[2] - The Story Behind It

345 7 1
                                        

RHIANNE's POV


Today's my last week here in California, I'm not gonna deny it, I'll miss living here and I'll miss this place so much. Actually balak na talagang umuwi ng family ko this year sa Pilipinas, nagpauna lang ako dahil sa kasal ng best friend kong si Grace. Kaya nagmagandang loob na rin ako para ayusin at asikasuhin ang bagong bahay namin sa Pilipinas.


"Good morning daddy!" bungad ko kay daddy na busy sa pagbabasa ng diyaryo sa kusina namin. Lumapit ako sa kanya at bumeso.


"Good morning!" bati naman niya sa'kin at naupo ako para sabayan siyang magbreakfast, "Sila mommy?" tanong ko kay daddy.


"Maagang sinundo ng tita Jackie at tita Juvy mo." sagot agad sa'kin ni Daddy at binaba niya 'yung dyaryo na binabasa niya, "Nagpaiwan ka raw dahil pupunta ka ngayon ng Seafood city?"


Tumango naman ako, "I'm gonna buh two balikbayan boxes para sa flight ko next week." sagot ko kay daddy, "Ikaw dad? Wala kang lakad?"


"Mamaya pupunta ako sa bahay ng tita Ovette mo at tutulong ako para sa dinner ng pamilya mamayang gabi." oo nga pala may family gathering pala kami mamaya, actually pa-despedida daw sa'kin dahil mauuna akong umuwi, "Dun ka na dumeretso pagkagaling mo ng Seafood city. Ganon din ang mommy mo, ang ate ang kapatid mo."


Tulad ng pamilya namin, uuwi na rin for good ang tita Ovette ko at ang asawa niyang kano. Nakabili sila ng bahay malapit sa'min kaya naghahanda-handa na rin sila sa pag-uwi nila this year.


"Desidido ka na ba talagang umwi ng maaga sa Pilipinas?" tanong sa'kin ni daddy. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala at mukhang may gusto siyang iparating.


"Dad, kasal ni Grace tsaka ni Adrian diba? Ayoko naman mamiss 'yun dahil 'yun ang pinakamahalagang araw sa buhay ng best friend ko." sagot ko kay daddy. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran niya, "Dad are you worried?"


He nodded and he faced me, "Worried ako na makikita at makakasama mo na naman 'yung tarantadong nanakit sa'yo."


My dad is really protective sa'ming magkakapatid. 'Nung nalaman niya 'yung tungkol sa nangyari sa'kin noon, halos gusto nang umuwi ni daddy ng Pilipinas ulit pra suntukin lang 'yung lalaking nanakit sa'kin.


"Dad, I can handle it. Okay?" I raised my right hand, "Promise dad! Okay na okay na okay na okay na ko."


He grabbed my hand and smiled at me, "In a few months, magkakasama din naman tayo ulit nila mommy mo dun. Kung hindi nga lang kasal ni Grace, hindi kita papayagang umuwi mag-isa."


"Dad okay na 'yun." sagot ko naman sa kanya agad at huminga ng malalim, "At least habang nandito pa kayo sa America, may nag-aasikaso na ng bahay natin dun. Diba? Tsaka ayaw mo ba 'nun, makakapagtrabaho na ako sa dream job ko. Thanks to my friend, Dennise."


He nodded and gave me a smile again, "Thankful ako kay Dennise dahil binigyan ka niya ng trabaho dun sa pinagta-trabahuhan niyang network. Worried lang ako na baka mamaya saktan ka na naman ng Josh Samaniego na 'yan." bakas na boses ng daddy ko ang inis at pagkagalit pa rin sa pangalan ng lalaking binanggit niya, "Sinasabi ko sa'yo, 'pag nakita ko 'yang lalaking 'yan 'wag siyang makalapit-lapit sa'kin."


Tinawanan ko naman ang reaksyon ni daddy dahil sobrang asar talaga ang itsura niya, "Dad relax." sabi ko sa kanya at inakbayan siya, "In a few months, magkakasama na ulit tayo sa Pilipinas. O diba? Pati sila tita Ovette makakasama natin dun."


After kong ma-pacify si Daddy na okay lang ako at hindi na siya dapat mag-alala sa pag-uwi ko, nagpaalam na akong aalis na ako dahil mahirap 'nang tanghaliin sa freeway.


I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon