit sa ulo ang binigay sa'tin 'nung Senior High days natin, marami naman tayong natutunan."

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon