Hey!! So ako si MissGalaxyPrincess. Ako ang 4th na author dito. Nakilala niyo na ang characters ng magaganda at matatalino kong classmate, so ako naman. <3
~MissGalaxyPrincess
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Chelsea's Pov.
So hinahanap ko nun boy partner ko, si Luke. Wag niyong isipin na gusto ko yun! Hinahanap ko siya kasi tinatawag na kami ng magtuturo sa amin, kami kasi representative as muse and escort sa school namin na gaganapin sa last day, which is bukas! Wag talaga kayo mag-isip na gusto ko yun! Babatukan ko kayo. Dejoke lang
May gusto na ako, kaso taga ibang school, taga Autumn University ata if hindi ako mali. Huhuhu!
.
On the way kanina, may nakasalubong akong girl na, blue ang color ng hair niya at bagsak talaga! Pero di ko masasabing rebond, basta bagsak! I identified her school, which si Winter University, dahil naka white blouse, grey necktie, blue vest, blue miniskirt and white long socks plus black cutie stilleto!
"Um, Ouch, Ops, Sorry kung nakita ko yung away niyo." sabi ko sa kanya.
Sabi niya naman, "Okay lang. What can I do for you?" kaya sabi ko
"Pwede mo ba akong dalhin sa Winter University? May hinahanap lang kasi ako." ngumiti naman siya at nagalok ng kamay
"Sure. I'm Audrey Lizbeth by the way. You?" inaccept ko naman at nagpakilala na ako
"I'm Chelsea Dawson. 16 Years Old from Spring University" with matching smile
Dumaan muna kami ng clinic para mapagamot yung sugat ng kasama ni Audrey tapos hinatid na niya ako sa WU. So eto ako, naghahanap sa partner ko na si Luke. Hay nako! Ang kulit talaga! Bat ba kasi ang laki laki ng soccer field mahirap tuloy magha-
.
.
"LUKE!! LUKE!!! YUHOOOOOO!! LUKEEEE!!!"
.
.
Nakita ko na siya! Wahaha! Buti nakita ko agad siya kasi dati di ko siya makita kita. -.-
"Oh? Bakit?" sabi niya pagkadating na pagkadating niya. Gosh! Gurang na tong gwapong toh!
"Anong bakit? May practice pa tayo Mr. Escort slash Soccer Player slash Gwapong Gurang na Partner ko!" sigaw ko sa kanya. Haaayyy!
"Ay oo nga pala!! Pabayaan mo nang nakalimutan ko yun, gwapo naman ako! Sigurado ako maiinlove sakin mga judges!" ang kapal nito! Sarap hampasin sa pader!
"Tumahimik ka na nga, tara na" Hinila ko na siya kasi alam kong dadaldal pa yan sakin!
.
~ Practice ~
"Chelsea Dawson from Spring University!" sabi ng emcee kuno.
Naglakad na ako, rumampa, nagpacute, killer smile here, killer smile there, kindat kindat, flip ng hair here, flip ng hair th-
"Chelsea, wait. Sa pageant, yung hair mo pag sports wear na lalagyan natin ng ponytail sa side yang buhok mo, tapos ibe-braid natin yan. Yung bangs mo, ise-straighten pa natin." Haaaay! Diyan ako proud! Ang hair kong napakganda! Madaming pwedeng gawin diyan.
"Okay Sir!" pinagpatuloy ko na ang paglakad pabalik sa kunwaring backstage.
"Ang ganda ganda talaga ng partner ko!" bati sakin ni Luke. Haay nako!
Siya naman ang naglakad at kinausap, blah blah blah. Pagbalik niya, ako naman ang bumati sa kanya.
"Pasalamat talaga at gwapo ka" sabi ko
"Bakit?"
"Para naman magmukha tayong maayos noh! Magandang Muse tas panget na Escort? Eww!" pagbiro ko sa kanya plus nandidiri look.
"Sus! Ito talaga!" sabay hila sakin by grabbing me in the shoulders tapos iniipit niya ako na parang hug! Nakakainis talaga tong partner ko.
.
.
OYYY! Wag niyong isiping MU kami. Ganyan lang talaga kami. Kilala ko gusto niyan eh, and ganun din siya sakin. Haaayy...
.
.
Pinagligpit na kami ng mga gamit namin tapos ng pauwi na kami, nadaanan namin ang room ng mga nagjo-jodu, arnis, ganun. BTW, naga-ganyan din ako. So meaning, kasali ako diyan. ="> Kumuha ako ng Arnis at pumunta kay Coach
"Coach" nakita niya ako at nag pugay na. Showing of respect.
"Sir, bago po ba yun?" turo ko sa naka girl na ponytail na may pagka-yellow ang buhok pero hindi light or bright, mga may konting touch of dark, basta!
"Uhm, hindi. Taga ibang University siya. She prefers practicing on a plastic human, kumbaga manequin, or di kaya, sa kaibigan niya na magaling din." Oh. Pero grabe ha, kahit di siya nakikisama magaling siya
"Ohh. Ayan tapos na sila!" nakita ko kasing nagpugay na din sila meaning tapos na or start pa lang, but this time, tapos na.
Nilapitan ko si Ate Ponytail at inalok ang kamay ko
"Hi Ate! I'm Chelsea Dawson, 16 Years Old." Halatang gulat si Ate eh. Pano parang naweirduhan kasi nakipagkaibigan ako? -.-
"I'm Zach Enriquez, Nice to meet you." sabay accept sa hand ko, pero hindi mapintura mukha niya! -.-
"I also play this, but I practiced for our Muse and Escort Pageant. It's the first time I saw you here!" sabi ko sa kanya
"Uh, yeah, I practice my own. It's nice meeting you but, kailangan ko ng umalis eh, bye!" sabi niya habang naglalakad palayo
"Bye Ate Zach." sabi ko sabay wave.Nagulat ako ng bigla syang bumalik.
"May nakalimutan ka ate?"tanong ko sa kanya.Parang may gusto syang sabihin kaso parang nag aalinlangan din sya.Weird.
"Umm,diba,friends na naman tayo?"sabi nya ng nakayuko.Bakit kaya.
"Oo naman po.Bakit?May problema po kayo?"
"Uh,pede ba makuha yung no. mo,textmate tayo?"
"Sure!Yun lang pala eh."yun nga binigay ko na yung no. ko.
"Geh,thanks.Una na ako ah?Bye!"
"Bye!"Umalis na sya.Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa di ko na sya makita.Hayyy.Ang saya!May bago na akong kaibigan.
Umalis na din kami ni Luke, tutal madadaanan niya naman yung dorm ko kaya yun, hinatid niya ako. Then I dozed to sleep. Zzzzzz
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Don't forget to Vote and Comment! Suporta pa po! End of Chapter 4!
MissGalaxyPrincess
YOU ARE READING
Moonlight Sisters: Friendship Enters
FantasyApat na normal na estudyante na nagtagpo nang dahil sa isang insidente. Insidente nga lang ba o talagang nakatadhana itong mangyari? Kahit magkakalaban na ang kanilang school ay naging magkakaibigan pa rin sila. Maging magkakaibigan pa kaya sila pa...