Chari's POV
After our very dramatic scene, inayos namin ang mga sarili namin. Buti nalang at waterproof yung make up na ginamit ko, kaya hindi nagkayat kahit na umiyak ako.
Pagdating namin ay nanlaki ang mga mata namin dahil nag-lilinis na ang mga tao.
"Tapos na" sabi ng papalapit na si Athena
"Saan ba kasi kayo galing?" tanong pa ng kasama nito na si Alicia.
"Ikaw kasi" paninisi ko kay JP at kaagad na siniko siya
"Ako pa?" tanong niya at itinuro ang sarili niya
"Oo ikaw! Bakit? Lalaban ka na?"
Itinaas ni JP ang dalawa niyang kamay "Hindi boss. Hindi na po lalaban"
"Karume" sabi ng dalawang inggitera sa harap namin
"Tara nalang kumain, madami namang bukas na resto dyan sa labas. Kayo ba?" pagaaya niya kina Athena at Alicia
"Hindi na" "Busog pa kami" pagtanggi nila "Diretso na kami sa bahay"
Nagpaalam na sila at kaagad umalis.
"Tara na" pag-aya ni JP sakin
"Teka, magpapalit muna ako" Alangan namang kumain kami sa labas na nakagown pa ako.
"O sige, sa inyo muna tayo magpunta"
"Kaso nasa maleta na yung----" tinakpan ko kaagad ang bibig ko bago ko pa mabanggit ang isang bagay na hindi niya gugustuhing marinig.
"Nasa maleta yung?" pagtatanong niya. Umiling lang ako bilang sagot "May hindi ka sinasabi sakin"
Tinanggal niya ang pagkakatakip ko sa bibig ko
"Gutom na ko" pagpapalit ko ng topic at kaagad na tinalikuran siya "Saan nga kotse mo?" tanong ko at kaagad naman siyang sumunod sakin.
"Akala ko ba magpapalit ka pa?" tanong niya
"Hindi na" sagot ko sa kaniya. Baka kasi kapag dumaan pa kami sa bahay, makita niya yung mga maleta ko kaya mas pipiliin ko nalang kumain sa Resto na ganito yung istura ko.
Habang sakay ng sasakyan ay kwento lang ako ng kwento sa kaniya ng kung ano-anong bagay para makalimutan niya yung maleta thingy.
Nang makarating kami sa resto at nagumpisang kumain ay patuloy parin ako sa pagsasalita nang pahintuin niya ako
"Wag mo na akong daanin sa mga kwento mo. Bakit may mga maleta?" Oooops.
"Kasi -- ano--ah--paalis na ako"
"Saan ka?"
"States"
"For?"
"Work"
"Bakit pa?"
"They offered me a job sa isang hospital to perform surgeries"
"Kelan mo balak sabihin sakin?"
"Mamaya sana pagkatapos natin kumain"
"Ano oras flight mo?"
"Mamayang gabi"
"Gaano katagal ka dun?"
"Two years, pero dipende parin kung magooffer ulit sila"
"Kung magoffer? Tatanggapin mo?"
"Oo, sayang naman yun" diretsong sagot ko. Pansin ko ang biglng paglungkot ng mukha niya. "Tamo ito. Parang hindi piloto, alam ko naman na kayang kaya mo akong bisitahin dun"
"Iba parin yung kasama kita"
"Kahit naman nandito ako sa Pilipinas, hindi tayo araw-araw magkakasama dahil lagi kang aalis"
"Pero mas matagal kung nandito ka"
"Love, pagbigyan mo naman ako o" sabi ko at saka nag beautiful eyes.
"Padali mo" sabi niya at saka tumawa ng bahagya "Basta paguwi mo, pakasal na tayo"
"Ha?" nabitawan ko ang kutsarang hawak ko dahil sa sinabi niya
"Paguwi mo kako, paka----"
"Yes" pagputol ko sa sasabihin niya
"Yes?" tanong niya
"Hindi"
"No?"
"No, I mean, Yes narinig ko" paglilinaw ko
"Anong sagot mo?"
"Pwede saguting ko nalang paguwi ko?"
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Teen FictionHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...