Chapter Twenty Six

1.3K 21 1
                                    


Miss Pervert Desires

INIISA isang lagok ni Xander lahat ng na ibinibigay sa kanya ng bar tender. Wala siyang pakielam kung ilang bote na ang naubos niya. Selos na selos siya na malaman na kasama ng kasintahan niya ay ibang lalaki. Napabuntong hininga siya. Ilang araw na lang naman ang titiisin niya kaya naman pipilitin niyang hindi kainin ng selos ang sistema niya. Umupo siya at sinimsim ang alak ng maramdaman niya na may lumapit sa kanya. Umupo ito sa tabi niya. Lumingon siya. Si Mika ang lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Iniabot nito ang coat niya at ngumiti. "Naiwan mo sa bahay kaya dinala ko na." sabi nito. Kinuha niya ang coat.

"Salamat." sabi niya. Muli niyang nilagok ang alak.

"Whiskey nga." sabi ni Mika. Agad naman binigay ng bartender ang order ng dalaga.

Wala siyang pakielam sa katabi basta nilagok niya na lang ang alak sa harap niya.

ILANG beses ng tinawagan Hailey si Xander pero hindi sinasagot ng binata. Alam niyang nagalit ito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na nagseselos to kay Lincon. Bumuntong hininga siya at itinigil ang pag-Dial ng phone number nito sa halip ay tinawagan ang airport para kumuha ng ticket pa Cebu.

Matapos tawagan ang airport ay pumunta siya sa closet niy para mag impake ng ilang damit. Kailangan niyang makausap ang kasintahan.

Pumili lang siya ng kaunti at nilagay sa travelling bag niya. Matapos niyang mag empake ay tinext niya si Xander.

'Sorry baby. I love you.'

Pagkatapos itype and pinindot niya ang send button. UKmaasang may reply mula sa nobyo ngunit hanggang sa makatulog siya ay walang dumating.

LASING NA lasing si Xander ng dalhin ni Mika sa Hotel room nito. Akay akay niya ang binata, kahit nabibigatan ay maayos niyang nailapag ito sa kama. Pinagkatitigan niya ang lalaki. Napakgwapo talaga nito. Hinaplos niya ang mukha nito. Labis ang pagnanasa niy sa binata. Daahn dahan niyang tinaggal ang polo nito. Kitang kita niya ang ganda ng katawan nito. Kumuha siya ng bimpo at nilinisan ang binata. Amoy na amoy ang alak dito.

"Haileeyy.. Uhmm." sambit nito. Para siyang napaso ng marinig ang pangalan ng kasintahan nito. Naatigil siya sa pagpupunas rito. Narinig niyang tumunog ang phone nito. Kinuha niya iyon at tinignan. Wala namang password kaya nabuksan niya iyon. Bumungad ang texr ng kasintahan nito.

From: Baby Haile

'Sorry baby. I love you.'

Dali dali niyang binura ang text at ibinalik iyon sa gilid ng lamesa. Kumuyom ang kamao niya. Inis na bumalik siya sa tabi ng tulog na binata at nilapit niay ang mukha sa mukha nito. Akamang hahalikan niya ito ng bigla itong nagsalita.

"Haileeyy...hmm." sambit uli nito. Lumayo siya. Naririndi na siya sa kakatawag nito sa kasintahan. Umupo siya sa sofa. Napapikit siya.

'Bakit hindi na lang kasi ako?' Tanong niya sa sarili. 'Ako na lang.' Ngayon lamang siya nagkagusto ng sobra sa isang lalaki. Tumayo siya at tumabi sa kama nito. Niyakap niya ang binata hanggabg sa kainin siya ng dilim.

MAAGANG nagising si Hailey. Nasa airport na siya ng alas singko pa lamang. Hindi rin kasi siya gaanong nakatulog dahil sa pag iisip kay Xander. Inaantok pa siya ng makapasok sa eroplano kaya naman nakstulog siya sa biyahe.

Makalipas ang ilang oras ay nasa Cebu na siya. Excited siyang bumaba at pumunta ssa hotel ng nobyo. Sumakay siya ng elevator ng mapanisn ang isang lalaking nakamsid sa kanya. Ramdam niya ang tingin nito sa kanya ngunit ng tignan niya ulit ito ay wala na. Itinuloy niya na lang ang pagpasok sa elevator at pinindot ang floor kung nasan ang room ng nobyo. Nakakailang hakbang pa lang siya ay nakadama na siya ng kaba. Ramdam niyang may nakamasid sa kanya ngunit isinawalang bahala niya na lamang ito. Nang nasa rapat siya ng pinto ng room ng nobyo ay inayos niya nag sarili at ngumiti. Kumatok siya ng ilang beses.

Unti unti napawi ang ngiti niya ng mapag sino ang nagbukas ng pinto. Isang Babae. Nakabathrobe lang.

"Who are you?" tanong nito na nakapameywang.

Hindi niya na tinapos ang sasabihin niya at dali dali na siyng kumayo. Tumulo ang masagana niyang luha. Nanghihina ang katawan niya. Nanlalambot ang tuhod niya. Hindi niya alam kung kakayanin niya pang maglakad. Hahakbang pa sana siya ngunit tuluyan na siyang nawalan ng malay.

-

Goodnight everyone.

Anong nangyari kay Hailey?🙊

#Lasing

#MPD

Miss Pervert Desires  (Completed) *unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon