[10] - Alcohols and Hugs

172 5 1
                                        

RHIANNE's POV


Pagpasok namin sa loob ng resturant na binigay ni Cheska kay Josh, kaagad naming nakita ang dalawa sa may gilid at hinihintay na kami.


Paglapit namin sa kanila, si Cheska lang ang tumayo para batiin at salubungin kami ni Josh.


"Namiss kita!" sabi sakin ni Cheska habang nakayakap sakin.


Isang mahigpit na yakap naman ang sinukli ko kay Cheska. Despite what happened between me and Gian, she remained fair and square. Wala siyang kinampihan and that's a good thing.


Pinaupo na kami ni Cheska sa tapat nila ni Gian, si Josh ang literal na nasa tapat ni Gian at ako naman ay kay Cheska nakatapat.


"Nag-order na kami ni Gian since treat ko naman 'to dahil malapit na ko magbirthday." sabi ni Cheska 'nang makaupo na kaming lahat.


"We should go straight to the point now. Or baka naman kailangan pa nating hintayin ang pagkain bago magsimula sa pag-uusap?" mataray na sabi ni Gian.


What the hell happened to her? Hindi siya ang Gian na naging kaibigan ko a few years back. To make it simple, ang laki ng pinagbago niya. Ganon na ba talaga ang epekto ng panahon?


Nagkatinginan kaming tatlo nila Josh at Cheska dahil pare-pareho kaming nagulat sa kanya.


Josh was about to say something when I stopped her by stepping on his left foot lightly, "Gian." tawag ko sa kanya. Her attention and her eyes are on me immediately, "Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan dahil wala naman akong idea kung bakit ka nagalit sakin at kung bakit mo nasabi 'yung mga nasabi mo kela Dennise last week."


"Talaga?" halata sa boses niya ang sarkastiko, "Hindi mo alam? O gusto mong ipaalala ko sa'yo?"


Hindi naman ako nakasagot agad, kaya tuloy-tuloy na siyang nagsalita.


"Okay." umayos siya ng upo at humarap sa'kin, "Remember when I told you that I still love Josh? That was before you left for the States. And if I'm not mistaken, sinabi mo sakin na wala ka 'nang magagawa para tulungan ako. 'Yun pala, may nagaganap na sa inyong dalawa." nilipat ni Gian ang tingin niya kay Josh pero mabilis niyang binalik sakin ang tingin niya, "Rhianne I trusted you. Of all people, you knew how much I love Josh. Hindi ko in-expect na ikaw pa mismo ang tatraydor sakin."


"Let me stop you right there Gian." this time hindi na nagpapigil sakin si Josh. Kahit na ilang ulit kong sinagi yung paa niya hindi na siya nagpatinag sakin, "I don't think tinraydor ka ni Rhianne. Sinabi niyang hindi ka na niya matutulungan dahil paalis na siya at higit sa lahat, alam niyang wala na akong nararamdaman para sa'yo ng time na 'yun. She was just protecting you from getting hurt." matapang na sabi ni Josh.


Gian laughed sarcastically, "Wala ka nang nararamdaman sakin 'nun dahil naahas ka na niya."


"Look Gian." napataas na ang boses ko dahil sa sinabi niyang huli, "We were friends, nakakagulat lang na sayo pa nanggagaling yung mga ganyang klaseng salita." naramdaman ko ang paghawak ni Josh sa braso ko pero hindi ko pinansin 'yun, "Para sa kaalaman mo, grade 11 palang tayo matagal na akong may nararamdaman para kay Josh noon, pero dahil mataas ang respeto ko sayo, sa kanya at sa sarili ko,  ni-minsan hindi ako pumagitna sa inyo. Kung tutuusin, may choice akong sirain kayo noon, may magagawa ako para kumbinsihin si Josh na tigilan ka na, pero dahil alam kong mahal niya at mahal mo siya, sinuportahan ko kayo. Kahit na sa tuwing makikita ko kayo, nadudurog ako, kahit sa tuwing nakikita ko kayong nakakapag-usap at nagkakasama, unti-unti akong nasasaktan. Binalewala ko 'yung nararamdaman ko dahil mga kaibigan ko kayo, lalo ka na Gian." 

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon