Miss Pervert Desires
NAGISING si Hailey na may humahalik sa pisngi niya. Napapangiti siya tuwing mararamdaman ang labi nito pababa sa leeg niya.
"Baby alam kong gising ka. Bumangon ka na. Mag aalmusal na tayo." sabi ni Xander. Hinatak niya ang kumot at ipinulupot iyon sa hubad niyang katawan. Tumingin siya sa binata at ngumiti.
"Good morning." sabi niya. Ngumiti ang binata at hinalikan siya sa labi. Tumayo ito at pumubta sa pinto.
"Maligo ka na ha. Hintayin kita sa baba." sabi nito at lumabas ng kwarto niya. Tumayo siya sa kama at pumunta sa banyo. Naligo siya. Makalipas ang kalahating oras ay tapos na siya. Nagbihis aiya ng simpleng bestida at baba sa kusina. Nakaprepera na ang pagkain. Nandoon ang kanyang ina at ama. Nakaupo ang mga ito at prenteng umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit siya at humalik sa mga magulang.
"Good morning anak." Bati ng ina niya sa kanya. Ngumiti siya.
"Good Morning din po." sabi niya. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ng ina niya. Mula sa kusina ay pumasok sa hapag kainan si Xander dala dala ang mga pagkain. Bigla siyang natakam. Lumapit ito sa kanya at humalik sa noo niya.
"Good Morning baby." bati nito sabay upo sa harap niya. Magana silang kumain ng almusal.
"Nakapag usap na ba kayo ni Xander anak?" tanong ng ama niya. Seryoso itong nakatingin sa kanilang dalawa. Tumango siya at ngumiti.
"Yes dad." sabi niya.
"So napag usapan niyo na ang kalagayan mo. Anong plano niyo?" tanong nito.
Ano nga bang plano naming dalawa? Yumuko siya at tumingin sa paglain. Hindi niya kasi alam ang isasagot.
Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Xander.
"I will marry your daughter. Pananagutan ko siya sir." sambit ng binata sa harap niya. Gulat siyang napatingin dito. Seryoso itong nakatingin sa ama niya.
"Si-sigurado ko baby?" tanong ko. Tumango siya at ngumiti.
"Kung ganoon pakisabi sa mga magulang mo na mamanhikan na. Gusto kong ikasal ang aking bunso sa madaling panahon." sabi ng ama niya na nagsimula ng mag almusal.
"Opo sir." sabi ni Xander. Ngumiti ang ina niyang excited na excited sa pagpapakasal nila. Hinawakan ni Xander ang kamay niya. Bumulong siya ng i love you. Ngumiti siya at bumulong din ng i love you too.
MATAPOS mag almusal ay pumunta kami sa pamilya ni Xander. Taga Tagaytay pala ang kanyang nobyo. Nakakatuwa na sa lugar pala kung san siya pinanganak namin naisipang magbakasyon. Simpleng summer dress ang suot niya. Kinakabahan siya sa kung ano ag magiging reaksyon nila. Nasa sasakyan silang magkasintahan.
"Sure ka na ba baby sa plano mo? Kinakabahan ako." sabi niya. Tumango ang binata at hinawakan ang mga kamay niya. Hinalikan ito at nagsalita.
"Huwag kang mag alala. Mabait sila papa at mama. Sigurado akong magugustuhan ka nila."
Pilit siyang ngumiti sa kasintahan at tumingin sa bintana ng sasakyan. Kinakabahan man ay wala na siyang magagawa. Ito ang araw na ipapakilala siya nito sa mga magulang niya. Excited na kinakabahan siya. Makalipas ang ilang oras ay huminto sila sa isang masyon na may rancho at farm. Napakaganda ng kapaligiran. Maraming kabayo ang nasa damuhan.
"Ang ganda naman ng bahay niyo." bulalas niya. Napangiti lang si Xander at inalalayan siya papasok ng magarang tahanan. Nanauna silang pumasok sa sala. Abala ang mga katulong sa paglilinis ng nasabing tahanan.
"Señorito. Nandito po pala kayo? Siguradong sasaya si Senyora pag nakita ka." sabi ng isang babae na may katandaan na. Tumingin ito sa kanya at ngumiti.
"Nasan si Mama nanay Erlinda?" tanong niyo sa babae.
"Nasa hardin si senyora señorito kasama si Senyor." sabi ng matandang babae na nagngangalang Erlinda. Hinwakan ni Xander ang kamay niya at inakay sa hardin. Pagdating nila doon ay may dalawang matandang nakaupo sa isang couch na nakatapan sa mga bulaklak ng hardin. Mukang masaya ang dalawa dahil tumatawa ang matandang lalaki. Pamilyar sa kanya ang tunog ng tinig nito.
"Papa mama. Nandito na ako." sabi ni Xander sa kanila. Lumingon ang dalawang matanda. Nagulat siya ganoon din ang dalawa. Sila? Sila ang magulang ni Xander?
HINDI mawala ang kagalakan ng ama ni Xander ng humarap sa kanya. Niyakap agad siya nito at inakay paupo ng sofa.
"Mahal kong asawa. Naalala mo siya? Siya ang nagligtas sayo." sabi nito sa babaeng may katandaan ng nakaupo sa couch.
"Oo mahal. Napakabuti ng puso ng dalaga na iyan. Bakit kasama mo ang anak namin iha?" tanong nila sa kanya. Napangiti siya.
"May dapat ba akong malaman?" tanong ni Xander na takang nakatingin
kahon na hawak niya. Tumambad sa kanya ang singsing na may diyamante paikot mismo sa singsing. Napakaganda nito. Napasinghap siya at napahawak sa bibig niya. Hindi niya inaasahang magpropopose ito sa kanya. Unti unti siyang tumango.
"Yes baby. I want to be your wife. I love you." sabi niya sabay halik at yakap sa binata. Isinuot nito ang singsing sa kanya. Kasyang kasya iyon sa palasingsingan niya. Niyakap siya ng binata.
"I love you too baby so much." sabi nito. Tumingin ito sa kanya at pinahid ang luha niya. Hinalikan nito ang labi niya.
Walang makakapantay sa kasiyahan niya. Sa wakas ikakasal na siya sa lalaking mahal niya at mahal siya.
-
Hahaha. Sana all may ganyan. Ayeeii kakasal na sila.
Nangangamoy happy ending . Wahahaha. Mukang malapit ng magwakas. Haha
Ano kayang mangyayari? Abangan
#propose
#MPD
BINABASA MO ANG
Miss Pervert Desires (Completed) *unedited*
RomansaMiss Pervert Desires Sypnosis Hailey Me Dela Vedra a pervert sophisticated woman. Lahat nasa kanya na. Ang ganda bait at pagmamahal. Masasabi niyang malibog siya dahil sa puro lalaki ang kapatid niya, ngunit ganunpaman ay nanatili siyang birhen na t...