Chari's POV
"Ate Chari!" rinig kong tawag sa akin ni Zaicah.
Lumapit siya sakin pero I quickly pulled her sa pinagtataguan ko at tinakpan ang bibig. "Wag kang maingay, baka makita ako"
She removed my hand and pull me palabas.
"Gotcha Tita Chari!" turo sa akin ni Kelly.
I rolled my eyes at Zaicah. Sya kasi ang may kasalanan kung bakit ako nakita ni Kelly.
"Kelly!" tawag ni kuya Kenneth sa kaniya "Kakain na anak. Stop playing muna, later nalang" Speaking of Kelly, she is the 5 year old daughter of Kuya Kenneth and ate Jessy. Actually, their only child as of today. Kasi baka soon, and sana masundan na si Kelly para lumaki naman yung family namin.
Kuya Kenneth is a successful Mechanical Engineer in a huge company in States wherein he and his family lives. Nandito lang sila sa Pilipinas for a vacation and to celebrate Kelly's birthday with us.
Zaicah grabbed my arm at dinala ako sa cottage. Nandito kami ngayon sa Monte Falco Beach Resort since we are celebrating Kelly's Birthday. Medyo kakaunti yung tao kahit summer vacay, dahil sigurong Wednesday ngayon at alangang araw.
Inabot sakin ni Athena ang plate na may laman na pagkain "Ate Chari naman, kailangan pa lagi tatawagin"
Athena is now the main chef on five star hotel in Manila.
"Sorry na sorry" sabi ko kay Athena na ngayon ay masama ang tingin sa akin "So, kelan ang wedding?" pagbaling ko ng atensyon kina Zaicah
Zaicah is now a licensed teacher and preparing for her wedding with his long-time boyfriend, Dominick.
"Uhm, not sure baka December pa. Para matagal ang preparation"
"Kung sabagay, July palang naman ngayon.There's still a time pa para kay ate to find a guy para naman double wedding. Diba? Mas tipid" sipain ko kaya itong kapatid ko? or should I just get the knife and cut off her tongue? Kung hindi ko lang to kadugo, nasaktan ko na talaga. Pasalamat siya may jowa siya, kaya hindi ako makaganti through words.
"Hanap na kasi" "Oo nga" "Tulungan kita" pangaasar nila sakin.
I rolled my eyes. Ako talaga naiinis na sa mga to. Ang hilig pakielaman ang buhay ko. Kungsa bagay, ganun siguro ako kaimportante sa kanila just to give their time for me.
"Guys, we don't look for love. Let love look for us" depensa ko syempre
"Luma na yan" pang aasar ni kuya
"Hayaan niyo na nga si Chari" Bumelat ako sa kanila dahil pinagtanggol ako ni Mama "Pag yan nainis, baka biglang humila yan sa tabi at tanungin ng will you marry me?"
"Maaa---" sabi ko ay nag pout. Akala ko pa naman kakampihan niya ako. As if namang gagawin ko yun. Ni-unang pagamin nga sa crush di ko magawa. Yun pa kaya? Dalagang pIlipina kaya ako. Duh? "Bahala kayo dyan" nagpatuloy nalang ako sa pag kain.
"Kailangan nga ba yung last? Yung kay J----"
Hindi na natapos ni Doms ang pagsasalita niya nang subuan siya ni Zaicah "Kumain ka nalang, para tumaba ka" Ito naman kasing si Doms, wala pa sa kalahati ng katawan ni Zaicah. Siguro pag nag away tong dalawa, buogbog si Doms panigurado.
"Kuh! Si JP!" I suddenly stopped eating nang marinig ko ang sinabi ni Athena "Matagal na naman yun. It's been? Ilang years na nga ba? 6 years?"
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Teen FictionHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...