Chapter Thirteen

1.7K 35 1
                                    

Miss Pervert Desires

MAAGA pa lang ay nasa opisina na si Hailey. Dahil walong araw siyang hindi pumasok, tambak ang kanyang gawain. Halos hindi niya alam ang uunahin sa daming files na nasa lamesa niya. Bumuntong hininga siya at inumpisahan ng ang trabaho. Ilang minuto rin siyang abala ng mapansin niya ang oagdating ni Xander. May dala itong kape at inilagay sa harap niya.

"Good morning baby. Coffee?" tanong nito sabay halik sa noo niya. Namula siya at napangiti.

"Good morning din boss. Salamat" sambit niya. Kinuha niya ang kape at ininom yun. Nakatitig lang sa kanya si Xander. "May dumi ba ko sa mukha?" tanong niya.

Umiling ito at ngumito. Tinanggal nito ang buhok na tumatabong sa kanyang mukha.

"You're beautiful." sabi nito. Napangiti ako. "I'll go ahead. We need to work." paalam nito sa kanya at pumasok ng opisina. Naiwan siyang nakangiti at sinimsim ang kape. Umupo na siya at pinagpatuloy ang pagtatrabaho.

TANGHALI na ngunit hindi pa kuamkain si Xander. Masyado siyng busy para isipin ang tanghalian. Abala siya sa pagbabasa ng dokumento ng may kumatok sa pinto. Si Hailey. May dala dalang pagkain. Ngumiti ako sa kanya. Napaka maalaga niya. Hindi niya lubos maisip na wife material ang dalaga. Pumasok ito bitbit ang tray na may laman ng pagkain at pinatong iton sa isang maliit na lamesita.

"Tara na boss lunch na tayo." sabi nito. Tumayo siya at lumapit sa dalaga. Umupo siya sa tapat nito at tinignan ang pagkain sa harap niya. Inorder siguro nito iyon sa fast food.

"Kain na tayo." paanyaya nito. Sinumulan nilang kumain na walang imikan. Sarap na sarap ito sa fried chicken na nilalantakan. Sa sobrang gana nitong kumain ay hindi nito namalayan na may ketchup na sa gilid ng labi nito. Agad akong dumukwang para tanggalon ang ketchup sa pamamagitan ng paghalik sa gilid ng labi niya. Natigilan siya at namumulang napatingin sakin.

"Ayan wala ng ketchup." sab niya aa dalagang namumula. "Oh kumain ka na." dagdag niya.

"Bakit ganyan ka?" tanong nito na namumula.

"Iyan. Napakasweet mo. Ang lambing mo. Hindi ko mapigilag kiligin." sabi nito.

"Kasi Gusto kita. I want you so bad Hailey." sabi niya na seryoso. Nakatingin lang si Hailey sa kanya na parang nag iisip. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Okay lang naman sakin kahit na matagal kitang ligawan. Kaya wag kang mag alala. Kaya ko namang maghintay." sabi niya na seryoso. Ngumiti lang ang dalaga sa kanya at itinuloy ang pagkain.

Naging magana ang tanghalian ko sa piling ng magandang dalaga.

HINDI pa nangangalahati ng gingawa si Hailey ng dumating si Lincon at niyaya siyang lumabas. Tumanggi siya sa paanyaya nito pero mapilit ito at ayaw umalis sa harap niya.

"Hail naman. Please naman. Kailangan kita. Kailangan ko ng kasama sa party sa linggo." nagmamakaawang sambit ng binata sa kanya.

"Pero Lincon, alam mo naman na hindi ako mahilig umattend ng party. Tapos ako pa ang niyaya mo." sabi niya na naaasar.

"E ikaw ang gusto kong makasama e. Sige na kasi. Promise pag pumayag ka kahit anong gusto mo ibibigay ko." sabi nito na lumuhod pa.

Tumawa siya at tumango.

"Sige na nga. Basta ha yung promise mo." sabi nito. Tuwang tuwa itong niyakap siya. Wala siyang nagawa kundi gantihan ng yakap ang binata.

"Salamat ha." sabi nito na hinalikan pa siya sa noo. Ganoon talaga ito sa kanya, wala namang malisya iyon dahil kaibigan lang niya ito.

Nagulat siya ng biglang may sumigaw. Kinakabahan siyang nakatingin sa opisina ng amo niya.

"Sige na. Umalis ka na. Sa linggo na lang." sabi niya kay Lincon. Nang makaalis ang lalaki ay marahan siyang kumatok sa pinto ng opisina ni Xander.

"Come in." sabi nito. Pumasok siya sa opisina. Seryosong mukha nito ang nakita niya.

"Ano iyon?" tanong niya na kinakabahan. Tingin niya pa lang sa mukha nito alam niyang galit ito.

"Tapos na ba lahat ng files?" tanong nito sa kanya.

"H-Hindi.. pa." sabi niya na kabado.

"Hindi pa?! E paano ka matatapos e nakikipaglandian ka?! My gad Hailey hindi kita kinuhang sekretarya para makioag landian lang. Opisina to!" galit niyang sigaw. Nakaramdam siya ng sakit sa sinabi nito.

"Pasensya na. Hayaan mo mag oovertime na lang ako." sabi niya na naiiyak. Yumuko siya para hindi nito makita ang luha niya.

Bumuntong hininga ito.

"Get out Hailey. Baka ano pang masabi ko." sabi ni Xander. Nakayuko lang siyang umalis sa harap nito. Hindi niya alam kung ano bang malo ang nagawa niya. Maayos naman sila kanina.

Palabas na sana siya ng marinig ang boses nito.

"Sa susunod tigilan mo ang kalalandi kay Lincon at gawin mo ng maayos ang trabaho." sabi nito. Para siyang sinaksak sa sinabi ng binata. Ano bang tingin nito sa kanya? Malanding babae. Tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Nanginginig siyang lumabas ng pinto. Nang nakaupo siya sa upuan niya ay umiyak lang siya ng umiyak. Ang sama ng tingin nito sa kanya.

BUMUNTONG hininga si Xander. Sa tindi ng selos niya ay di niya napigilang masabi iyon kay Hailey. Alam niyang nasaktan niya ang dalaga kaya naman gusto niyang humingi ng tawad dito. Pasado alas diyes na ng gabi. Lumabas siya ng opisina para umuwi na. Pag labas niya ay nadatnan niya si Hailey na mahimbing na natutulog sa lamesa nito. Mugto ang mata nito. Siguro dala ng pagod ay nakatulog ito.

Lumapit siya dito na maingat itong niyugyog.

"Hailey, gising na." sabi niya. Dahan dahan itong gumalaw. Maingat itong nag unat at inayos ang sarili. "Gabi na bakit nandito ka pa?" tanong niya. Inayos lamang ng dalaga ang gamit nito at tumayo. Nilagpasan siya nito at lalabas na ng kanyang kompanya. Sinundan niya ito.

"Hailey.." tawag niya sa dalaga ngunit hindi siya pinansin nito. Hindi niya na napigilang yakapin ito mula sa likod para tumigil sa paglalakad.

"Sorry na baby.. Nagselos kasi ako." sabi niya.

NAGULAT at napatigil si Hailey sa pag lalakad. Niyakap siya ni Xander mula sa likod. Magpupumiglas sana siya ng mag salita ito.

"Sorry na baby.. Nagselos kasi ako." sabi niya.

Agad nalusaw ang galit niya sa binata. Tinanggal niya ang pagkakayakap nito at hinarap niya ang lalaki.

"Sorry na. Nagselos kasi ako. Ayoko kasi na may ibang lalaking lumalapit sayo. Gusto kita Hailey at ayoko na may kahati ako." sabi nito. Hindi niya napigialng mapangiti. Niyakap niya si Xander.

"Pinapatawad na kita. Hindi ko naman kayang magalit sayo ng matagal." sabi niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at Hinalikan nito ang noo niya. Pagkatapos ilong, sa pisngi at sa labi. Dampi lang iyon.

"Sorry kung seloso ako at possessive. Nababaliw kasi akong isipin na gusto mo siya. Ayoko ng kompetensya pero kung yun lang ang paraan ay ipaglalaban kita." sabi nito ng seryoso. Hindi niya alam kung anong mararandaman niya. Halo halong emosyon na hindi niya mapangalanan. Pero nangunguna ang kasiyahan at kilig.

"Thank you Xander.. At sorry din." sabi niya sa binata. Ngumiti lang si Xander at niyakap siya. Napapikit siyang niyakap ito pabalik. Masaya siyang ayos na sila ng binata. Sobra kasi siyang naapektuhan kanina. Mahal niya ito at ayaw niyang nagagalit ito sa kanya.

--
Good Evening😂 Sorry late ud. Enjoy reading❤

#Malandi
#MPD

Miss Pervert Desires  (Completed) *unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon