Chari's POV
"Cha? Okay ka na ba?" my eyes grew wide nang Makita ko si Toni sa loob ng kwarto ko
"Anong ginagawa mo dito?!" napalakas ata ang pagtatanong ko na naging dahilan ng mabilis na pagpunta ni Jella
"Doc okay ka na po ba?"
"Wala ka bang naaalala?" tanong ng Toni
Pumikit ako at pilit inaalala ang pangyayari. May sakit ako, bumaba ako sa basement. Papunta sana ako kung saan nakapark ang kotse ko nang bigla ako nanlabot. May lalaking lumapit sakin. Tama! Nakita ko si JP.
"Si JP?" Lumingon ko sa paligid ko at pilit hinanap ang huling taong nakita ko bago ko tuluyang mawalan ng malay "Nasaan si JP?"
"Sino si JP?" pagtatanong ni Jella
"Yung nakakita sakin bago pa man ako mawalan ng malay. The Moreno-chinito guy" page-explain ko
Tumingin si Jella kay Toni na katapat niya "Siya ba yung tinutukoy mo?"
Yes, they are both Moreno-chinto but syempre, different faces.
"Hindi, iba si JP. Hindi siya yun" page-explain ko habang ngayon ay nakakunot na ang noo at pilit nirerewind ang mga naaalala ko.
"Siya yung nagdala sa'yo dito" turo ni Jella kay Toni
"Ikaw?" mahinahon na tanong ko
It can't be. Kitang kita mismo ng dalawang mga mata ko si JP. Sigurado ako, sigurado akong si JP ang nakita ko at hindi si Toni. Pero bakit si Toni ang nandito and saying na siya yung tumulong sakin.
Tumango siya at nag crossed-arms "Naglalakad ako sa basement nang Makita kita. Pansin ko na namumutla at mukhang hindi mo na kakayanin pang maglakad kaya lumapit ako sayo. At yun, bigla ka nalang natumba" pagkukwento niya sa nangyari. "Siguro inakala mo lang na ako yung JP"
"Are you saying na illusion lang ang sinasabi ko"
"Hindi, What I'm saying is nagkamali ka lang dahil nga masama yung pakiramdam mo" Tumango nalang ako as a response. Siguro nga tama siya, siguro inakala ko lang na si JP siya.
"I'm just here, yet you're still looking for someone else" mahinang sabi niya pero nag kunwari ako na hindi ko narinig
"Anong sabi mo?"
"Wala"
"Bakit nga pala nandito ka?" pagbaling ko ng atensyon kay Jella.
"Doc, pinauwi ko n po yung mga tao kanina sa clinic. Sinabi ko na nagkameron ka ng emergency kaya nagparesched nalang po sila"
"Mabuti naman"
"Doc, ipagluluto na po ba kita ng lunch?"
"Ah wag na" "Hindi na kailangan" sabay na sagot naming ni Toni
"Umuwi ka na muna Jella, kaya ko na to" Kaya kaagad naman siyang nagpaalam sakin at umalis na. Tumingin ako kay Toni na nakatayo sa harap ko "Ikaw din, umuwi ka na"
Ginulo ni Toni ang buhok ko at saka ngumiti "Ako nalang ang magluluto"
"But---" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko. Kaagad ko naman itong tinanggal "Toni, ako nalang. I can handle myself. I can manage everything" Tumayo ako para patunayan na kaya ko na pero mukhang ipinahiya ko lang ata ang sarili ko. Hanggang ngayon nanlalambot parin ang mga tuhod ko. Buti nalang bago pa ako tuluyang matumba ay nasalo ako kaagad ni Toni.
"O sige, nasaan ang kaya mo na?"
Napatingin kaming dalawa ni Toni sa nagsalitang si Athena "Ano to?"
Muli akong napatingin kay Toni at narealize na nakayapos pala ako sa kaniya habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko. Kaagad ako humiwalay sa kaniya at naupo sa kama ko
"Nagmadali akong umuwi just to see this?"
Nagkatinginan nalang ulit kami ni Toni at saka bahagyang tumawa.
"Since Athena is here, mauna na ako" pagpapaalam ni Toni.
I called him again bago pa siya makalabas ng pinto "Toni!" Humarap aman siya kaagad "Thank you"
Kumaway siya at saka tuluyang lumabas
"Ano yun?" tanong ni Athen with matching kunot ng noo at crossed-arms
"Nag faint ako. Tapos paggising ko nandito na si Toni with Jella. And Toni told me na siya yung nakakita sakin. I don't know the whole story kung paano ako nadala dito sa Unit natin, pero all I know is safe naman ako" page-explain ko
Tumango naman siya as a response "E anong ginagawa ni Toni sa building na to?"
Hmmm, ano nga bang ginagawa niya? Ngayon ko lang siya nakita dito kaya sure ako na hindi siya dito nakatira. What is he doing here?
----------
"Hindi ka ba magdadala ng kotse?" tanong ni Athena bago lumabas ng condo
"Hindi, magcocommute nalang ako"
"Good, pahiram muna ng kotse mo. Wala na akong gas" Ay wow! Buti nalang mabait kong kapatid at hinayaan ko siyang gamitin ang kotse ko kahit na mahal ang gas.
"Okay!" nagpunta ako sa banyo para maligo na since magaling na naman ako. Isang araw lang ako kung magkasakit kaya sure ako ngayon na okay na ako.
"Ate!" rinig kong tawag ni Athena
"Bakit?!" sigaw ko mula sa banyo
"May nagiwan ng box dito sa labas. May nakalagay na note, para sa'yo"
"Ilagay mo nalang dyan sa table"
"Okay! Alis na ako. Bye"
Hmm, sino naman ang magiiwan ng something dyan sa labas? Nagmadali ako sa pagligo para makalabas ako at Makita kung ano ba yung sinasabi ni Athena.
Bumungad sakin ang sang Pink Box. At may nakasulat ngang note "To my love, Chari"
"JP"
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Teen FictionHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...