Out of boredom inilibot niya ako sa buong bahay nila. Masyadong maluwag ang bahay, nakalulula o sadyang hindi lamang ako sanay dahil sa mas sanay ako sa simpleng bahay namin. All I can say and as compliment to their house is beautifully appointed. Mahina ako sa industrial designs, but I do feel well-relaxed ambient on their mansion.
Naglalakad kaming dalawa sa gilid ng swimming pool at hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Hindi namin kailangang magpanggap dahil siya at ako lang ang magkasama ngayon, samantalang may pinuntahan ang mga kuya niya sandali at babalik din daw sila while his parents are also busy doing something important. The angelic smile on his lips is livelier in the mist of telling his childhood story. "Si Kuya Greg, itutulak niya ako rito sa swimming pool tapos ako namang medyo lalambot-lambot na noon, at ayaw pang mabisto ay pinigilan kong tumili sa lamig ng tubig at umiyak!" He laughed and gestured his hand to the pool. Reminiscing his childhood days together with his father.
"At saka takbuhan pa kaming lima rito. Habul-habulan, patintero at kung ano-ano pa na sobrang saya talaga. Kapag may nagkasigawan na dahil sa pikunan, itutulak namin sila sa pool tapos pagtatawanan. Si mommy may dala ng cookies na sunog dahil hindi niya alam mag-bake, pero kakainin pa rin namin. Si daddy, sasayaw bigla at kakanta kahit napaka-istrikto," dagdag niya at muli siyang natawa pagkatapos niyang magkuwento. How I wish that he is always like this. Every time he tell stories about his childhood his smile is genuine.
Nakangiti pa rin siya nang malawak ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata niya. "Ang saya bumalik sa pagkabata, bes. Iyong wala ka pang alalahanin at hindi pa mabigat sa loob ang magtago ng sekreto." Nahimigan ko ang kalungkutan sa boses niya. I tapped his shoulders, my way to ease his grief.
"Kung maibabalik lang natin, at hilinging bata na lang tayo habambuhay, pero hindi ganoon, e," sabi ko. Gusto ko rin maging bata nang makasama ko pa si nanay.
Masarap maging mata kahit napapalo sa kakulitan. Iyong pakiramdam na noong bata pa lamang ako ay gustong-gusto ko na ang maging adulto, pero ngayong nasa adulto na ako, parang gusto kong bumalik sa pagkabata.
Less problems, more happiness when you are a child.
Bagsak ang balikat niyang isinandal ang ulo sa 'king balikat. "Bes, nahihirapan na ako," sisinghot-singhot niyang sabi, parang umiiyak, pero hindi. I caressed his hair without his permission. Hindi na ako nagulat nang mag-angat ito ng ulo kasabay ng pagtampal sa palad ko. Ayaw na ayaw niyang may humahawak sa kaniyang buhok.
Ngumiwi akong tiningnan siya nang may kasamaan. "Huwag kang mahirapan, mahal pa kita." Sabay kindat ko rito. Mabilis siyang lumayo, niyakap ang sarili at nakaangat pa sa likod ang kanang paa niya.
"Kaloka! Nakakadiri ka!" singhal niyang iwinagayway ang palad. Tumawa ako nang malakas dahil sa ekspresyon niyang parang tanga.
"Excuse me, nakakadiri iyong hindi naliligo," depensa kong totoo naman.
He rolled his eyes and cringed. "Whatever! I love you too." Pakiramdam ko ay medyo namula ang pisngi ko sa narinig. Well, madalang ko lang marinig sa kaniya ang katagang ito, kaya medyo nakakapanibago at masaya sa puso.
"Kikiligin na sana ako kaso pagpapanggap lang ito," ngiwing kong himuto sa pabirong paraan.
Mas lalo niyang niyakap ang sarili nang nakangiwi. "Bes, binabalaan kita. Natutuwa ako sa mga pick-up lines mo, pero hindi bagay sa isang tulad mo. You're giving me a goosebumps."
I laughed instead. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Iginiya siya palapit sa gilid ng pool. Umalingawng ang tawa ko nang bigla'y itulak ko siya. "Bahala kang taasan ng balahibo diyan!"
Tinalikuran ko ito matapos akong dumila na parang batang nanalo sa laro, pang-asar sa natalo.
"Althea!" patiling tawag niya sa pangalan ko. I immediately face him and place my index finger on my lips to remind him to keep quiet.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Romance𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...