Chapter 5: Her Plan

10 1 1
                                    

Chari's POV

"May nag iwan na naman?" Tanong ni Athena na ngayon ay nanonood ng tv

"Oo, wala ka bang napansin na naglagay dun?" tanong ko at saka ipinatong sa table ang box

"Wala" Tumango nalang ako at dumiretso sa banyo para mag ayos ng sarili.

Pagkatapos ay muli kong kinuha ang box at ipinasok sa kwarto.

"So anong laman ng box?"tanong niya habang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko

"Hindi ko alam"

"Hindi mo binubuksan?"

"Hindi pa. Unless, malaman ko kung sino yung nagbibigay nito" sabi ko at inilagay sa ilalim ng kama mo

"Buksan mo na kasi, malay mo nakalagay sa loob kung kanino galing"

"Dapat magpakita siya"

"Okay, ikaw bahala" sabi niya at lumabas pa. Tapos ay pumasok ulit "Saan ka nga pala galing?"

"Kumain"

"Sino kasama?"

"Si Toni"

"Are you giving him another chance?"

"Nope"

"e Bakit kayo magkasama?"

"To be friends again"

"Bahala kayo" sabi niya at isinara ang pinto ng kwarto ko.

Kapag sigurdo na ako na kay JP galing ang mga box na yun, saka ko nalang bubuksan. Pero ngayon na hindi ko pa sure, hindi na muna.

---------

Weeks past at patuloy parin kaming nagkikita ni Toni as friends. Inaaya niya ako ng Dinner kapag wala siyang work, kung minsan naman ay napunta siya sa Unit namin dala ang kung ano-anong pagkain. Sa weeks na yun ay nakatanggap ako ng isa pang box. Pagkatapos nun, ay wala na.

Ngayon ay nasa living area lang ako at nakatingin sa bintana habang umiinom ng tubig.

"Napagod na siguro yung nagpapadala sayo, hindi mo naman daw kasi binubuksan" sabi ni Athena na kadadating lang mula sa trabaho

"Bubuksan ko nalang yun kapag nalaman ko kung sino"

"E pano mo nga malalaman kung hindi mo naman bubuksan. Malay mo may hint sa loob"

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Teka? Ano nga ba ang ginagawa ko? Wala, nakatayo lang at nakatingin sa kawalan. Haaays, Minsan ako na rin yun naiinis sa mga sarili kong kilos. Ang weird kasi.

Pumunta na ako sa kwarto ko at handa na sanang matulog when I suddenly received a message from Toni saying

"Basement"

Kaagad akong nagsuot ng jacket at nagpunta sa basement. Nakita ko siyang nakatayo at nakasandal sa isang poste kaya naman kaagad ko siyang nilapitan

"Bakit?"

"Wala, tinetest ko lang kung pupunta ka"

"Baliw" sabi ko at tinalikuran siya

He grabbed my hand at saka ako niyapos

"Problema mo?"

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at saka nag aya "Tara"

"Saan?" tanong ko na hindi niya sinagot. Hinila niya ako papunta sa kotse niya at saka pinasakay.

Tahimik lang kami sa byahe. Wala ni isa ang umiimik hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa lugar na pinuntahan namin noon. Bumaba siya kaya bumaba na din ako

"Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto ko lang mapag isa"

"Mapag isa, edi sana hindi mo ako sinama"

"Shhh!" pagpapatahimik niya sakin. Hinila niya ako palapit sa kaniya at saka inakbayan.

"Bakit ba kasi---" tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ko na natapos ang pagtatanong ko

"Wag ka nalang muna magsalita. Let's just stay like this for a while"

Habang nakatingin siya sa kawalan, ako naman ay nakatitig lang sa kaniya.

Bakit ko nga ba minahal ang tong ito noon. His eyes, his eyebrows, his nose, his lips, lahat yun namiss ko. He's from a respected family, he is well educated kahit noon pa man. Pero hanggang ngayon hindi ko parin masagot ang dahilan kong bakit ko siya pinagtabuyan noon. Minahal ko naman siya. Pero bakit nga ba?

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang lumingon sakin at nagkadikit ang aming mga mukha. Kaagad akong lumingon para iwasan siya. Awkward.

"Anong gingawa mo?" tanong niya

"Wala"

"Bumitaw ka na please"

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya "Ikaw kaya itong nakaakbay sakin" sabi ko which made him nodded

"Hindi yan ang tinutukoy ko" sabi niya at muli akong inakbayan

"E ano?"

"Kay JP" Hindi ko alam pero mabilis na pumatak ang luha ko sa mga mata. Okay lang naman ako kanina. Pero nang banggitin niya ang pangalan ni JP, bigla nalamang sumikip ang dibdib ko at bumalik ang mga sakit na nararamdaman ko "Hindi ka ba napapagod?"

Huminga ako ng malalalim at tumingin sa malayo "Napapagod"

"Tumigil ka na please"

"Pagod na pagod na ako Toni. Pagod na pagod na akong maghintay sa bagay na wala naman akong kasiguraduhan. Pagod na pagod na akong ipaglaban ang isang taong matagal na akong sinukuan" sabi ko at lalo pang umiyak

Niyakap niya ako na mas lalo kong ikinaiyak.

"Bumitaw ka na kung nahihirapan ka"

Umalis ako sa pagkakayakap niya at umiling "I still have one day, and I hope that one day will lasts for million of hours"

"So bukas na nga ang last day"

"Mm" sagot ko at pinunasan ang mga luha ko

"Anong plano mo?"

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya "Pupunta ako sa Batangas"

----------

Umalis ako ng maaga at nagbyahe papunta sa Batangas. Nagpaalam ako kay Athena at mag isang umalis. Hindi ko na pinaalam kay Toni ang oras ng alis ko dahil alam ko na sasamahan niya ako. Gusto ko munang mapag isa ngayon. Ito yung araw na pinaka hihintay ko.

Magpakita kaya si JP at sabihin na mahal pa niya ako o mananatili nalang siyang isang memorya sa masasaya at malulungkot na mga araw ko.

Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon