Chari's POV
Nagising ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Toni. Kaagad niya itong sinagot at lumabas ng kotse. Umaga na pala, actually Tanghali pala. It's already 11am and I didn't even realize na nakatulog pala ako. I quickly grabbed my bag at lumabas ng kotse and waiting na matapos ang phone call niya.
Nang matapos siyang makipag usap, he walks towards me "Saan ka?"
"Uuwi na"
"Sa bahay niyo?"
"Yup" sabi ko at tumango
"Sumakay ka na ulit, ihahatid kita" He walked towards his car when I suddenly stopped him
"No!" Hindi nila pwedeng makita si Toni, lalong lalo na si Zaicah. Hindi niya pwedeng malaman na magkaibigan na ulit kami ni Toni. Of all people, Zaicah really wants him to be out of my life forever "I can handle myself" sabi ko habang naka open arms para pigilan siya
"Chari. I know that Zaicah hates me. Dun ba siya nakatira sa bahay niyo? Hindi naman diba? Ihahatid lang kita, hindi ako bababa so she will not be able to see me" He has a point. Hindi naman sa bahay namin nakatira si Zaicah at ihahatid lang naman ako ni Toni. Hindi naman siya bababa ng kotse. I agreed nalang with him since it's the easiest.
When we're on our way papunta sa bahay, he suddenly speaks about Zaicah.
"Bakit nga ba ayaw sakin ni Zaicah for you?"
"She's my bestfriend, ganun naman siguro pag kaibigan diba. Ayaw mo na mapupunta siya sa maling tao"
Yes, ganun ka protective si Zaicah. She always wants the best for me.
"Are you saying ma maling tao ako?" Bakit ko nga ba nasabi yun? Mali Chari. Mali
"What I mean is, hindi tayo ang meant for each other"
"Pano mo naman nasabi yun"
Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot dahil hindi ko din alam kung bakit.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay kaagad siyang huminto at ako naman ay nagpaalam na tsaka bumaba ng sasakyan.
I quickly press the doorbell para mapagbuksan na kaagad nila ako
"Cha" tawag niya sakin ni Toni kaya nilingon ko naman siya.
"What are you doing?" tanong ko nang mapansin na bumaba din siya sa sasakyan at nakasunod sakin.
"Nah"
I was about to push him nang biglang magbukas ang pinto which caused me to have a mini heart attack
Pero mas nashock ako nang makita ang kapatid ko na akala ko ay nasa Manila "Athena?"
"Pasok na, mamaya nalang ako mageexplain" she said at saka binuksan ng maayos ang gate
I quickly hugged mom and dad nang makita ko sila. Sumalubong din sakin sina Kuya Kenneth, Ate Jessy, and of course, Kelly.
"I missed you Tita Chari"
"I missed you too" sabi ko while kissing on her cheeks
"Is she your boyfriend tita?" Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Athena nang ituri ni Kelly si Toni.
Oh my gosh! I almost forgot, nandito nga pala si Toni. Anong sasabihin ko sa parents ko if they asked me kung sino ba si Toni? Medyo nagpapanic na ako at nagiisip ng kung ano-ano nang magmano siya sa parents ko.
"Hi Tito, Tita. Ako po si Jade Anthony Padillo, Chari's friend. Toni nalang po" Tiningnan ako ni mama ng nakakaloko habang si Daddy naman ay nakatingin lang kay Toni.
"Awkward" Kaagad ko namang kinurit sa tagiliran si Athen
Ilang sandali pa ay pinapasok na nila kami sa loob ng house at pinadiretso sa dining area para maglunch. Everything was assembled, as usual, nandito si Athena. Siguro she prepared the food and table, sayang naman yung pinag aralan niya kung di niya gagamitin to serve her family.
Tahimik lang na kumain ang lahat not like the usual family lunch namin. Siguro dahil ko? Ako lang naman ang nagpapaingay at mahilig mangulit sa kanila. Kaso, I don't think magagawa ko, Toni's here and lahat sila palipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa.
Nang matapos kumain ang lahat ay nagdecide na kami ni Athena na maglinis since wala kaming maid dito sa bahay.
"Can we talk?"
"Sure po" agad na sagot ni Toni nang lapitan siya ni daddy at ayain sa labas.
"Uyy kabado" pang aasar sakin ni Athena
"Shut up!" saway ko sa kaniya at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.
Ano kaya ang pag uusapan nila?
After cleaning the whole dining and kitchen, kaagad akong lumabas to check dad and Toni
I saw them chatting at the garden. Nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan.
"Looks like okay naman sila" sabi ni mama at umakbay sakin habang tinitingnan sina Daddy at Toni.
Tumango nalang ako as a response.
Is it a sign for me to move on? To move on from everything that's keeping me to stay in the past. I guess I was wrong for believing in JP's words. No, hindi niya pala sinabing hintayin ko siya. It was all my fault. I believed in something na ako lang mismo yung nagstate. I hate myself for rejecting everyone who tried to enter into my stupid life. I guess I really have to move forward.
Thankful ako na Toni's on my side. He is my first love and I've known him for so many years at sobrang kilala din niya ako. Kung tutuusin, mas madami akong happy memories with him kumpara kay JP. Yes, he left me before, pero kasalanan ko din namin yun. I pushed him away and told him na hindi ko na siya mahal even though I still do.
Is it the time for me to go back to my first love and forget the one that I thought would be the last?
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Teen FictionHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...