Chapter One

3.4K 50 0
                                    

Miss Pervert Desires

NAKAILANG lunok si Hailey habang tinitignan ang larawan ng kanyang pinagpapantasyahang si Xander. Nakahubad kasi ito sa magazine. Featured ang binata bilang isa sa hot billionaire bachelor sa buong mundo. Kitang kita ang eight pack abs at matipuno nitong pangangatawan. Nagtitili siya at niyakap yakap ang magazine.

"Napakapogi mo talaga mahal." natatawa niyang sabi.

"Nababaliw ka na naman diyan sa lalaking yan." sabi ng kapatid niyang si Harry.

"Ano naman ngayon kuya?" tanong nito sa kanya.

"Hay nako. Hanggang ngayon hindi mo pa ba nalilimutan yan? Bata pa kyo nong nakilala mo yan ha? Hailey lil sis talaga bang aasa ka sa lalaking yan? Baka may girlfriend na yan?" tanong ng nakakatanda niyang kapatid.

"Ahm. E kung may kasintahan man siya handa akong agawin siya kuya. Alam mo naman siya lang ang minahal kong lalaki." sambit niya na may pagmamalaki pa.

"Hay baliw. Dalian mo diyan. May family dinner tayo nila papa. Yari ka na naman. Ayaw mo na namang umuwi sa mansyon." sambit nito na natatawa.

Kinabahan siyang bigla sa sinabi ni Kuya niya. Last week pa kasi noong umuwi siya sa mansiyon. Pinipilit kasi nila siya na magtrabaho sa kompanya pero ayaw niya kaya naman pumunta muna siya sa condo ng kuya Harry niya.

"Hmm. Pipilitin na naman nila akong pumasok sa kompanya. E boring doon. Masaya ako sa negosyo ko kuya. Ang Hailey's Cafe at ang Hailey's Event organizining team." banggit niya sa mga negosyo niya na sarili niyang pawis na napaunlad.

"I know sis. Pero alam mo naman si Papa. Kausapin mo na lang siya. Sigurado namang maiintindihan ka nun. Spoiled ka doon e." sabi nito.

Natawa ako. Oo nga spoiled siya sa ama kaya naman lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.

"Okay . I will talk to him." sabi niya na nakangiti.

"Okay. . Magbihis ka na ah." sabi ng kuya niya.

Umalis na ito sa harap niya. Siya naman ay tinignan ang larawan ng pinakamamahal niya at tumayo para mag ayos sa pupuntahan nila.

"Goodbye honey." sabi niya sabay ayos ng magazine sa rack ni Kuya niya at pasok sa kwarto niya para sa family dinner nila.

GALIT na ibinato ng ni Xander ang mga papeles sa harap ng bago niyang sekretarya. Napakatanga kasi nito. Simpleng pag aayos lang ng meeting between investors ay hindi nito magawa.

"You're FIRED!" galit niyang sambit sa babae na agad namang umalis sa harap niya.

Matapos umalis noon ay agad niyang tinawagan ang agency kung san niya nakuha ang babae.

"Hanapan niyo naman ako ng matinong sekretarya. Damn!" sigaw niya sa telepono.

"Yes.. Sir." sabi ng kabilang linya at pinatay niya na.

Naiinis na inayos niya ang mga papeles na nagkalat sa kanyang harapan. Matapos nun ay tinapos niya na ang pagipirma ng mga dokumentong kailangan bukas. He owns a big company. A company of Liqouir and wine. He handles it when his dad give him the position of CEO. And now he's currently handle it almost a year.

He was busy on signing the contrant when his phone rang. It's from his Mom.

"Hey mom." he says answering the call.

"Anak iho. Kamusta ang kompanya?" tanong ng kanyang ina. Marahan siyang sumandal sa upuan at hinilot ang sentido niya. Masyado siyang stress sa nakalipas na araw.

"Okay lang mom. Maayos naman ang kompanya. Bakit po kayo napatawag?" tanong niya sa ina.

"Wala lang anak. Kinakamusta lang kita at saka namimiss na kita. Kailan ka ba uuwi ng Tagaytay?" tanong nito.

His parents were settled on there province of Tagaytay. They owns a ranch and a farm there. Doon siya lumaki pero umalis din sila doon noong nag aral siya ng elementarya at lumipat ng manila. Tapos noong nag highschool na siya ay pumunta siya sa Amerika para mag aral sa Harvard University. Pagkatapos niyang mag aral doon ay umuwi na siya para pamahalaan ang kompanyang pag mamay ari ng pamilya nila. May kambal siyang kapatid na babae na sina Xandy at Xianlie. Abala ang dalawa sa pag aaral sa ibang bansa.

"I don't know mom. Marami akong inaasikaso. I'm sorry." sambit niya.

"Okay lang anak. Basta if you have time let us see here in Tagaytay."

"Okay mom."

"Sige anak. Ingat ka palagi diyan. We love you." paalam ng kanyang ina.

"Love you mom. Tell dad i miss him." sabi ko at pinatay ang tawag. Agad kong binalikan ang mga papeles na hawak ko at pinirmahan ang mga ito. Malapit na siyang matapos sa pagpirma ng makatanggap siya ng text mula kay Lucas. Matalik niyang kaibigan na gaya niya ay may business din na hinahawakan. May investment din siya sa kompanya nito.

Bro lets hang on tonight at my bar.

Agad siyang nagreply sa kaibigan na pupunta siya.

Matapos ayusin ang mga papeles ay umalis na siya para pumunta sa kaibigan.

"DAD. I know but i love my business. Hindi naman sa ayaw ko sa kompanya mo. Hindi naman ako mahilig sa mga kotse. Anong gagawin ko sa company car niyo?" tanong niya sa ama.

"Pero iha. Alam mo naman na i want you to be part of my company. Our company." sambit ng ama niya. Oo nga mahal niya ang ama niya pero hindi niya gustong magtrabaho sa kompanya nito sapagkat wala naman siyang hilig sa sasakyan.

"Dad you know me. Pag ayaw ko, ayaw ko. Nandyan naman si kuya Harry at kuya Hans. They can handle it. Please dad. Humiling ka na lang ng iba. Huwag lang iyon. Please." sabi niya at tumingin sa ama na nagmamakaawa. Iyon ang palagi niyang ginagawa para masunod ang gusto niya. Agad na lumambot ang mukha ng kanyang ama at tumango na lang. Masyado siyang mahal para hindi siya pag bigyan.

"Okay. Hindi na kita pipilitin pero please, umuwi ka na sa bahay natin. Your mom missed you so much." pagmamakaawa ng kanyang ama. Agad siyang ngumiti at hinlikan ang ama sa pisngi at niyakap.

"Opo dad. Ngayon na ngayon din uuwi ako doon." sabi niya na nakangiti.

Niyakap siya ng ina niya na nasa tabi ng ama niya.

"I miss you baby." sambit ng ina niya.

"I miss you too mom." sabi niya. She was loved by her parents. She always have what she wants. She is a certified spoiled brat daughter of tge family.

Sa apat na magkakapatid masasabi niya na siya ang pinakapaborito ng ina niya. Mrs. Hillary Dela Vedra loves her so much kaya naman kahat ng gusto niya at hilingin ay binibigay ng knayang mommy. Pero hindi naman siya masamang anak. She is responsible and kind. Masunurin siyang anak ngunit pag ayaw niya ayaw niya. Hindi tulad ng tatlong kuya niya na lahat ay sinusunod. Si kuya Harry ang pinakamantanda sa kanila. 33 na ito at ito ang nagmamanage ng kompanya nila.. Sumunod naman ang kuya Hans na 31 na. May business itong Resort at tindahan ng mga car parts. At ang huli naman ay si Kuya Healton niya. 30, licensed Doctor ito at may sariling pagamutan. Lahat ng kuya niya ay single lahat. Puro flirt at sex lang ang gusto ng mga ito.

At sa kanilang apat siya ang medyo pasaway. She is Hailey Mae Dela Vega. 24 and a bussiness management graduate. May sariling cafe at isang event organizer. Hobby niya lang ang pag oorganize pero kalaunan naging business na din niya.

Masaya siya sa pamilya at wala pang mahihiling pa. Maliban na lang pala sa isa. Ang maging kanya si Xander Zeyn. Ang tinitibok ng puso niya noon pa man.

Napangiti siya ng maisip ang binata.

'Kailan ka kaya magiging akin?'

Tanong niya sa isip niya.
-
#MPD
#UnangKabanata

Miss Pervert Desires  (Completed) *unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon