“SO GAANO na kayo katagal mag-boyfriend at girlfriend?” biglang tanong ni Frence sa amin ni Maurel nang maiwan kaming tatlo sa balkonahe ng kanilang bahay. Today is the second day of being here at their house, and today is their parents’ wedding anniversary. Mula noong malaman ko na ang lalaking nasa harap ko ang naka-one night stand ko noong gabing iyon, ay hindi ko maiwasang mailang. Tiningnan ko siya na tila alam ko na ang tinutumbok niya dahil parang alam niyang single yata ako noong gabing iyon na… ewan.
“Few years,” confident pero maikling sagot ni Maurel. Napalunok ako, ang tensyon ay hindi ko maipaliwanag. Tiningnan ko si Maurel na nakangiti sa kapatid, wala kang mapapansing nagpapanggap ito—kami, dahil totoong-totoo. Gusto kong sabihin ang katotohanan kay Maurel— from what really happened on that night so that he will be informed, but I don’t know where do I begin or how do I begin. Hindi sa natatakot ako sa magiging reaksyon ng boss ko, pero paano ko sasabihin?
Naramdaman kong lumipat ang tingin niya sa akin, but I remain my eyes staring to Maurel’s smiling face today. “A few years?” taas ang isang kilay na pag-uulit ni Frence sa kapatid. Muntikan ko nang mabatukan ang sarili nang makita ang ngiti ng lalaki sa akin. It creeps me out.
Bakit ko ba iniisip na hindi ako mumultuhin ng nangyari sa amin? Malamang sa ngayon ay iniisip niyang niloloko ko lamang ang kapatid niya. Ang gulo-gulo! Ipinilig ko ang ulo ko sa kanan saka patago kong hinimas ang sintido ko.
Umupo ako nang maayos at pinilit ang sariling maging pormal, gaya ni Maurel sa aking tabi. Baka mapaghalataan niya ako’t mabuko niya kami. Though, Maurel said to me that I’m not transparent, he is having a hard time when he tries to read me, pero ewan ko lang sa kapatid niyang masama ang tingin, ayon sa impresyon ko. “At executive assistant mo siya?” follow-up question pa niya, at pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang malamig. “So, lagi kayong magkasama?” tanong pa nito.
“Oo,” maikling sagot ni Maurel sa naunang tanong ng kapatid. “As much as we can,” sagot pa niyang muli sa huling tanong ng lalaki. Parang gusto kong hilain siya bigla palayo rito sa aming kinaroroonan para sabihing itigil na namin ang pagpapanggap. Hindi na ako makaupo nang maayos, nanlalambot na ako sa matinding kasinungalingang namamayani.
His sharp coffee eyes shifted towards me. “And you really want to marry her?” mapanuya ang dating ng kaniyang tanong. Sa tinig niya ay parang hindi ako karapat-dapat pakasalan ng kapatid niya, at gustong-gusto kong sabihin sa kaniyang harapan ngayon na pagpapanggap lang ito.
He chuckled as if there is something fun right now. He waved his hand to me while my eye brow slowly raising to him. “I mean, no offense, Althea, ha? Gusto ko lang makasiguro na alam ng bunsong kapatid ko ang pinasok niya,” dugtong niyang nakatingin sa akin. Isang pekeng ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya at saka akmang sasagutin ni Maurel ang tanong niya nang biglang lumabas sa balkonahe ang daddy nila.
“At sa ‘yo pa nanggaling ‘yan?” Nagawi ang tingin naming tatlo sa kaniya. Poker face ang mukha niyang nakatingin kay Frence. Ramdam ko ang pagkamuhi ng daddy nila sa kaniya, and my curious veins wanted to know why they treat this man in front of me like an exceptional.
Agad kong iniukit ang matipid na ngiti sa labi nang daanan ako ng tingin ng daddy nila bago ipirmi ang mga mata sa katabi. “Maurel has always been so sure on his life choices. Hindi ba dapat ikaw ang nakasisiguro na alam mo ang ginagawa mo sa buhay mo?” tanong pa ng daddy nila kay Frence.
Biglang pakiramdam ko ay nasa gitna ako na ng kung anumang tensyon sa pagitan ng mag-ama. Para akong palaman na naiipit, ngunit nagpupumilit umalis. Hindi nakatakas sa paningin ang palitan nila nang masamang tingin, at kung paano umigting ang panga niya.
Kumuyom ang kamao niyang tumayo sa kinauupuan. He is boldly fierce on his posture right now. “Nobody’s perfect. Eventually, even the perfect Maurel on your eyes will make a mistake that he will surely regret on his entire life,” ang sabi nito habang nakatingin sa akin at naglakad paalis. Bago siya tumalikod ay nahuli ko ang isang kakaibang emosyon sa kaniyang mata.
BINABASA MO ANG
Roses of Affection
Romance𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 A/N: The edited version of this story is posted in Finovel/Novelah/StoryOn. You can check it out there. Thank you for reading my stories! Visit my fb account, check my pinned post on how to read it on Novelah. ...