Chapter Twenty Eight

1.3K 22 5
                                    

Miss Pervert Desires

INIS NA napabaling si Xander kay Mika na nasa gilid niya. Kararating lamang nito galing Cebu.

"Hi Xander. Bakit gusto mo kong makausap?" tanong nito.

Nainis siyang binaba ang cellphone niya. Pinatayan siya ni Hailey.

"Gusto ko lang namang tanungin kong totoo ang sinabi mo sa parents ng nobya ko?" madilim na mukha niyang tanong sa dalaga. Biglang nagbago ang mukha nito. Namutla at hindi makapagsalita. "Ano?! Sasabihin mo ba ang totoo?!" sigaw niya dito.

"Hin-hindi ko a-alam ang si-nasabi mo." pagtanggi ng dalaga. Lalong uminit ang ulo niya. Hinaklit niya ang braso nito. "Ano ba.. Nasasaktan ako." sabi nito.

"Talagang masasaktan ka pag hindi ka umamin. Bawiin mo ang sinabi mo!" sabi niya na galit na galit. Tinanggal nito ang pagkakahawak niya at nagsalita.

"Hinding hindi ko babawiin iyon. Ngayon pang magkakahiwalay na kayo ng babaeng yun? Xander hindi mo siya kailangan. Ako na lang. Nandito ako hindi kita iiwan. Ako na lang ang mahalin mo." sabi nito na yumakap pa sa kanya. Tuluyan na siyang napuno. Binaklas niya ang pagkakayakap nito.

"Hindi kita mahal. Hinding hindi kita mamahalin! Si Hailey lang ang mamahalin ko tandaan mo yan." sabi niya sabay alis sa harap ng dalaga.

Naiwang natigalgal ang dalaga. Pumunta siya sa opisina para makalayo sa babaeng nanira ng relasyon nila ng nobya.

NATIGALGAL si Mika. Hindi siya makapaniwalang binasura lamang siya ng binata. Nanghihina siyang napaupo sa upuan. Tumulo ang luha niya. Pinahid niya ang luha at tinawagan PI niya na binayaran para hanapin ang babaeng kaagaw niya.

"Any update?" tanong niya sa PI

"Yes. She's in Tagaytay. I will send your her location." sabi nito. Ngumiti siya.

"Thanks. I'll pay you double." sabi niya.

Kung hindi mapapasakanya si Xander hindi siya papayag na mapunta to sa iba.

MAGANDA ang panahon. Naisipan ni Hailey na maglakad sa park. Nang mapagod siya sa kakalakad ay umupo sa bench na nandoon. Tumingin siya sa magandang tanawin sa park, kahit papaano ay gumagaan ang loob niya. Habang nakatanaw sa malayo ay naalala niya si Xander. Kamusta na kaya ito? Masaya kaya ito sa piling ng iba? May kirot siyang nadama sa puso. Mahal niya ang binata kahit alam niya sa una ay inakit lamang niya ito. Tumayo siya para umuwi na sana ng matanaw niya ang isang matandang babae. Para itong nanghihina na kinakapos sa hininga. Agad siyang lumapit dito at inalalayan.

"Okay lang po ba kayo maam?" nag aalalang tanong niya. Humawak sa puso ang matanda at kumapit sa kanya. Humingi siya ng tulong sa mga taong dumaraan. Hindi naman siya nabigo dahil may tumulong sa kanya. Tumawag ito ng ambulansiya kaya nasugod agad ang matandang babae. Sumama siya hanggang hospital dahil nag aalala siya sa matanda. Ipinasok sa ER ang babae. Naghintay siya ng ilang minuto ng biglang may dumating na matandang lalaki.

"Is my wife is here?" tanong nito sa Front desk.

Lumapit siya rito. Bakas ang kaba sa mukha nito ng ipakita ang larawan ng kanyang asawa. Ang picture ay kahawig ng babaeng matanda na dinala niya sa hospital.

"Naku sir. Siya po yung dinala ni Maam. Nasa ER siya." sabi nito sabay tingin sa kanya. Lumapit sa kanya ang lalaki.

"Maraming salamat iha." sabi nito sa kanya.

"Wala ho iyon. Upo muna kayo." sabi niya. Umupo ang matanda sa tabi niya.

"Asawa po kayo ni nanay?" tanong niya. Tumango ito.

"Oo ako si Zynes Bueneventura." pagpapakilala nito. Nagulat siya. Kahawig pa ng nobyo niya ang apelyido nito. Tinanggap niya ang pakikipagkamay.

"Hailey po." sabi niya.

"Salamat at nakita mo ang corazon ko. Mahal na mahal ko siya. Siya nga pala Xiana ang pangalan niya." sabi nito. Ngumiti siya.

"Hayaan niyo tay gagaling si Nanay. Tiwala lang." sabi niya. Ngumiti ng pilit ang matanda. May takot pa rin sa mukha nito. Makalipas ang ilang oras ay lumabas na ang doktor.

"Kamusta ang asawa ko?" tanong agad ni tatay Zynes.

"Okay lang siya. Nagkaroon lang ng asthma. Buti na lang ay dinalaga agad siya ni Miss." sabi nito na ngumiti sa kanya. Umiling na lamang siya. Mukhang type pa siya ng doktor.

"Salamat dok." sabi ni tatay Zynes.

"Walang anuman. Pwede niyo na siyang dalawin sa private room niya. Sige. Kung may kailangan pa kayo. Nandito ang mga nurses and doctors para tulungan kayo." paalam nito.

Dali dali silang pumunta sa private room ni nanay Xiana. Mahimbing ang tulog ng matanda. Niyakap agad ito ni tatay at hinalikan sa noo. Ang gandang tignan. Nakakantig puso. Hindi niya napigilan ang luha. Mararanasan niya kaya ang katulad ng ganyan. Pinahid niya ang luha niya ng makitang nag angat ng tingin si tatay Zynes.

"Oh iha bat ka umiiyak?" tanong nito.

"Naku tay. Ganto ho talaga pag buntis. Emosyonal." sabi niya na ngumiti.

"Buntis ka ba iha? Masan ang asawa mo?" tanong nito.

"Naku tay komplilado po." sabi niya.

"Ay ganoon ba? Sayang naman. Ipapakilala pa naman sana kita sa panganay ko. Bagay na bagay kayo." sabi nito na nakangiti. Natawa lang siya. Kung si Xander sana ang tinutukoy nito ay masaya. Ngumiti na lamang siya at naupo sa sofa. Samantalang si Tatay Zynes ay nakatabi sa asawa. Matapos magpalipas ng ilang minuto ay nag paalam na siya.

"Alis na po ako tay. Kailangan ko na pong umuwi. Pakisabi na lang kay nanay pagaling po siya." sabi niya.

"Naku iha. Salamat. Paano ba ako makakabawi sayo?" tanong nito.

"Alagaan niyo nalang po si nanay. Ayos na ako." sabi niya. Ngumiti ang matanda at tumango.

"Iha tanggapin mo itong calling card ko para anytime mabisita mo ang asawa ko." sabi nito sabay abot ng maliit na card sa kanya. Tinanggap niya iyon at umalis na. Sigurado siyang nag aalala na ang ina niya.

PAGDATING sa bahay ay nadatnan niya ang ama niya na prenteng nakaupo sa sofa ng town house nila.

"San ka galing iha?" tanong nito sabay beso sa pisngi niya.

"Sa hospital po. Nagpacheck up lang." pagsisinungaling niya. Ngumiti ang ama niya.

"Bakit kayo nandito daddy?" tanong niya. May iniabot itong larawan. Picture ni Xander kasama ang babae nito. Nakayakap ang babae sa kanya. Kumirot ang puso niya.

"Nasa manila na ang nobyo mo. Hinahanap ka niya." sabi ng ama. Bumuntong hininga siya.

"Dad please wag niyo munang sabihin sa kanya kung nasan ako. Hindi ko pa kaya." sabi nito. Ngumiti ang ama niya at tumango.

Habang tinitignan ang larawan lalong sumasakit ang puso niya. Lalo siyang nasasaktan.

Mahal niya si Xander, Mahal na mahal. Ngunit gusto niyang mapag isa para makapag isip. Para maging payapa.

-

Good Evening  

Mukang pamilyar yung pangalan ng dalawang matanda? Hmm?

Go Papa Xander. Hanapin mo si Hailey.

Mika. Mikalandeee mo

Hailey kaya mo yan.

#Bueneventura

#MPD

Miss Pervert Desires  (Completed) *unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon