[5] - Look Who's Back

187 9 2
                                        

JOSH' POV


I've been staring at my messenger for hours already. If you're gonna ask me why, nagmessage lang naman ako kay Rhianne.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sineen niya lang ang message ko sa kanya. Ganito siya ka-galit sa'kin. Active thirteen hours ago at ni-isang segundo hindi man lang niya ako nagawang sendan ng okay sign.


"Iho ito na 'yung sunflower bouquet na pinagawa mo." tinago ko na 'yung phone ko dahil dumating na si Manang Teresing, siya 'yung suki namin dito sa Dangwa. "Aba'y para kanino ba iyang mga bulaklak na 'yan. Isang tulips at isang bouquet ng sunflower. Iho isa-isa lang ang panliligaw."


Natawa naman ako kay Manang Teresing, "Manang Teresing, para ho ito sa mga kaibigan ko." sabi ko naman at inabot ko na sa kanya 'yung bayad ko dun sa dalawang bulaklak na binili ko dito sa Dangwa, "Salamat po ulit sa discount ninyo."


"Wala 'yon!" sabi ni Manang Teresing sa'kin. Nagulat naman ako 'nang hinawakan niya ako sa balikat ko, "Nawa'y isa sa mga babaeng pagbibigyan mo niyan ang makatuluyan mo."


Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Manang Teresing, "Bakit naman ho?"


"Sa palagay ko e espesyal sa'yo ang pagbibigyan mo nitong bouquet ng sunflower." Manang Teresing talaga, kung ano-ano sinasabi. Espesyal? Ni-hindi nga ho ako nire-replyan e, "Pinadamihan mo pa ng sunflower, samantalang itong sa Tulips li-limang piraso lamang."


Hindi naman kasi ganon kahilig sa bulaklak si Catherine kaya pinakontian ko na lang, sayang naman kung dadamihan e itatapon lang din naman 'to eventually. Si Rhianne kasi tinatabi niya 'yung mga bulaklak at nilalagay pa sa vase.


"Manang Teresing, mga kaibigan ko lang ho ang pagbibigyan ko nito." sabi ko sa kanya at inakbayan siya habang hinahatid niya ako sa sasakyan ko, "Pero tama ho kayo, espesyal ho ang pagbibigyan ko nitong sunflower dahil matagal na ho namin siyang hindi nakasama. Napakabuting kaibigan po niya."


Binatukan naman ako ni Manang Teresing, "Hindi bagay sa'yo ang ganyan. Ligawan mo na kasi." panunukso niya sa'kin, "Siya ba ang binigyan mo ng sunflower noong Valentine's Day 2013?" tanong sa'kn ni Manang.


Hanep din 'tong si Manang 'no? Ang tagal-tagal na 'nun, halos mag-aanim na taon na pero naalala niya pa rin 'yung sunflower na binili ko 'nung 2013.


"Ba't naman ho natatandaan niyo pa 'yun? Ang tagal na ho 'nun ah." tanong ko kay Manang.


I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon