[50] - A Very Painful Farewell

117 1 0
                                        

RHIANNE's POV


Ngayon naiintindihan ko na ang nararamdaman nila Josh at Zia 'nung araw na namatay ang Daddy nila. Ang tangi'ng pinagkaiba lang siguro namin, sila magulang ang nawala, ako kasintahan. Alam ko'ng wala 'nang mas sasakit pa sa mamatayan ng magulang, pero masakit pa rin ang mawalan ng minamahal, lalo na kung ang tao'ng 'yun ang nagbigay 'nang labis na kasiyahan sa'yo.


I never thought that this could possibly happen. That I can lose him.


I thought I have the time in the world to spend with him. Akala ko buo'ng buhay ko siya ang makakasama ko, akala ko magkasama naming tutuparin ang lahat ng pangarap naming dalawa, akala ko siya na ang lalaki'ng makakasama ko hanggang sa pagtanda, pero lahat 'nang 'yun nagbago sa isa'ng iglap lang.


Pinaramdam sa'kin ni Angelo ang pagmamahal na kahit kailan hindi ko inakala'ng mararamdaman ko'ng muli. Pinaramdam din niya sa'kinang kakaiba'ng saya na kailanman ay hindi naibigay ng kahit na sino sa'kin, maliban sa pamilya ko.


Sana isa'ng masama'ng panaginip na lang ang lahat ng nangyari kahapon.


Sana hindi totoo'ng patay na si Angelo.


Sana hindi totoo'ng wala na siya.


Sana hangga'ng ngayon buhay pa rin siya at nandito siya sa tabi ko.


Minsan ako'ng naniwala na habang buhay ko 'nang makakasama si Angelo. Sa pagkakaalam ko, nakaplano na ang lahat para sa'ming dalawa pero dahil sa nangyari lahat 'nang 'yun ay naglaho na parang bula.


"Beks."


Naramdaman ko ang paghawak ni Grace sa magkabila'ng balikat ko habang nakaupo ako sa may garden namin dito sa bahay.


"Beks, nakausap ko na si Tito tsaka si Tita. Nasabi ko na sa kanila na hindi na nila kailangan umuwi dito kasi delikado." naramdaman ko na mas humigpit ang hawak ni Grace sa balikat ko, "Alam mo nag-aalala na sila sa'yo. Hindi ka pa rin nila nakakausap mula 'nung nangyari 'yung--"


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sinubukan pa rin naming isugod sa ospital si Angelo pero dineclare lang siya'ng dead on arrival.


Mula doon, hindi ko na alam o matandaan man lang 'yung mga sumunod na nangyari. The next thing I knew kasama ko na sila Grace, Adrian at Dennise sa ospital. Sila na rin ang tumawag sa magulang ni Angelo at nagbigay ng masama'ng balita.

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon