Chapter Three

2.3K 45 3
                                    

Miss Pervert Desires

HINDI mawala wala ang ngiti ni Hailey matapos ang pag uusap at pagkikita nila ng binata. Halatang napatanga ito sa kanya. At nakakatuwang may epekto siya sa binata. Unang pagpasok niya pa lang ay nagulat na ito pero agad ding nawala ng iabot niya ang resume niya sa binata.

At Lalong kumunot ang noo nito sa nabasa sa resume niya. Mukhang akala nito ay niloloko niya lang ito. Ano bang magagawa niya kung iyon ang skills niya?

Natatawang sumakay siya ng elevator ng biglang may kumalabit sa kanya. Nilingon niya ito at nagulat siya.

"Hailey?" tanong nito

"Lincon? Is that you?" tanog niya. Agad ngumiti ang lalaki at niyakap siya.

"Oo Hail. Its me. How are you? It's been 2 years since weve seen each other." sabi nito

"I'm fine. Ikaw?" buong pusong ngiti niya. Lincon is her bestfriend. Matagal na silang magkakilala nito. College buddies niya ito at tuitor. Mabait ang binata at malambing kaya naman naging close sila nito. Actually 2 years na silang hindi nagkikita dahil pumunta ito ng Amerika para hawakan ang negosyo ng pamilya nito. Wala na rin siyang nging balita rito kasi siya man din at busy sa negosyo niya.

"Ang tagal nating hindi nagkita? Kamusta naman sila tita?" tanong nito. Sabay silang pumasok sa elevator at pinindot nito ang ground floor.

"Okay naman sila mama." sabi niya na nakangiti. "Bakit ka nandito?" tanong niya

"Ah. Kasosyo ko ang may ari nito at kaibigan. Binisita ko lang siya. Ikaw bakit nandito ka?" tanong nito

"Nag aapply ako ng trabaho e. Sekretarya." sabi niya na nahihiya. Alam kasi nitong mayaman siya.
Nagulat ito at nagtataka.

"Nalulugi an ba ang negosyo mo? Alam ba nila tito to?" tanong nito. Natawa ako sa reaksyon niya. "Hey bakit ka tumatawa?"

"Hindi ako nalulugi, never. Gusto ko lang magtrabaho. Alam mo na nabored ako. I want experience. You know me, once i get bored i'll do anything just to have fun." sabi niya. Hindi niya binanggit na may hidden agenda siya sa may ari ng kompanya.

"Okay. Sabi mo e. Pero sure ka na ba? Alam ko masungit si Xander at mainitin ang ulo. Kakayanin mo kaya?" tanong nito.

"Ako pa? Mani lang yan. Try me." natatawa niyang sabi. "Tara na nga. Ilibre mo ko ng meryenda. Ang dami mong dapat ikwento." sabi niya. Ngumiti ito at hinatak siya sa sasakyan.

GULONG GULO ang isip ni Xander ng sandaling iyon. At dahil yun sa babaeng si Hailey Mae Dela Vedra. She is familliar. Nakita niya na ito at hindi siya nagkakamali. Ito ang babaeng hinalikan siya sa bar. Napapailing siya habang titignan ang larawan nito sa resume. Kahit saang anggulo ang ganda talaga nito.

Ibianaba niya ang resume at nag isip. Baliw ba ang babaeng iyon? Bakit ganito ang resume niya? Para namang hindi seryoso.

Hinila niya ang drawer niya at inilagay ang resume doon. Sinara niya at hinarap ang kanyang ginagawa.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay naiinis niyang jinuha ang resume. Tinignan ang larawan. Ginupit niya iyon at inilagay sa wallet niya. Parang tanga lang diba?

"What am i doing?" tanong niya sa sarili. Naiinis siya sa pinagagawa niya. Aagd niyang nilamukos ang resume at tinapon. Hindi niya daoatginagawa ito. Baliw lang ang gagawa noon.

Ibinalik niya ang atensyon sa trabaho niya ng pumasok si Carmela sa silid. Ang long time girlfriend niya. 1 year na sila at masasabi niyang. She has all he want. And he's happy with her.

"Her baby." sabi niya sabay halik sa labi ng babae.

"Hello baby. I miss you that's why im here." sabi nito na nakangiti. Niyakap siya nito.

Miss Pervert Desires  (Completed) *unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon