Chari's POV
"Hi guys" sabi ni JP habang naglalakad papalapit sakin. Samantalang ako ay nakatayo parin at hindi makagalaw.
"Cha, siya yung sinasabi ko sayong ipapakilala ko" rinig kong sabi ni Toni pero hindi ko nililingon dahil nakatingin lang ako kay JP na nakatayo sa harapan ko. "Cha, this is Javs"
"Hi Cha" sabi ni JP at inilahad ang kamay niya. Dahan-dahan ko itong tinanggap habang hindi parin makapaniwala na siya talaga ang nasa harapan ko.
"San ka ba nanggaling? kanina pa kita hinahanap"
Napakamot sa ulo si JP at saka bahagyang tumawa "Naglakad lakad lang"
Si JP ba talaga tong nasa harap ko. Hindi nagbago ang itsura niya bukod sa mayaman na siyang manamit at kumilos ngayon. Kitang kita ko ang singkit niyang mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi, makapal na kilay. Sigurado akong si JP to, pero bakit parang hindi niya ako kilala. Parang hindi manlang niya ako namiss sa loob ng walong taon.
I was staring at him the whole time nang bigla akong hawakan ni Toni sa balikat na naging dahilan para tingnan ko siya "Okay ka lang?"
Pilit akong ngumiti "Ah-oo" Pero sa totoo lang, hindi. Sinong tao ang magiging okay matapos makita ang mahal niya after 8 long years. Tapos ngayon mukhang wala namang pake sakin si JP. Parang isang estranghero lang ako na pinakilala sa kaniya ng kaibigan niya.
-----
"Ahh!" sigaw ng kagigising lang na si Alicia
Tiningnan ko lang siya sandali at muling binalik ang atensyon ko sa paglalaro ng bago sa harapan ko at sa pag-iisip kung si JP nga ba talaga yun o Hindi. Kung si JP, bakit nagkukunwari siyang hindi ako kilala? o baka naman wala lang talaga siyang pakielam sakin. Sino nga ba naman ako?
Nagmamadaling lumabas sina Zaicah at Athena sa magkaibang kwarto nang marinig ang sigaw ni Alicia kaya napatingin ako sa kanila.
"Bakit?" "Anong nangyari?" magkasabay na tanong ng dalawa. Sabay din silang napatingin sa akin at nanlaki ang mga mata nang makita ako.
"Bakit ganyan ang tingin niyo?" tanong ko sa kanila.
"Sino ang hindi magugulat kapag nakakita ng babaeng mahaba at gulo-gulo yung buhok tapos ang laki at itim ng eyebags. San ka ba sumabak ng gera?"
Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Hala ang pangit ko. Ano ba tong itsura ko. Mukha akong nanganak ng sampu.
Muli akong bumalik sa pagkakaupo at saka sumubsob sa dining table.
"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Zaicah at rinig ko ang pagkakaupo niya sa chair sa tabi ko
"Si JP" sabi ko at nagpapadyak na parang bata
"Anong meron kay JP?"
Tumunghay ako at sinagot ang tanong ni Alicia "Minumulto ako"
"Ha?!" halos mabingi ang tenga ko sa sabay-sabay nilang pagsigaw. Ang OA talaga ng mga to. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi ko? Maski ako nagulat din na nasabi kong minumulto ako ni JP. Mali naman kasi, mali yung pagkakasabi ko. For sure iniisip ng mga to na--
"Patay na si JP?!"
"Ano daw nangyari?"
"Kelan pa"
"Sinong nagsabi sayo?"
"Bakit naman nangyari yun?"
"Kaya ba hindi na siya bumalik?"
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Teen FictionHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...