Chari's POV
Nandito ako ngayon sa park malapit sa dati kong pinapasukan ,kung saan kami huling nagkausap ni JP. Nagcommute lang ako para hindi ako masundan ni Toni dahil alam niya ang itsura ng kotse ko. Hindi din ako nagdala ng phone para hindi nila matrack kung nasaan ba ako. 8am nang dumating ako at lagpas 3pm na ngayon pero maski anino niya hindi ko parin nakikita. Wala akong dalang kahit anong pagkain, natatanging isang bote ng tubig lamang. Hindi na din naman ako nagtangkang umalis sa pwesto ko dahil baka bigla siyang dumating at wala ako.
JP please be here. Please magpakita ka sakin. I've waited so long just for this day, the day na umaasa akong babalik ka pa. The day na umaasa akong okay na lahat. Nasayo ang desisyon kung magpapapasok na ba ako ng ibang tao sa buhay ko. Kung dadating ka ngayon, ikaw parin. Pero kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko.
------
It's already 10:30pm at hanggang ngayon ay wala parin si JP. Napatingin ako sa tubig na pumatak sa kamay ko. Hinawakan ko ang mga mata ko just to check kung umiiyak na ba ako. No, hndi ako umiiyak. Naambon na pala
"Shook! Wala akong payong" Talagang ngayon pa to sumabay, kung kelan sobrang sakit ng nararamdaman ko, naghihintay ako sa isang taong hindi ko sigurado kung pupunta pa ba.
------
11:30 na and I'm still here, hoping na dadating pa si JP. Habang lumalalim ang gabi, sumasabay naman ang paglakas ng ulan. Nakayuko lang ako at patuloy na naghihintay nang biglang tumigil ang pagpatak ng ulan sa kin. Napatingala ako at pilit inaninag kung sino ba ang lalaki sa harapan ko hawak ang isang payong. And yes, I'm still hoping na sana si JP to
Pero mukhang hindi ko ata kakampi si tadhana ngayon. Hindi si JP ang nakita ko kundi si Toni
" Pinilit kong ngumiti sa kaniya habang siya naman ay nakatayo lang sa harap ko. "Kanina pa kita hinahanap
Tumayo ako and hugged him. Mukha namang nabigla siya sa ginawa ko "Sobrang sakit Toni. Sobrang sakit" sabi ko that made me cry. Kaninang kanina ko pa pinipigil ang sarili ko na ilabas ito. Hindi na ba mauubos ang mga luhang ito? If I could just remove my eyes para lang matigil to, I will. Buti nalang dumating si Toni, nakahanap ako ng taong maiiyakan ko.
Nanatili kaming nakatayo lang. Hawak niya ang payong habang ako ay patuloy lang sa pag-iyak. Ilang minuto ang nakalipas at naisipan na naming maupo. Sa pagtahan ko ay kasabay din ng unti-unting pagtila.
--------
I looked at my watch just to check kung anong oras na. It's already 11:55
"Almost 12 na. Hindi pa ba tayo aalis?" pagtatanong ni Toni kaay nilingon ko siya
"Five more minutes" request ko sa kaniya
-----
It's exactly 12:00
"Cha?"
"Another five minutes please"
-------
"Chantal?"
I cried again as he called my name "Another five minutes please. Baka natraffic lang yun"
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at iniharap sa kaniya "Cha, wala nang traffic sa mga oras na to"
"Dadating siya. Dadating pa si JP" Pagpupumilit ko
He hugged me again which made me cry a lot. Mas lalo talaga akong napapaiyak kapag may taong yumayakap sakin.
JP please. Please be here, now.
---------
It's almost 2 nang mapapayag niya akong umalis sa park at sumakay sa kotse niya.
"Uuwi ka ba sa inyo?"
"Hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura ko"
Lumabas siya at may kinuha sa likod ng kotse tapos ay pumasok din ulit dala ang isang paper bag
"Ano to?" pagtatanong ko at inilabas ang mga damit sa loob ng bag
"Alam kong mangyayari to"
"Thanks" Lumabas siya at medyo lumayo at tumalikod.
So what I did, pinatay ko ang ilaw ng kotse at dali-daling nagpalit
"Toni!" pagtawag ko sa kaniya
"Tapos na ako magbihis"
Inabot niya sakin ang isa pang paper bag na may lamang pagkain from a fast food resto "Alam kong hindi ka pa nakain"
"Thanks" sabi ko and opened the food. Sobrang gutom na ako.
"For what?" I looked at him at napansin na nakatingin lang siya kawalan "For the food or for being here"
Humarap siya sakin waiting for my answer. I smiled at him at binalik ang atensyon ko sa pagkain "For the food"
He smiled at sumandal. Pansin ko din ang unti-unting pagpikit ng mata niya at ayun, nakatulog na nga. Hindi ko na siya ginising dahil alam kong napagod siya sa pagsama sakin.
"Thanks for everything" pagpapasalamat ko sa kaniya even though alam ko namang hindi niya rinig.
BINABASA MO ANG
Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?
Novela JuvenilHanda ka bang Maghintay ng matagal para sa bagay na walang kasiguraduhan? Handa ka bang tuparin ang pangakong maghihintay kahit hindi mo na alam kung may hinihintay ka pa? O handa ka nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo dahil pagod ka na? Sino a...