Ito po yung karugtong.Enjoy!
BossiePrincess
---x
Blaze's POV
Alam kong may tinatago tong si Stacey.Ang weird nya simula pa kaninang umaga.Once in a rainbow moon lang yan magdrama kasi daw ayaw nya ng drama.Tapos kanina nagdrama at niyakap ako.
Nagulat sya kanina sa pagtawag namin sa kanya kasi lutang sya.Mula umpisa ng klase hanggang nung lunch lutang.Sabi nya iniwan sya.Tas nung tinanong sya pilit nyang tinanggi at iniba ang usapan.
Nung tinanong sya ni Luke sa kamay nyang umuusok,sabi nya sa siopao yun.Di ako naniwala.Kasi nung nag cr sya,naiwan nya yun.Hinawakan ko yung siopao pero di naman mainit,medyo malamig na nga siguro dahil sa aircon ng Dining Hall.
Tapos yung sa mata nya.Sabi nya contact lens yun.Eh sabi nya nga sakin na ayaw nya magcontact lens kasi daw baka masakit yun.Diba?Masyadong halata.Di kaya...
Binuksan ko na yung pinto ng dorm naming walo.Nandun sila sa may gitna ng room.Nakapabilog na naman.Tumingin sila kay Stacey at binati sya.
"HAPPY BIRTHDAY STACEY!!"sabi nilang lahat at tumakbo para yakapin si Stacey.Nagpasalamat naman si Stacey sa kanila.Kaso nga lang matamlay.Malamang napansin nila yun.
"Stacey,okay ka lang ba?"sabi ni Chelsea.Sinabi ko kasi sa kanila yung nahalata ko kay Stacey.Nahalata din nila yun.
"Oo naman!May dapat ba kayong ipag alala?"Kilala ko si Stacey.Magaling yan magtago ng nararamdaman nya.
Umupo na rin kami ni Stacey sa tabi nila.Napaniwala naman ni Stacey tong mga to.Pwes ako hindi!
"Spill it,Stacey!"sabi ko sa kanya.Nagulat naman sya kasi ngayon lang ako nagtaas ng boses sa kanya.Kinain kaming lahat ng katahimikan.Lahat kami ay nakaabang sa sasabihin ni Stacey.Nabasag ang katahimikan ng dahil sa hagulgol ni Stacey.Lumapit naman si Reign dito at niyakap sya.Ngayon lang ulit sya umiyak simula nung...
"Wag mo sabihing nagkita kayo ni Frost?!"gulat na tanong ko sa kanya.Napatingin naman silang lahat sakin at nanlaki ang mga mata.
"SINO SI FROST?!"sabay sabay nilang tanong.
"No,it's not about him."sabi nya at patuloy pa rin sa pag iyak habang hinihimas sya sa likod ni Reign.
"Then what is it this time?"Ako.Humarap sya saming lahat.Shit!Pinangako ko noon sa sarili ko na after nyang umiyak dahil kay Frost ay di na masusundan pa yun. Pero ngayon umiiyak na sya.Naawa ako sa bestfriend ko.
"Please,kung anuman ang masabi ko ngayon,wag sana magbago ang pagtingin nyo sakin."Tumango lang kami.
"Uumpisahan ko sa pinaka umpisa."sabi nya at pinunasan ang luha.
"Frost Ivory is my first boyfriend."Stacey.
"Teka diba sabi mo nung nagpakilala ka sakin NBSB ka?"Zach.
"Kasi hindi matanggap ni Stacey na naging boyfriend nya yun."Ako.Teka,ba't inadmit nya sa ibang tao yung tungkol sa kanila ni Frost?
"Kaya mong makinig,Reign?"Trev.Napatingin kaming lahat kay Reign.Tumango lang sya.
"So,yun nga.Si Frost lang yung naglakas loob sa lahat ng lalaki na ligawan ako nun.Sophomores pa lang kami nun "
"Naglakas loob?"Chelsea.
"Kasi si Stacey,kinatatakutan sa SU dati.Bukod sa Reyna sya doon ay may pagkamaldita sya noon."Ako.
"That was ages ago!"sigaw ni Stacey."I know.Kaya nga may word na 'dati'."Ako.Ayaw na nya kasi maalala na maldita sya dati.
ESTÁS LEYENDO
Moonlight Sisters: Friendship Enters
FantasíaApat na normal na estudyante na nagtagpo nang dahil sa isang insidente. Insidente nga lang ba o talagang nakatadhana itong mangyari? Kahit magkakalaban na ang kanilang school ay naging magkakaibigan pa rin sila. Maging magkakaibigan pa kaya sila pa...