Chapter 17: Eclipse

8 0 0
                                    


Chari's POV

"Love, katatapos lang ng surgery" sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya

"O sige, uwi ka na"

"Next month pa"

"Ang ibig kong sabihin, uwi ka na sa bahay mo dyan"

"Ah ganun ba"

"Ang slow mo talaga"

"Sorry sa'yo, nagjowa ka ng Slow"

"Sige na, kumain ka muna bago matulog ha"

"Opo"

"Bye, iloveyou"

"Iloveyoutoo"

Pumasok ako sa isang resto para kumain, so that pagkauwi ko sa bahay ay tutulog nalang ako.

I was silently eating alone nang may tumawag sa pangalan ko kaya naman napalingon ako dito. It's been a year since huli kong nakita si Toni. Kumaway siya sakin at saka lumapit. Naupo siya sa vacant chair in front of me.

"Kamusta?" tanong niya

"Okay naman. Anong ginagawa mo dito?"

"Vacay"

"With Fam?"

"With my Fiance" sagot niya na ikinagulat ko ng bahagya

"Really?" tumango siya sa a response habang nakangit ng super wide. Halatang halata sa kaniya ang pagiging masaya niya "Congrats?"

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Work"

"Nice, payaman ka na ng payaman ha" pangaasar niya.

"Oy hindi naman"

"Kamusta nga pala kayo? ni Javs, I mean ni JP"

I smiled and answered him "We're great. Thank's to you"

"You're welcome"

"Thank you talaga Toni. This will not happen without your help"

"Wala yun, naging mabuting kaibigan naman si Javs sakin. And that's enough for me" Ang bait talaga ni Toni. Although may hindi magandang nangyari noon, mas pinili niyang maging selfless para sa mga taong nasapaligid niya. "By the way, tanda mo ba nung araw na nagFaint ka sa basement?"

"yes?"

"Si Javs talaga yung taong nakasalo sayo" Sinasabi ko na nga ba. All this time, I knew it was JP. "And the day na nagaantay ka sa Park sa Batangas? He was there, I saw him. That time, hindi pa niya sinasabi sakin na siya si JP, pero kutob ko na yun. Ramdam ko na siya yung lalaking tinutukoy mo. I tried pursuing you again, pero ganun mo nga siguro talaga kamahal si JP. Kaya the time na aminin sakin ni Javs ang totoo, nagalit ako. Kasi sabi ko sa sarili ko, ano ba yung meron siya na wala ako? And saka ko lang narealize na yung puso mo. Ang swerte ni Javs kasi yung pagmamahal na pinapangarap ko, sa kaniya mo pala binigay. Kahit anong pagpapakitang gilas ang gawin ko, siya at siya parin ang laman ng puso at isip mo. Buti na lang pala at nangyari yun, kasi kung hindi nangyari yun, hindi ko makikilala si Venice"

"Alam mo ba dati, lagi nila akong tinatanong kung bakit ba daw kita nirerejct kahit mahal pa kita noon. Before, hindi ko talaga masagot kung bakit. Pero ngayon, alam ko na kung ano yung dahilan" nakatingin lang siya sakin waiting for the next statement na sasabihin ko "yun ay dahil hindi talaga tayo para sa isa't isa. May taong nakalaan para sakin, ay may taong nakalaan din para sa'yo. At sobrang saya ko na nalaman kong nahanap mo na siya. Nahanap mo na yung babaeng magpapasaya sayo ng totoo, yung babaeng mamahalin ka ng buong-buo. And now I can say na tayo talaga yung Ipinagtagpo, pero hindi tinadhana"

"Thank you Cha---" naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang phone niya. "Hello babe. Yes, I'm on my way" tumayo siya at kumaway so I just smiled as a response.

Bago pa man siya umalis ay may sinabi pa siya "Box!"

"Ha?" pagtataka ko

"Yung Box, galing kay Javs"

Pagkarating ko sa bahay ay kaagad kong tinawagan si Athena para tanungin kung nasaan yung box na sinasabi ni Toni

"Athena? Nasaan yung box?"

"Nandun sa box ng mga books mo, nasa pinakailalamin. Dun sa pinapackage ko sayo last year"

Kaagad kong kinuha ang box na sinasabi ni Athena at dun ko nga natagpuan ang box na noon ay pinadala sakin ni JP.

As I opened the first box ay kaagad na bumungad sakin ang isang necklace na may design na eclipse and the socnd box contains earings. At may kasamang letter sa loob saying

Dear Love,

Kamusta ka na? I hope na masaya ka sa buhay na meron ka ngayon. I'm giving you this necklace with eclipse as a pendant. A legets tells that the sun and moon we're in love but their love was impossible because when the moon sore, the sun was setting. Then God would have created the eclipse to show that no love is impossible.

Unofficial Status 2: Chari's Happily Ever After?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon