18:Secrets Revealed

62 5 0
                                    

Stacey's POV

I woke up coz may nararamdaman akong ache sa may gilid ng leeg ko.Hindi muna ako natulog sa bagong dorm namin.Ibang gamit ko pa lang ang nandun.Dito ako natulog sa dorm ko sa SU.

"Ouch!!"Bumangon ako at pumuntang cr ko.Hawak ko pa rin yung part na masakit.

"Shit,shit!Fck!!Ang sakit!"Lalong sumasakit yun.Tiningnan ko yung leeg ko sa salamin ng cr.May nakita akong parang nabubuong tattoo.Tattoo?Anu to?Nakita ko rin yung mata ko nagcolor red.

"Aahhh!!"Humapdi ulit ito.Lumabas na akong cr habang nangingiwi sa sakit.Shit lang!Maya maya nawala rin yun.Whew!Buti naman.

Pumunta ako sa vanity mirror ko.Hinawi ko ang red hair ko at tiningnan ang leeg ko.What the?!Bakit nagkatattoo na ako?Grabe!Ni minsan di ko naisip na gawin yun coz masakit daw.Sino naman naglagay sakin nito?

Ang weird ng tattoo coz apoy sya...anung ibig sabihin nito?Apoy na color red,more like a flame.Hinaplos ko yun,di na sya masakit.Tumayo ako at tiningnan ang calendar ko.I'll mark this day as The Weirdest Day Ever!

Pagkatingin ko,literal na napanganga ako at nanlaki ang pretty eyes ko.Today's my birthday?Pero...

...

...

...

...

...

Bakit wala man lang regalo akong natatanggap mula kayla Mom and Dad?Usually kasi pag birthday ko,paggising ko pa lang,marami ng regalo ang nasa loob ng dorm ko.Or kaya pag busy sila,marami akong greetings na natatanggap kahit through facebook,twitter,or minsan through text lang.Pero ngayong nalaman kong di nila ako tunay na anak pababayaan na nila ako?

Tama kayo ng nabasa.Adopted daw ako.Nalaman ko lang yun this school year.Narinig ko silang nagtatalo.After nun,alam na nilang alam ko na yun.Hanggang sa wala na akong connections sa kanila.

Nakakainis!Naiiyak na ako,namimiss ko na sila.Di ako sanay.Di ko na namamalayan na umiiyak na pala ako.Umupo ako sa kama ko.Niyakap ko ang tuhod ko at binaon dun ang mukha ko.

Ang sasama nila!Bakit nila ako iniwan?Dapat di na nila ako kinupkop!Dapat hinayaan na lang nila ako dun sa gate nila na mamatay!Kung iiwan lang din nila ako matapos kong malaman yun!Ang unfair nila!Patuloy pa rin ako sa pag iyak.Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.

Galit dahil pinabayaan nila ako.Galit din ako sa sarili ko kasi napamahal na ako sa kanila.Dahil dun,kahit galit ako sa kanila,nalulungkot ako kasi wala sila ngayon.Feel ko tuloy wala ng kwenta ang birthday ko.I just turned 17 pero iniwan na nila ako.I'm still a minor for fuck's sake!

Parang may nararamdaman akong init sa kamay ko na gustong kumawala.

"HATE THEM!!"at may lumabas na apoy sa kamay ko.Nanlaki ang mata ko.Ano to?Nakita ko yung flower sa vase ko na nasusunog.Oh my gosh!Anung ibig sabihin nito?I have powers,just like...Frost.

***

Nandito na ako sa bagong school.Nagtext si Blaze sakin.Magkita na lang daw kami sa gate ng univ. kasi classmates daw kami.Kaklase ko rin kaya yung anim?

I'm not my usual self today.Paano pag nalaman nila to?Red pa rin yung mata ko.Baka ipagtabuyan din nila ako gaya nang ginawa ko sa KANYA dati.Haayyy...What should I do?Baka matakot din sila sakin...Naiiyak na naman ako.Iniiwan na lang ako palagi.Una yung true parents ko,second sila mom and dad.Sana wag sumunod yung anim na yun.Sana wag din akong iwan ni Bestfriend.Sya na ang kasama ko since birth.Malulungkot talaga ako pag nangyari yun.

Yung buhok kong nakalugay tinatakpan yung tattoo ko sa leeg.Mahirap na baka may makakita.

"Stacey!!"Lumingon ako dun.Si Blaze na ngiting ngiti pala.Lumapit agad ako sa kanya at niyakap sya.Eehh!Ayaw ko na umiyak!!Di ko kakayanin pag ang kaisa isang taong hindi ako iniwan mula noon hanggang ngayon ay iiwan ako ng dahil dito.

Moonlight Sisters: Friendship EntersWhere stories live. Discover now