Chapter 13

42 1 0
                                    

>Marloue's POV<

Sino ba talaga yung Anthony na yon sa buhay ni ems?! 

At bakit BABE ang tawagan nila?! 

Whaaaa! Bakit ba ako ganito? Hay nako Marloue! Kung boyfriend nga sya ni Ems, dapat maging masaya ka nalang diba? Haay! Ano ba yan! Pati sarili ko kinaka-usap ko na! 

Naka-upo lang ako dito sa kama ng biglang tumabi sakin si Jia, hindi ko man lang naramdaman na binuksan nya ang pinto ng kwarto ko..

"Kuya, you love her, right?" -sabi nya sakin habang hinahaplos ang likod ko.

Tumingin lang ako sakanya..

"You can't deny it anymore kuya, narinig ko yung sinabi mo kanina." seryoso syang nakatingin sakin

Yumuko naman ako at sinapo ang muka ko ng dalawang palad ko. "I don't know Jia, I'm so confused"

Yinakap ako ni Jia "Haaaaay. Sabi ko nga ba kuya eh, why dont you tell her?"

"I can't, we're just BESTFRIENDS." Mahina kong sagot sakanya

"Kelan mo naman plano sabihin sakanya yan?" -tanung nya sakin habang yakap yakap parin ako.

"hindi ko alam Jia, siguro pag kaya ko na."

Tumayo na sya at pumunta sa harap ko, tinaas nya ang noo ko. "Kuya, just always remember this, I'm always here for you. If you need help just tell me, ok? Basta, alam kong kaya mo yan." Sabi nya sakin at hinalikan nya ako sa noo pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto ko.

Do I really Love her? 

Hindi ko talaga alam... Totoo nga kaya? 

Bakit ba kasi ganon nalang ang naramdaman ko kanina nung nakita kong magkasama sila at sobrang close pa nila.. Haaaay! 

hindi pwede 'to, bestfriend ko sya.....

bestfriend ko sya...

bestfriend ko sya...

bestfriend ko sya...

Yan ang pa-ulit ulit na sinasabi ng utak ko pero bakit parang ayaw ata sumunod ng puso ko?!

Bahala na nga...

.....riiiiiing.....riiiing.... (iphone)

Sino nanaman kaya itong tumatawag na'to? Wala ako sa mood makipag-usap ngayon...

Si Rald pala......

"Oh?" Sagot ko sakanya.

"Kailan ba yung practice natin para sa competition ng school?" mahinahong tanung nya sakin.

"Anong competition? napakunot ang noo ko..

"Yung sa sports complex. Diba lalaban ang band natin don?" 

Natigilan ako sinabi nya, nawala sa isip ko na kailangan nga pala namin mag practice para don. 10 days nalang at competition na..

"Aah! Oo nga pala. Sige pare, bukas nalang sa Music room tayo mag practice. 1 pm sabihan mo nadin ang ibang members." Sabi ko sakanya at pinatay ko na ang iphone ko.

Wala kasi talaga ako gana makipag usap ngayon kahit kanino.

>Sophie's POV<

Haaaaay! Nakakatamad naman mag intay dito sa Cafeteria, ang tagal ng barkada namin..

Masyado kasi ako maaga pumunta sa school eh, 12:40 palang andito na'ko eh 1:30 pa naman ang start ng class namin ngayon..

Tinawagan ko na sina Yvette at Kyla. Si Kyla daw papunta pero sigurado mamaya pa makakadating yun, after 20 minutes pa. si Yvette naman, tinatamad pa daw  kaya maya maya nalang..

Makapag earphones na nga lang, tamang soundtrip muna.. hehe

Maya-maya pa dumating na din sina Mark, Rald at JM..

Buti naman andito na sila, sa wakas may kasama na ako! HAHAHA!

Rald: Oh miss Beautiful, bakit nag-iisa ka? -nakangiting nyang tanung

Ako: *hinampas ko sya sa braso* kaw talaga! Ang tagal kasi nung dalawa eh..

Umupo na silang tatlo...

Wait..... Bakit ganun ang itsura ni JM? May sakit ba sya? Mukang wala ata sya sa mood ah?

"Jm.... Okay ka lang?" tanung ko sakanya.

Tumingin sya sakin tumango tango lang..

Napatingin naman ako kina Mark at Rald pero nag kibit balikat lang sila.

After ilang minutes dumating na si Kyla, at nang dumating na din si Yvette sabay-sabay na kaming pumunta sa room at pumunta naman sina JM sa music room..

>Marloue's POV<

"Hoy Marloue! Ayos ka lang ba? Kanina ka pa parang wala sa sarili ah?" tanung sakin ni Mark.

"Ayos lang pre." Sagot ko naman.

"Ayos ka dyan! Kilala ka namin, ano ba ang problema mo?" tanung naman ni Rald.

Tama nga sila, kanina pa ako parang wala sa sarili. Kanina pa akong lutang!

Parang wala din ako gana mag practice, ano nga ba problema ko?

"Wala.." Sagot ko sakanila at tumayo na ako para makapag practice na ulit kami.

DESTINY? &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon