[55] - Understanding & Forgiveness

101 3 0
                                        

RHIANNE's POV


"Sigurado ka ba dito sa gagawin mo?" 


It was the third time that Grace asked me about this thing. 


I looked at her and tapped her arms. 


"Grace, ilang beses ko 'nang pinag-isipan ang tungkol sa bagay na 'to." sambit ko sa kanya habang nakaupo kami sa loob ng sasakyan, "Gusto ko'ng harapin si Tish dahil gusto ko'ng maintindihan namin ang isa't isa. Hindi naman namin kailangan daanin sa dahas ang lahat ng bagay e." 


Alam ko'ng nagkapisikilan kami five days ago 'nung nahuli na ng mga pulis si Tish. It actually made me feel right but I know what I did was wrong. 


Hindi tama na pinatulan ko si Tish sa ganong paraan pero hindi ko napigilan ang sarili ko at ang galit na nararamdaman ko sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko lahat ng ginawa niya sa'min. 


"Pa'no kung saktan ka niya?" nag-aalala'ng tanong sa'kin ni Grace.


"Pa'no naman niya ako sasaktan e ang dami'ng pulis na nakabantay sa kanya?" 


"Rhianne, kilala natin 'yang si Tish." napatingin naman kami ni Grace kay Adrian na nakaupo sa harap dahil sila ni Josh ang kasama namin, "Tuso 'yan e. Hangga't nakakakuha ng pagkakataon manakit, gagawin niya. Buti nga pumayag 'yang si Josh na hayaan ka e." 


"Kundangan naman kasi pumayag yang si Josh." irita'ng sabi ni Grace.


Si Josh ang una'ng pumasok sa loob ng presinto para kausapin si Chief Dela Questa para sa request na kausapin namin si Tish. Sa dami ng kaso'ng nakasampa kay Tish at sa dami ng krimen na nagawa niya, kailangan naming dumaan kay Chief Dela Questa para lang mapayagan kami'ng makausap siya. 


"Pumayag si Josh dahil nakiusap sa kanya 'yang si Rhianne." sagot naman ni Adrian, "Rhianne, sigurado ka ba dito?" 


I sighed, "Alam ko namang nag-aalala kayo sa'kin, okay? Pero nakita niyo naman kung paano ko siya sinampal at nilabanan 'nung huli'ng beses kami'ng nagkita, subukan lang niya ako'ng saktan mangheheram na siya ng mukha sa aso." sabi ko. 


Pabiro ko na lang 'yun sinabi dahil alam ko'ng nag-aalala sila sa'kin pero kung hindi ko pa 'to gagawin, hindi pa 'to matatapos. 


I'm hoping that after my conversation with Tish, matatapos na rin ang lahat. 


Wala naman kami sa teleserye para maggantihan 'nang maggantihan. Hindi naman 'to pelikula na gaganti pa siya sa'min dahil napakulong na namin siya. Ang mga ganong klase'ng bagay nangyayari lang sa pelikula o hindi kaya sa teleserye. Kinausap din ako ni Daddy kagabi, sinabi niya na hindi solusyon ang pagsasakitan. Ang tanging paraan para matapos na 'to ay ang pagpapatawad at ang pag-uunawaan. Baka sakali'ng maunawaan pa raw ako ni Tish at magawa namin 'to'ng matapos sa maayos na paraan. 


Honestly, hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap namin ni Tish pero hinihiling ko na sana dito na matapos 'to. 

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon