Chari's POV
He was just smiling samantalang ako ay napatulala lang at iniisip kung totoo ba to o joke lang? Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang kamay ko "Aray!" Hala, totoo nga.
Pansin ko ang pagtawa ni JP at medyo pag-iling.
"Ikaw parin nga si Chari" sabi niya at pinisil ang magkabila kong pisngi.
Tumayo ako at itinaas ang dalawa kong kamay "Wait lang! Wait"
"Bakit?" tanong niya
"Hindi pa tayo nagkakalinawan" ibinaba ko ang kamay ko at nagpamewang "Una, bakit ka sumuko? Pangalawa? Bakit ang tagal mong nawala? Pangatlo, bakit nagkunwari kang parang hindi mo ako kilala?"
Hinila niya ako at muling iniupo sa bench.
"Una, kaya po ako sumuko ay hindi dahil hindi kita mahal. Kaya po ako sumuko noon, ay dahil sa tingin ko, hindi kita kayang bigyan ng katulad ng buhay na nakasanayan mo. Akala ko susukuan mo din ako, kapag sinukuan kita"
"Pero JP, hindi naman yun mahalaga sakin e. Ang mahalaga kasama kita. At kahit ano pang sabihin mo at gawin mong rason, kahit sampung dosena pang lalaki ang iharap sakin, ikaw at ikaw parin ang paulit-ulit na pipiliin ko"
Tumawa siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inilapit sa kaniya "Kaya nga dun ako nagkamali, hindi ko dapat ginawa yun. Hindi ko dapat mas ibinababa ang sarili ko dahil, ikaw, ikaw yung humihila sakin parin patuloy na lumaban"
"Bakit ang tagal mong nawala?" tanong ko
"Kasi po, ang sabi ko sa sarili ko. Gusto ko, sa sunod nating paghaharap, may kaya na akong ipagmalaki sayo, sa pamilya mo"
"E bakit nung may maipagmamalaki ka na, hindi mo ako kaagad pinuntahan?"
"I tried Chari, I tried so many times, kaso my conscience is telling me not to"
"Naguguluhan ako"
Tumingin siya sa malayo "I looked for a decent job para makaipon at makapag-aral. Then one day, nakilala ko si Toni. Siya yung maituturing ko na totoo kong kaibigan. I was about to give up everything dahil sobrang hirap pagsabayin ng pag-aaral at pagtatrabaho nang tulungan niya ako, at ng pamilya niya. His parents gave me scholarship para lang maipagpatuloy ko pa yung pagaaral ko. Dumating sa point na nakagraduate kami at natanggap sa pinagapplyan. Sabi ko sa sarili ko, handa na akong balikan ka" Tumigil siya at huminga ng malalim
"And?" pagaabang ko sa kwento niya
"Kaso bigla niya sakin nakwento ang babae na naging inspirasyon niya para mag piloto. At ikaw yung Chari. Sobrang naging laking parte siya ng buhay ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, handa kong ibigay sa kaniya ang lahat, kapalit ng lahat ng naitulong niya sakin"
"Kaya ba mas pinili mong manahimik?" Lumingon siya sakin at tiningnan ako sa dalawang mga mata
"Mahal na mahal kita Chari. Oo, matagal akong nanahimik pero hindi kita isinuko" Ngayon ay kita ko ang unti-unting pagpatak ng mga luha niya "Hinanda ko lang ang sarili ko na sabihin kay Toni ang lahat. Tanda mo ba yung gabi na nag-gatecrash kayo sa party at nakita kitang umiyak?" Tumango as a response "Yun din yung gabi na sinabi ko sa kaniya ang lahat. Kasi hindi ko na kaya pang pahirapan ka. Hindi ko na kaya pang makita kang nasasaktan at nagkukunwaring masaya. Marupok na kung marupok. Pero pagdating sa'yo sobrang hina ko. Makita lang kitang nasasaktan, mas nasasaktan ako Chari. Makita ko lang na umiiyak ka, mas umiiyak yung puso ko"
Hindi ko na ding napigilan pang umiyak dahil sa mga sinabi niya. Hindi niya ako isinuko. Hindi niya ako nakalimutan. Hindi niya ako nakalimutang mahalin. And that's enough for me to forgive him for all those years na akala ko hindi niya na ako mahal.
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Novela JuvenilHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...