LULAN ng taxi patutungo na sana sa kompanya subalit nakatanggap agad ako ng text message mula sa kaniya. Kaya dali-dali kong sinabi kay manong na didiretso kami sa condominium niya. Three hours away ang layo ng condo niya, idagdag pa ang hindi mawala-walang trapiko.
From: Frence
Hindi ako papasok ngayon, so bring the files here at my condo.
Lucky to know where he live. Sa halos mahigit isang buwan na ay tatlong beses yata akong nakapasok sa palasyo niyang makalat. Para bang hindi tao ang nakatira roon kundi ang nagwawalang toro dahil sa kung saan-saang sulok mo makikita ang gamit niya. Hanggang ngayon ay memoryado ko pa rin kung saan ito nakapuwesto maliban na lamang kung nag-ayos ito ngayon.
Pagkatapak sa condominium niya ay medyo nag-aalangan pa akong pindutin ang doorbell.
Malakas muna akong tumikhim saka ko pinindot nang nakapikit ang isang mata.
Bumukas ang pinto. "Come in," ang sabi niya at bago pa ako makapag-react ay agad siyang tumalikod. Pumasok ako at iginala ang tingin na mas maayos gaya ng inaasahan ko. Mukhang literal ng tao ang naninirahan dahil sa ayos. Ang dating may nakakalat sa sahig at sofa na damit niya't boxer shorts, ay wala na kundi ang bagong palit na punda ng mga throw pillows. Sinalubong din kaagad ako ng mabangong pagkain at uupo na sana ako sa couch nang marinig ko ang boses niya.
"Bring the files here," pasigaw niyang sambit. Hindi alam kung saan banda ko ilalagay sa sinabi niyang "here", pero sinundan ko na lamang ang pinanggalingan ng boses niya.
Kibot ang labing naglakad patungo sa kinaroroonan niya habang nagmamasid sa nakakapanibagong hitsura ng condo niya. Anim na sulok, kulay yellow orange ang dingding; glass windows na ngayon ay may maroon ng kurtina, at medyo hindi bumagay sa pintura ang kabuuan.
Ngayon ko lang napansin ang mala-chandelier niyang ilaw pagkarating ko sa kusina. Bahagya akong napatulala nang maabutan ko siyang nakasuot ng apron sa ibabaw ng plain white shirt niya, at brown shorts at abala sa pagluluto. Litaw na litaw ang biceps n'ya sa braso.
Palihim kong kinagat ang ibabang labi. Hindi ko alam kung ano ang laman ng dalawang pot at isang pan, pero amoy pa lang ay parang masarap na.
"Ilapag mo na lang sa table ang mga papers," maikling sabi niya na nananatiling nakapokus sa kaniyang niluluto. Pagkatapos kong ilapag ang hawak kong papers sa ibabaw ng malinis na bilugang mesa, ay nanatili akong nakatayo, nakatitig sa kaniya nang pirmi. Dahil ba sa gulat sa eksena sa harapan ko o baka gutom ako, hindi ko na rin alam.
Umiling-iling ako. Feels like I'm hypnotized. "Anong ginagawa mo pa diyan? Umupo ka na. Kakain na tayo," sabi niya nang nag-angat siya ng tingin at maabutan niya akong nakatulala sa kaniya.
Bigla ay napatakip ako sa aking mukha't mahinang tinampal ang sarili bago ako mag-angat ng tingin, at magmukhang timang na ngumiti. "Sir, inihatid ko lang 'yong papers at hindi na rin ako magtatagal—" pagdadahilan ko sana nang pinutol niya ito ng isang tingin. Tinging nagpatiklop sa akin.
"I don't want to argue with you, Katriel," buntonghiningang tugon niya.
"Sit down." Mukhang wala naman akong choice kaya nanatili ako. Nagpresinta pa akong ako na ang maghahanda ng mga pinggan pero inayawan niya. Kaya naupo na lamang ako para wala ng bangayan bago ko pa namalayan na nakaupo na siya sa harap ko.
Walang sabi-sabing kinuha niya ang pinggan ko at nilagyan niya iyon ng niluto niya. Tanging pagsunod ng tingin ang nagawa ko sa paglapag nito ng pinggan sa harap ko at naglagay na rin siya ng pagkain sa plato niya, pero hindi ako gumagalaw. Nakakaestatwa.
Nasisilip ko ang pagkurba ng labi niya. Hindi alam kung ngisi iyon o matipid na ngiti. "This is my way of apologizing for stressing you out this past weeks, or should I say simula noong araw ko sa opisina," maginoo at walang halong pang-uuyam niyang wika. Kumurap-kurap ako nang apat na beses.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Romance𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...