Chapter Thirty Five

1.4K 25 4
                                    

Miss Pervert Desires

ILANG araw ng walang malay si Hailey. Maayos.na ang lagay niya ngunit hindi pa rin siya nagkakamalay. Magpipitong araw na ngayon, ngunit nakapikit pa rin ito sa kanyang harapan. Hinalikan niya ang noo nito at umupo sa tabi ng nobya. Araw araw niya itong binabantayan at kinakausap. Para kahit papaano hindi niya mamiss si Hailey.

"Baby miss na kita. Gumising ka na. Alam mo bang nagkagusto ang bestfriend mo kay Carmela? Si Lincon? Yung ex ko at bestfriend mo parang may something na e. Sigurado ako matutuwa ka kasi may lovelife na ang bestfriend mo. Gumising ka na diyan. Alam mo baby napapansin na ang paglaki ng tiyan mo." sabi niya sabay himas ng tiyan nito. 1 buwan na ang dinadala nito ngunit mukhang malaki ang bata dahil ang laki ng tiyan ng nobya niya.

"Baby kailangan mo ng magising para pag labas ni baby makita mo siya agad. Tapos si Mika ayun nakakulong na siya. Hindi hindi ka na niya nasasaktan. Mahal ko miss ko na kaharutan mo. Yung mga manyak mong moves sana gumising ka na. Mahal na mahal kita kayo ng baby ko kaya dalian mong magpagaling. Gagawa pa tayo ng katid ng baby natin.." sabi niya na natatawa. Kung naririnig lamang siya ng nobya siguradong tatawa ito ng malakas. Maayos na ang lagay nito. Normal na ang vital nito pati ang baby ngunit wala pa itong malay. Sabi ng doctor hindi naman na damage ang ulo nito baka kaya ganito ito ay dahil sa hirap na naranasan ng katawan nito. Traumatic and unrecover pa kaya hindi pa nagkakaroon ng conciousness ang pasyente. Ngunit ayos na ito ngayon hintayin na lamang nilang magising ito. "Saka nga pala miss ka na ni Agatha at Arian. Gumising ka na daw magbabachelorette party pa raw kayo. Tapos yung kasal natin inaayos na nila mama kaya baby dalian mo na. Maghohoneymoon pa tayo. Diba iyon ang pangarap mo?" sabi niya.

Hinahaplos niya ang buhok nito ng dumating si Elizha at si Healton. May dala silang pagkain.

"Kumain ka muna bayaw." sabi ni Healton sa kanya. Inayos ni Elizha at inihanda ang pagkain.

"Kamusta ka naman?" tanong ni Elizha sa kanya. Pilit siyang ngumiti.

"Okay lng naman ako hipag. Medyo puyat kakabantay pero ayos png iyon." sabi niya na umupo na sa upuan.

"Okay. Hmm. Any movements kay Hailey?" tanong nito

"Minsan gumagalaw ang kamay niya. Tapos last time nagsalita siya. " sabi niya.

May isang beses na nagsalita nga ito pero malabo kaya hindi niya maintindihan sabi ng doctor magandang sign iyon na magkakamalay na ang dalaga.

"Magandang balita yun. Sigurado akong magigising na siya. Yan pa e napaka strong niyang babaeng yan." sabi ni Elizha na nakangiti. Gumanti siya ng tawa. Nasa ganoon tagpo siya ng biglang magsalita si Hailey.

"Xan-xander...." sabi nito. Tuluyang napigil ang tawa niya at agad lumapit sa nobya niya.

MALIWANAG, iyon ang sumalubong sa diwa ni Hailey. Nakakasilaw na liwanag. Ramdam niya ang sakit ng kanyang katawan, ulo at tagiliran. Hapong hapo siya ngunut masasabi niya na mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kaysa noong mawalan siya ng malay. Lumingom siya at nakita niya ang kanyang kuya Healton na abala sa pagbabasa. Ang kuya niya. Akala niya hindi niya na ito muling makikita. Nilingon niya ang tabi nito at nakita niya ang kanyang hipag na masayang nakikipag usap sa isang lalaki. Ang lalaking nag bigay ng lakas sa kanya sa mga oras na gusto niya ng sumuko. Ang tawa nito ay musika sa kanyang tenga. Hindi niya napigilang umiyak. Ang saya niya kasi makikita niya pa ang binata. Mahahawakan, mahahalikan at mayayakap.

"Xan-xander.." hagulgol niya. Gulat itong napatingin sa gawi niya pati si Ate Elizha at kuya Healton napahinto sa ginagawa at agad siyang nilapitan.

"Baby.. Are you okay? Anong masakit? Mahal ko." sabi nito na hinawakan ang kamay niya. Napangiti siya habang pumapatak ang luha niya. Hinaplos niya ang pisngi nito. Kitang kita ang pag aalala sa binata.

Miss Pervert Desires  (Completed) *unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon