Chari's POV
"1-2-3-Smile" sabi ng Photographer
"Congratulations!" bati naming lahat sa bagong kasal
"Thank you" banggit ng dalawa.
Nandito kami ngayon sa Batangas dahil today is Doms and Zaicah's Wedding Day
"Tara na" aya ko sa kanila
"Kakain?" tanong ni Athena
"Uupo, ang sakit na ng paa ko" reklamo ko sa kanila.
Habang naglalakad kami ay harutan lang ng harutan ang dalawa na naging dahilan para masanggi ako at ma-out of balance.
Napasigaw ako ng mahina at bago pa man ako matumba nang tuluyan ay may kaagad na humawak sa braso ko na naging dahilan para hindi matuloy ang pagkabagsak ko sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si JP, holding my arm. "JP"
Bago pa man niya ako maitayo ay nagulat ako sa bigla naming pagbagsak ng sabay.
I hold my breath at napalunok nang marealize na he's on top of me.
"May tumulak sakin" kaagad niyang pagpapaliwanag at saka tumayo. At ganun din naman ang ginawa ko.
Saglit akong napatingin sa kaniya at napansin na halata sa kaniya ang pagkaalangan sa nangyari. Paglingon ko sa kabilang side ay nakita ko ang dalawa na si Athena at AlIcia who's secretly leaving the place.
"May tumulak sayo?" tanong ko kay JP at tumango naman siya bilang sagot.
Naupo ako sa pinakamalapit na upuan dahil mas lalong sumakit ang paa ko. Feeling ko nabali na ata yung buto ko *OA* Tinanggal ang isa kong sapatos and was about to throw it sa dalawa nang hawakan ni JP ang kamay ko.
"Wag na" mahinahong sabi niya at kinuha ang sapatos na hawak ko.
He sat in front of me at isinuot ito sa paa ko.
"Masakit" reklamo ko at napatingin naman siya "Yung---paa ko. masakit"
Nagsmirk siya at kinuha ang kamay ko at pinatong sa balikat niya.
"What are you doing?" Dahan-dahan niya akong binuhat
"Hindi ka pa rin nga nagbabago. Ang gaan mo parin" sabi niya at nagsimula nang maglakad. Papunta siguro sa clinic.
"Akala ko ba hindi na mauulit to?"
"Ang alin?"
"Yung pagbuhat mo sakin-- ng ganito"
Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita.
The whole time, I was looking at him. I was looking at his smile, that smile na hindi ko nakita nang sobrang tagal. That smile na nagsasabi sakin na si JP nga siya. Yes, he is.
Nang makarating kami sa Clinic ay kaagad niya akong iniupo sa bed at tinanggal ang dalawa kong sapatos. Lumingon-lingon siya, hinahanap siguro ang nurse.
"Bakit ba kasi wala ang nurse dito"
Tumayo ako at nagumpisang magbukas ng mga drawer, baka sakaling makita ko ang ointment. Buti nalang sa pangalawang drawer na buksan ko ay dun nakalagay ang hinahanap ko.
"Dyan pala nakalagay---" Napakunot siya ng noo at tumingin sa paa ko "Nakakalakad ka?"
Tumango ako at nagumpisa nang lagyan ng ointment ang paa ko at hilutin ito
"Akala ko masakit ang paa mo?" tanong niya sabay kamot sa ulo
"Oo nga, kaya ko nga hinihilot diba"
"Eh bakit --"
Itinaas ko ang isang kamay ko at itinapat sa mukha niya to make him stop "Hindi mo naman ako tinanong kung kaya ko bang maglakad noh? Basta mo nalang ako binuhat out of nowhere" page-explain ko
Tumingala siya saglit at saka tumawa. Ginulo niya ang buhok niya at hinilamos ang mukha
"oh? anong nangyayari sayo?" pagtatanong ko habang pinipigil ang tawa.
"Jino-joke time mo ko"
"Waw? Hahaha! Hindi ko naman kasi po kasalanan kung padalos-dalos ka"
Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa nangyari. Hindi ko naman nga kasi talaga kasalanan yung nangyari. Ni-hindi manlang niya ako tinanong kung kaya ko bang maglakad, o kung kailangan ko ba ng alalay. Siya tong padalos-dalos, ako pa ang sisihin.
Nang matapos ako at medyo umayos na ang lagay ng paa ko ay inaya ko na siyang lumabas.
Habang naglalakad ay bigla nalang siyang huminto at naupo sa isang bench. Dahil sa gaya-gaya ako, ay sumunod ako sa kaniya at naupo lang din.
I was just feeling the fresh air nang mapansin ko ang pagtawa ng katabi ko
"What?"
"Natatawa lang ako" sagot niya
"Saan?"
"Sa mga nangyari"
"Huh?"
"Wala" pinoint niya ang noo ko at bahagya itong itinulak "Ang slow mo kako" Nagpout akoat inalis ang tingin sa kaniya.
Paano ako naging slow? The last time i check basta nalang siya tumawa dahil daw sa nangyari. Alin bang nangyari ang tinatawanan niya
Hinawakan niya ako sa chin at hinarap sa kaniya "I love you" sabi niya at saka ako hinalikan sa noo.
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Teen FictionHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...