Chari's POV
Dahil sa pamimilit na ginawa ni Toni ay nakumbinsi niya akong sumama sa kaniya para magdinner.
Nag take out kami sa isang fast food restaurant at dinala niya ako sa isang mataas na lugar. Mula sa kinatatayuan naming ay kitang kita ang lights mula sa baba.
He opened the back of the car at dun kami naupo at kumain.
"So, natupad naman pala yung pangarap mo in becoming a dentist"
Tumango ako sa kanya at ngumiti "After long years of waiting, natupadin din. Ikaw?"
"Ako?"
"Engineer ka na ngayon?"
Umiling siya kaya napatigil ako pagkain at hinintay ang sagot niya "Kapitan"
"Ng barko? Good" sabi ko at binalik ang atensyon sa pagkain.
Umiling ulit siya at ngumiti "I'm a pilot now"
Piloto na siya? Nagflashback sakin ang mga araw na magkasama kami noon. Lagi kong sinasabi sa kaniya na magpiloto siya, pero ang sabi niya ayaw daw niya dahil mas gusto niya na magEngineer.
"Bakit?"
"Remember the day na nagkita tayo sa isang resto?" Tumango ako sa kaniya bilang sagot "Since that day, nagpursue ako to be someone you've always wanted me to be. Nagshift ako ng course dahil sabi ko sa sarili ko, balang araw magkikita ulit tayo at baka sakaling magiba pa yung isip mo. Baka sakaling mahalin mo ulit ako kagaya ng pagmamahal mo sakin noon"
"Pero Toni, hindi mo dapat ginawa yun. You should follow your dreams"
"Ikaw yung pangarap ko Cha"
"I'm--- I'm sorry Toni. Hindi ko na alam ganun pala yung ginawa mo. I'm sorry" tumayo ako at kinuha ang bag ko para umalis.
He grabbed my hand at hinala ako palapit sa kaniya "May iba ka na ba?"
"Toni. I'm really sorry. May hinihintay akong bumalik"
Niyakap nya ako ng mahigpit. Rinig ko ang unti unti niyang pagiyak. "Bakit hindi nalang ako yung hinintay mo? Bakit hindi ako?"
Inalis ko ang pagkakayakap niya sakin at nakita ko na umiiyak na nga siya "Anthoni, I loved you"
Bahagya siyang tumawa at pinunsan ang luha niya "So, you're rejecting me again"
"Toni---"
"I get it. Is it because of JP?"
"Paano mo---"
"Paano ko nalaman?" He laughed again and looked at me "Laging siya yung hinahanap mo kahit na nandito na naman ulit ako"
"I'm sorry"
"Don't say sorry Cha. Hindi mo naman kasalanan na nagmahal ka--- ng iba"
Hindi nalang ako nagsalita at mas piniling umupo ulit sa likod ng kotse
"Anong nangyari kay JP?" he asked
"He told me na kalimutan siya at humanap nalang ng iba. Dahil ang sabi niya, hindi ko daw siya deserve"
"Bakit hindi mo ginawa?"
"That's what love is"
*Flashback seven years ago. 1 month after ng pangako niya sakin. Dinala niya ako sa park malapit sa campus. Same spot sa inupuan namin noon*
"Bakit ba ganyan ka JP? Diba ang sabi mo hintayin lang kita, babalik ka naman kapag okay ka na. Kapag okay na ang lahat. Kapag kaya ka na nilang tanggapin para sakin. JP please, sabihin mo na totoo parin yun. Sabihin mo please" sabi ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko
"Sorry Chari, sa dami kong pangako sayo. Yun lang ata ang hindi ko kayang gawin. Yun lang ang hindi ko kayang panindigan"
I grabbed his hand "JP. Wala kang pangako na hindi tinupad. JP, alam ko na gagawin mo parin yun, naniniwala ako sayo"
"Char, Promises are meant to be broken at ako na mismo yung sumusuko. Please. Bumitaw ka na"
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya at patuloy parin na nagmakaawa "JP, may iba ka na ba?"
"Wala Chari, wala akong iba. Ikaw parin. Mahal na mahal kita pero sobrang hirap ng posisyon natin. Sobrang hirap. Wala akong kasiguraduhan kung magagawa ko ba. At ayaw kong paasahin ka sa wala"
"JP ipaglalaban naman kita e. Handa akong ipaglaban ka. Sabihin mo lang sakin, gagawin ko yun"
"Sorry Chari. Siguro mas okay na maghanap ka ng taong kaya ka ding ipaglaban katulad ng paglaban mo. Kasi ako, hindi ko kaya yun. Sinusukuan na kita"
Tinanggal niya ang pagkakakapit ko sa kamay niya at sakay ako tinalikuran
"8!" Sigaw ko "8 years kitang iintayin at kapag hindi ka pa dumating sa loob ng walong taon, saka na ako tatanggap ng ibang tao sa buhay ko" Pinunasan ko ang mga luha ko at tumunghay "Pangako! Pangako yun JP!"
Hindi siya humarap ay tuluyan nang lumayo.
*End of flashback*
"Kelan ang pa Eight years?"
"Next Month.
"Bakit eight years?" tanong niya
Tumayo ako at pumunta sa front seat "Secret"
Sumakay naman siya sa driver's seat "Bakit nga?"
"Basta, umuwi nalang tayo" sabi ko at nagsuot na ng set belt, ganun din naman siya
"Tayo" sabi niya ng mahina
Kunwari hindi ko narinig yung sinabi niya "Anong sabi mo?"
"ang sabi ko, uuwi na ta---yo"
I laughed at sinuntok siya ng mahina sa braso na ikinatawa din niya. Tapos ay nagumpisa na siyang magdrive
"Ano nga palang lugar to?"
"Hindi ko din alam"
"Huh?"
"Basta lang ako nagdrive kanina tapos dun tayo dinala ng sasakyan. Nagandahan din ako sa view kaya huminto na ako dun"
"Paano mo nalaman ang papunta dun?"
"Hindi naman importante na malaman mo kung paano pupunta sa isang lugar. Ang mahalaga, alam mo kung paano babalik"
-------
"Thank you Toni" pagpapasalamat ko at lumabas na ng elevator
"Cha"Muli akong humarap sa kaniya
"Yes?"
Hawak niya ang pinto ng elevator to prevent it from closing "Kung sakaling hindi siya magpakita sa pa-eight year, pwede bang ako ulit?"
I smiled at him at umiling "No one knows"
"That's enough for me" sabi niya at saka hiayaang magsara ang elevator
Naglakad ako papunta sa Unit naming nang may Makita na naman akong panibangong Box sa labas.
Kung kanina ay Pink Box, ngayon naman ay White Box na may note parin
"To my love, Chari
Sana ako parin"
Tumingin ako sa paligid at hinahanap kung sino man ang naglagay nito.
Si JP. Si JP lang ang alam kong maglalagay nito.
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Teen FictionHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...