Chapter 11: Investigation

10 0 0
                                    


Chari's POV

"Si JP yun! nagkukunwari lang na hindi" sigaw ni Zaicah at tumayo

"Hindi kaya, ibang iba siya" pagdepensa ni Athena at tumayo rin "Hindi siya si JP"

"His face only proves na si JP yun"

"No, there are some people kaya na magkamukha lang talaga"

"Si JP yun, may amnesia lang" sagot ni Alicia at tumayo narin para makisali sa pagtatalo ng dalawa

"Hindi nga din. Nagkukunwari lang siya na hindi tayo kilala" sabi ni Zaicah habang mas lumalakas ang boses

Syempre hindi papatalo ang kapatid. Sumabay din ang paglakas ng boses ni Alicia "Bakit niya naman gagawin yun? Wala naman tayong kasalanan sa kaniya. May amnesia lang talaga siya kaya hindi tayo kilala"

Hindi din papatalo sa palakasan ng boses ang kapatid ko. Aba Bartolome to e. Hindi nagpapatalo sa lahat "Hindi niya talaga tayo kilala kasi hindi siya si JP. Look at his actions and words. Malayong malayo sa kilala nating JP"

"E kaya nga nagpapanggap diba"

"May amnesia nga kasi kaya ganun, medyo naalog ang utak. Ayun nagiba ugali.

"Kahit pa magka amnesia yun, hindi nagbabago ang character ng tao"

"Guys, hindi si JP yun. Pinahihirapan niyo lang ang sarili niyo"

Nakaupo lang ako habang pinapanood silang magtalo. Kelan kaya magpapatayan mga to? Para naman matigil ang gulo. Tumayo ako at tumingin sa bintana para tahimik na magisip kung si JP ba talaga yun o hindi. Sandali pa lamang ay narinig ko ang pagtahimik ng tatlo. Lumingon ako sa kanilapara malaman ang rason kung bakit hindi na sila nagsisigawan.

Sa paglingon ko ay kita ko magkakadikit sila at seryosong nagbubulungan

"E pano natin gagawin yun?" bulong ng isa

"Nasa airport sila" bulong naman ng isa pa

"Diba wala silang trabaho ngayon?"

"Oo nga wala"

"Saan natin pupuntahan?"

"Sa unit?"

"Tatanungin natin?"

"Hindi huhulihin lang natin sa pamamagitan ng pakikipag kwentuhan"

"Mag-isip na kayo ng chika"

Lumapit ako sa kanila at nagpekeng ubo para agawin ang atensyon nila

I rolled my eyes "May naisip na kayo?" I asked sarcastically.

"Wala pa, ikaw ba?" sagot niya habang nakakunot ang noo, nakatingin sa ibaba at mukhang nagiisip talaga. Si Alicia ay nakaubob sa lamesa at siguradong nagiisip din. Si Zaicah naman ay nakatingin sa taas habang nakalagay ang isang daliri sa pisngi.

"What if---"

"What if asikasuhin niyo nalang ang mga buhay niyo?" pagputol ko sa sasabihin palang sana ni Zaicah. Sabay-sabay silang napatingin sakin at nanlaki ang mga mata. Mukhang gulat na gulat sila. Bakit ba naman kasi kailangan pa nilang isipin yun. Feeling chari lang?

"We're here to help" pagdepensa ni Zaicah

Now I get it. Baka gusto lang nila akong damayan sa pagiisip kung si JP nga ba yun o hindi. Well I guess I have to thank these guys.

So bilang pa Thank You, inaya ko sila sa Cafe sa taas. Masarap dun magstay ngayon since pagabi na at masasaksihan namin ang sunset. Nice timing din at day-off si Athena, tapos wala akong nakasched na appointment ngayon.

"Order na kayo" sabi ko sa kanila at nagbukas ng cellphone para facebook.

"Kayo na bahala sa order ko" rinig kong banggit ni Athena

On my peripheral view, kita ko ang pag pili ng magkatapat na sina Alicia at Athena sa Menu. Habang si zaicah naman ay busy din sa paggamit ng cellphone. Few seconds later, pansin ko ang pagtingin ng dalawa sa hindi kalayuang table sa amin. Sinilip namin ni Zaicah kung anong meron dun at nakita namin ang busy sa pagkaing sina Toni at JP.

"JP!" napatingin kami ni Zaicah sa sumigaw na si Athena.

Kinurot ko siya sa tagiliran just to shut her up "What are you doing?"

"Proving that he's not JP" sagot niya sakin at saka tumingin sa nasa harap namin lumingon si

Muli kaming tumingin sa kanila pero hindi nalingon si Javs.

"See, he's not JP"

"Syempre nga nagka amnesia, ang kulit naman nito. Syempre ang alam niya Javs na yung pangalan niya" depensa ni Alicia

"Hindi lang talaga niya narinig" sabat ni Zaicah. "Isa pa" Ano to commercial ng noodles? Try and try until you succeed? "JP!"

We are all waiting for him na lumingon sa amin pero hindi. Maybe Tama nga si Athena. He's not JP.

Maya-maya pa ay umorder na kami at kaagad din naman itong dumating. Syempre, hindi parin sila tapos sa pagtatalo. Hindi si JP. Si JP pero may Amnesia. Si JP na nagpapanggap lang.

While they're busy fighting each other's opinion, may biglang dumaang group of guys wearing Pilot uniform. I think they're on their way papunta sa table nina Toni. Maybe they are on the same team or same company or same university. Ah basta, they knew each other. Pake ko ba sa kanila. May problema akong pinagdadaanan kaya hindi ko na sila iintindihin pa.

"Captain Perez!" sigaw ng isa at kumaway kay Javs na ngayon ay nakaharap sa kanila. we-Wait!

"Perez?" sabay-sabay na banggit ng tatlo kong kasamang chismosa at saka nagpalitan ng tingin at sunod ay tumingin kay Javs.

"Oh bro? kamusta kayo?" " Long time no see" pagbati nina Javs at Toni sa mga dumating. Not like we're eavesdropping on them, pero medyo malakas lang talaga yung boses nila kaya namin narinig. Aissh! O sige na. Pinakikinggan talaga namin yung usapan nila. Hindi naman sa nahawa ako sa tatlo kong kasama it's just syempre interesado din akong malaman.

"Kamusta Javier?" banggit ng isa sa kanila which made our eyes grow wide and made our jaws drop.

Confirmed! He's JP.

Athena Down.

Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon